CHAPTER 10: GIAN

374 Words
“O?! Gian, anong ginagawa mo rito? Hindi ba day off mo ngayong araw?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Maria nang makita ako nito sa loob ng kusina ng Gotohan. “Teka… teka… may nangyari ba sa iyo? Bakit iba ata ang timpla ng mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa, e, ka-aga-aga!” pagpapatuloy nito. Isang malalim na paghinga ang aking ginawa at marahan na umiling kay Maria. Tumingin ako kay Maria ng marahan, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa akin. Isang ngiti naman ang aking ginawa rito baka ako nagsalita sa kaniya. “Wala, medyo masama lang ang gising ko kanina,” wika ko. Tumango-tango naman ito sa akin at muling ipinagpatuloy ni Maria ang kaniyang ginagawang paghuhugas ng pinggan. Makalipas ang ilang minuto, ay dinamayan ko na si Maria sa kaniyang ginagawa. Naramdaman ko naman ito na bahagyang nagulat sa aking ginawa, ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin pa. Dahil ang isip ko ay nakapokus lamang sa kay Geoffrey. Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin maunawaan kung bakit bigla na lamang siya sa akin. Kung bakit bigla na lamang siya nanlamig sa akin – sa relasyon naming dalawa. Napayuko na lamang ako dahil miski ang sarili kong utak ay hindi magawang mabigyan kasagutan ang mga tanong na patuloy na bumabagabag sa aking isipan. “Maria, mayroon akong tanong sa iyo. Sana sagutin mo ng totoo,” napahinto naman sa kaniyang ginagawa si Maria at dahan-dahan na tumingin sa akin, huminto rin ako sa aking ginagawa at saka ako tumingin sa kaniya at nagpatuloy sa aking pagtatanong sa kaniya, “bakit kapag masaya na sa isang relasyon ang dalawang tao. Doon naman bigla magkakaroon ng… parang problema. ‘Yong parang ngayon masaya kayo, tapos, kinabukasan ay may biglang magbago sa inyo. Bakit may ganun?” mahabang pagtatanong ko sa kaniya. “Paprangkahin kita, Gian, ha?” saad nito sa akin, “alam mo, normal ‘yan sa relasyon – sa relasyon naming mga straight o maging sa inyo. Kaya nga lang, at hindi kita pinag-o-overthink, ha? Minsan, mayroong nakikitang bago ang partners natin. Minsan, may mga gusto pangarap sila na matupad na sa tingin nila ay hindi kayang ibigay ng partner nila sa kanila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD