bc

BUTAS [M2M]

book_age18+
55
FOLLOW
1.0K
READ
forbidden
dominant
stepfather
single mother
drama
bxb
bisexual
campus
sassy
naive
like
intro-logo
Blurb

[STEPDAD x STEPSON]

Ako si Myco, ang tanging anak ni Mama na isang solo parent na nagbigay ng lahat para sa aming pamilya. Ngunit hindi ko inasahan na iisang tao lang pala ang mamahalin naming dalawa.

.

Sumama kayo sa kwento ng aking buhay-isang kwento ng bawal na pagnanasa, lihim na pagtingin, at mga damdaming hindi kayang pigilan. Isang erotikong paglalakbay na puno ng tukso, lihim, at masalimuot na pangyayari.

.

All characters depicted in explicit s****l scenes in this book are 18 years of age or older. The author does not endorse or encourage illegal activities, and this work is purely fictional.

.

This book is a work of fiction. Any resemblance to real persons, living or dead, events, or locales is purely coincidental. The author holds all rights to this work. Unauthorized reproduction, distribution, or copying of this book, in whole or in part, is prohibited.

©yourbigbear | Big Bear 2025

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Unang Pagkikita
MYCO Maaga akong nagising ngayon. Sa sobrang pagkasabik ko ay nauna pa akong gumising kaysa sa aking alarm clock. Inabot ko ang phone ko at may ngiting tinignan ang reminder na nakapaskil sa screen. [Date with Black today ♡] Oo, may date ako ngayon. Ako si Myco Advincula, labingwalong taong gulang. Nag-iisa akong anak ng mama ko na solo parent. Limang taong gulang pa lamang ako nang pumanaw si papa mula sa isang aksidente kaya naman si mama na ang nagtaguyod sa akin mula noon. Mag-isa niya akong pinalaki at ni minsan ay hindi ko naramdaman na kulang at hindi buo ang aming pamilya. Mahal ko si mama at ganoon din naman siya. Sa katunayan niyan, tanggap niya na mayroon akong pusong babae. Oo, bakla ako. At proud ako. Sinusuportahan ako ni mama sa mga gusto ko. Madalas nga ay binibilhan ako nito ng make up at mga damit pangbabae kahit na ang totoo ay hindi ko gustong gumagamit ng mga ganoon. Oo, bakla ako. Pero sa ibang paraan ko ineexpress ang sarili ko. Lalaki pa rin akong tignan: lalaki manamit, lalaki kumilos, at lalaki manalita. Kung hindi ko sasabihin sa kahit na sino ang totoong ako, walang mag-aakala na lalaki rin ang gusto ko. Grade 6 ako nang mapagtanto ko sa aking sarili na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Palihim kong naging crush ang binatang security guard sa school namin noon. Minsan nga ay sinsadya kong tumambay malapit sa school gate para masilayan siya. Nang makagraduate ako sa elementarya, siyempre natigil na din ang pagkakagusto ko sa kanya. Hanggang sa naging crush ko naman ang isa sa mga kaklase ko sa high school. Mahiyain akong tao kaya naman palagi kong tinatago ang mga nararamdaman ko. Wala akong pinagsasabihan ng mga crush ko dahil nahihiya ako. Kahit na noong umamin ako kay mama na bakla ako, hindi ko sinasabi sa kanya na may crush akong lalaki. Kaya naman noong nakaraang buwan, naisip kong mag-sign up sa isang gay dating app. Ang Bridger. Nadedetect nito kung may malapit na gay user sa location mo. Gay-dar kumbaga. Pwede ring mag-swipe left or right sa mga profiles ng mga user. Tapos pwede kayong mag-chat o video call. At ito ngang nakausap ko two weeks ago, si Black. Napagpalagayan ko na agad ng loob ang lalaking ito. Black ang username niya at ang display photo niya ay isang mirror selfie kung saan kitang-kita ang kanyang malaking muscles at abs. Natatakpan ng cellphone ang mukha niya kaya hindi ko kilala ang kanyang itsura. Si Black ang unang nag-chat sa akin. Sa palagay ko ay nakyutan siya sa picture ng katawan ko habang nakasuot ng maiksing shorts. Hindi rin kita ang mukha ko dahil gusto kong manatiling anonymous. Ayaw ko sanang may makakilala sa akin. Araw-araw kaming nagch-chat ni Black sa Bridger. Grabe siya kung manglandi kaya naman kinikilig ako kapag kausap siya. Minsan din ay inaakit niya ako sa pamamagitan ng pagse-send ng larawan ng katawan niya. Puro katawan lamang ang sinesend niya, at hindi pa naman siya nagsesend ng mga sobrang malaswa kagaya ng b u r a t niya. Ramdam ko na maginoo si Black base na rin sa pananalita nito tuwing magkatawagan kami. Malalim ito at parang nakakakiliti sa tenga. Tumatayo ang balahibo ko sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko. Username pala. 'Di nagtagal, nagyaya ako na makipag-meet up. Ito ang unang beses na gagawin ko ito sa tanang buhay ko. Isa kasi akong mahiyaing bakla kaya naman sa edad kong ito, hindi pa ako nakakaranas ng kahit na anong aksyon sa buhay. Ngayon ang araw na magkikita kami. Tiwala naman ako kay Black ngunit sabi niya ay sa mall daw kami magkita para naman makampante ako na wala siyang gagawin sa aking masama. Napaka gentleman talaga ni Black. Naligo na ako at nagbihis. Bumili pa ako sa TikTik shop ng bagong damit na isusuot dahil gusto kong magpa-impress kay Black sa una naming date. Nakasuot ako ng asul na button-down short sleeved shirt na naka tuck sa aking khaki pants. Kaswal lang sana ang gusto kong porma pero yung maayos naman para hindi nakakahiya. Pakiramdam ko kasi ay mayaman itong si Black dahil sa mga pinapakita niyang litrato ng bahay niya na sa tingin ko ay magara. "Ma, alis na po ako." Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Bitbit ang isang canvas bag, hinanap ko ang gagamitin kong sapatos sa mula sa shoe rack. "Aba'y pagkagwapo naman talaga ng anak ko. Mag-enjoy ka sa date mo, ha." wika ni mama na may kakaibang ngiti. "Ma naman, d'yan lang ako sa mall at may bibilhin." ang sagot ko naman. Hindi ko sinabi kay mama ang tungkol sa pakikipagkita sa lalaking nakilala ko lang sa app. Baka kasi mag-alala ito at hindi ako payagan. Sayang naman ang pagkakataon ko. Kapag mas nagkamabutihan kami ni Black, balang-araw ay ipapakilala ko siya kay mama bilang first boyfriend ko. Bigla akong kinilig sa naisip ko pero pinilit ko na huwag ipahalata ito kay mama. Malamang ay tutuksuhin ako niyan. "Sige ma, aalis na po ako. Mag-ingat po kayo dito." bilin ko kay mama pagkatapos ay niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Ikaw ang mag-ingat sa labas anak. I-text mo ako kung may kailangan ka, ha?" Napaka-sweet talaga ni mama. "Opo mama." "At siya nga pala," pahabol pa niya. "Maaga kang umuwi para sa hapunan, ha. 'Di ba ngayon dadating ang bisita na ipapakilala ko." wika ni mama. Nasabi sa akin ni mama last week na may pinaplano siyang dinner ngayong gabi. Sabi niya ay may bisita raw. Hindi ko alam kung sino ngunit susundin ko na lang si mama at uuwi ng maaga. "Opo mama, pangako po, uuwi ako ng maaga." Hinalikan ako ni mama sa pisngi at saka ako lumabas ng bahay. Dumaan muna ako sa isang bakery pare bumili ng tinapay. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal sa bahay at ayaw kong maabala si mama dahil maaga akong gumising. Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone ko at nagsend ng chat kay Black. [Otw na po ako.] Ilang saglit lang ay nakatanggap kaagad ako ng reply. [Ingat ka, hon. I'm so excited to see you.] Lalo akong kinilig na para bang nanghihina ang aking mga tuhod. Gusto kong sumigaw ngunit pigil na pigil ako dahil nakakahiya naman sa mga tao sa paligid kapag bigla akong sumigaw. Hon ang tawagan namin ni Black. Para na talaga kaming totoong mag-jowa. Tatanungin ko siya mamaya kung seryoso ba siya sa akin at gagawin na'ng opisyal ang aming relasyon. Naglalandian man kami sa chat ay hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang nararamdaman niya sa akin. Bilang labingwalong taong gulang na bakla, inaasam ko din na magkaroon ng lalaking mamahalin ako at mamahalin ko din. Mamaya talaga ay kakausapin ko siya. Nang makarating ako sa mall, agad akong dumiretso sa café kung saan daw kami magkikita ni Black. Siya ang nag-suggest nito dahil kakilala niya raw ang may-ari. Ililibre rin niya daw ako at siya ang bahala sa aming date. Umupo ako sa may bakanteng mesa sa sulok ng café. Kumakabog ang dibdib ko habang lumilinga-linga sa paligid. Posibleng isa sa mga tao dito ay si Black. Hindi ko alam kung bakit kanina ay nae-excite ako ngunit ngayon naman ay kinakabahan. Marahil ay dahil sa unang beses akong makikipagkita sa taong nakilala ko lang online. Inikot-ikot ko ang cellphone ko sa aking kamay bago ko napagdesisyunan na i-chat na si Black. [Hon, nandito na ako. Naka blue polo ako at khaki pants.] Hinintay kong magreply si Black, ngunit 'di gaya ng dati, ilang minuto na ay hindi pa rin niya ako nire-reply-an. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka hindi na ako siputin nito. Baka nakita niya ako sa malayo at napangitan siya sa akin. 'Di ko mapigilang kagatin ang kuko ko sa sobrang kaba. Shit. Ano ba 'tong nararamdaman ko para akong nasusuka na ewan. Sa sobrang kaba ko ay pakiramdam ko'y lalabas lahat ng inalmusal ko kanina. Tinago ko ang mukha ko sa likod ng aking dalawang palad. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ako'y lang 'yan, Myco. May next time pa. Makakakilala ka pa ng iba. Nararamdaman ko na namumuo na ang luha sa mga mata ko. Aaminin ko na nakaramdam ako ng pagkadismaya. Unang date ko sana ito sa buong buhay ko ngunit mukhang hindi pa ata ako sisiputin. "Bunny?" Nabigla ako nang marinig ko ang isang boses. Pamilyar ito. Boses ito na naririnig ko lang sa telepono ngunit ngayon totoo ko na'ng naririnig. Tinanggal ko ang pagkakataklob ng aking mga kamay sa mukha ko. Doon bumungad ang pigura ng isang matipunong lalaki. Matangkad ito at moreno. Malalim at maitim ang kanyang mga mata na animo'y sinisisid nito ang pagkatao ko dahil sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Isa itong sensasyong hindi ko pa nararamdaman kailanman. "Ikaw ba si Bunny?" Inulit pa ng lalaki ang pagtatanong gamit ang malalim nitong tinig. Bunny. Ito ang username ko sa Bridger. Isang tao lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganito ngayon at wala nang iba kundi si Black. Para akong napako sa kinauupuan ko. Napakagwapo niya. Nakakahumaling ang kanyang itsura. Pakiramdam ko nga ay nahi-hypnotyze ako sa sobrang lakas ng dating niya. "O-opo, " Nauutal-utal pa ako sa pagsagot. Paano ba naman, may aura ang lalaking ito na sa isang tingin niya lang ay mapapaluhod ka bigla. "Ikaw nga Bunny. Finally nice to meet you." Inilahad ni Black ang kanyang mga kamay na siya namang kinuha ko. "I'm Black." "H-Hello, Black..." ang nahihiya kong usal Narinig kong bahagyang natawa si Black bago ito umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Ilang saglit niya akong tinitigan. Para bang sinasalat niya ang pagkatao ko. Pilit akong nag-iiwas ng tingin ngunit kusa din ito bumabalik sa kanya. Medyo nako-conscious tuloy ako. "You're so beautiful, hon." Biglang nagsalita si Black na siya namang ikinamula ko. "A-ano... salamat. Ikaw din, ang gwapo mo rin." Natawa na naman si Black sa 'di ko malamang dahilan. Mukha ba akong katawa-tawa? "Napaka-cute mo." dagdag pa niya. Gusto kong magtago sa kung saang butas. Aaminin ko na malakas akong manglandi sa kanya sa chat, ngunit ngayong kaharap ko na siya, biglang umurong ang aking dila. "I'm sorry if I'm late. May dinaanan pa kasi ako sa opisina bago ako nagpunta dito." anito. "Okay lang po, hindi ka naman po late." Halos pabulong na lang ang boses ko dahil kinikilig ako kay Black. Napansin ko na naka-smart casual ito na siyang mas nagpapangibabaw ng kanyang katawan at kagwapuhan. "Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" ang tanong sa akin ng lalaki sa harap ko. Mas lalo tuloy akong kinilig dahil napaka-gentleman talaga nito. "Oo naman," sumang-ayon ako ngunit hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Parang naiihi ako na ewan. Hindi nagdalawang isip si Black na hawakan ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa. Sinalat-salat niya iyong gamit ang kanyang mahahabang daliri, at walang pag-aatubiling hinalikan ang likod ng aking palad. "Nae-excite ako sa date natin, hon." wika nito habang idinidisplay ang kanyang maputi at pantay-pantay na ngipin. "A-Ako din," Naiinis na ako sa sarili ko dahil kanina pa ako nauutal. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin at kung bakit ako nagkakaganito. Marahil ay nakakaramdam din ako ng excitement at kaunting kaba ngayong nasa harap ko na ang lalaking nagpapakilig sa akin. "May gusto ka bang gawin? Kumain kaya muna tayo?" tanong sa akin ni Black. Sumang-ayon naman ako sa kanya. Kumain kami sa café kung saan kami nagkita. Pinapili ako ni Black ng mga gusto ko ngunit dahil nahihiya ako, kaunti lang ang pina-order ko. Laking gulat ko na lang nang biglang dumating ang sangkaterbang pagkain at inumin. Gulat akong tumingin kay Black at isang malaking ngisi lamang ang sinagot niya sa akin. Habang kumakain ay nag-usap kami ng ilang bagay tungkol sa aming mga sarili. Nalaman ko na 36 years old si Black, doble sa edad ko ngayon. Kahit na ganoon, hindi naman ako nailang dahil napakagaan niyang kausap sa personal kagaya ng sa chat. Nabanggit niya rin na may-ari siya ng isang small business. Hindi ko alam kung anong business ba ito at hindi ko na lamang tinanong pa. Maya't-maya niya din hinahawakan ang kamay ko na siyang nagpapakilig sa akin. Kung makatitig din siya ay para bang mawawala akong bigla. Nakakalusaw ang kanyang mga tingin. Malagkit at minsan ay tila nang-aakit. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa, pero naramdaman kong nag-iinit ang katawan ko. Sinubukan kong pigilan ito hangga't maaari dahil nasa pampublikong lugar kami. "Ayos ka lang, hon?" may pag-alalang tanong ni Black. Napansin ata niya na hindi ako mapakali. Nakakaramdam kasi ako ng pangangati sa katawan. Hindi ko matukoy kung saan ngunit hindi ako mapakali at gusto ko itong kamutin. "Opo, nabusog lang. Ang dami mo naman kasing in-order," sagot ko habang pilit na umaaktong normal. Matapos naming kumain ay umalis na rin kami. Siya ang nagbayad sa lahat. May ilang take-out din akong nadala dahil hindi ko naman maubos ang lahat ng mga in-order niya. Magkahawak kamay kaming naglalakad-lakad sa mall. Tinatanong niya ako nung ano ba ang mga gusto kong puntahan o kung ano ba ang mga gusto kong bilhin. Ako nama'y nahihiya dahil para bang sugar daddy ko siya. Ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan niya. Kaya naman sinabi ko na wala naman akong gustong kahit na ano at sapat na na magkasama kaming dalawa. Kaya naman siya ang nagpasya ng mga ginawa namin. Dumaan kami sa mamahaling store ng mga damit at pinapili niya ako ng mga gusto ko. Pagkatapos ay namili kami ng ilang mga bagay sa Watsons. Sabi niya kasi ay napakakinis ng balat ko kaya't gusto niya akong bilhan pa ng mga pang-skincare. Tinitignan niya din bawat isang nilalagay ko sa basket para daw 'pag naubos ay bibilham niya ako ulit. Pagkatapos mamili ay naglakad-lakad na lamang kami sa parke na nasa labas ng mall, bitbit ang aming mga pinamili. "Ano...Black... Salamat pala sa mga ito, ha. Nakakahiya naman, ako nagyaya tapos ako pa itong may mga iuuwi." Pinakita ko kay Black ang mga hawak kong paperbag. Maging siya rin ay may bitbit din ngunit sa akin pa rin iyon. Ganoon kadami ang mga pinamili niya para sa akin. "Hindi mo naman kailangang mag-alala. Alam mo bang masaya ako kapag nakikita kang masaya. At saka gusto kitang i-spoil kaya pagbigyan mo na ako." wika ni Black. "Ayoko naman na isipin mo na inaabuso ko ang kabaitan mo. At siya, kung maulit man ito, ako naman ang manglilibre sa'yo. Basta... yung medyo mura lang sana. Estudyante pa lang kasi ako at walang gaanong pera." ang sabi ko na sa kahiyaan ay napakamot na lang ako ng ulo. Narinig ko namang natawa na naman si Black sa akin. Pinaningkitan ko ito ng tingin na siya namang ikinatawa niya lalo. "May nakakatawa ba, Black?" tanong ko. Umiling siya bago tumikhim. "Wala, hon. Ang cute mo lang kasi kaya natutuwa ako." wika niya. "Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko." "Hmph. Ang OA mo naman," biro ko dito. Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone kaya naman kinuha ko ito mula sa aking bulsa. Nag-text si mama at tinatanong kung pauwi na ba ako. "Uhm, Black. Mukhang hinahanap na ako sa amin. Kailangan ko nang umuwi." sabi ko sa kanya. Nakita ko na bahagyang bumagsak ang kanyang mukha ngunit napalitan ulit ito ng ngiti na parang normal lang. "Ganun ba. Ihahatid na kita sa inyo. Tara." Inakbayan ako ni Black habang papunta kami sa parking lot. 'Di nagtagal ay nakabiyahe na kami. Wala namang gaanong traffic kaya mabilis lamang ito. Nagpababa ako tatlo kanto mula sa bahay namin. Malayo-layo pa ito sa bahay ngunit dito ko nalang naisip na bumaba. Baka kasi may makakita sa akin na inihatid ng magarang kotse at may mga bitbit pa at kung anong isipin ng mga tsismosa naming kapit-bahay. May alam din naman akong shortcut dito kaya mas mapapabilis ang pag-uwi ko. Pinark ni Black ang kotse sa isang lote. 'Di ko alam kung bakit walang gaanong tao pero mas okay na iyon. "Paano ba yan. Nandito na tayo." Narinig kong nagsalita si Black. Pareho kaming nagkatinginan at alam kong may biglang kung anong nagbago sa hangin. "O-oo, salamat sa paghatid." Tinanggal ko na ang seatbelt ngunit sa sobrang kaba ko ay tila na-stuck ito. Mabilis naman akong tinulungan ni Black na tanggalin ang seatbelt kaya lumapit siya sa akin. At nang matapos itong makalas, nagkatinginan muli kami ni Black sa parehong posisyon. Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga na dumadapo sa aking leeg. Kaya nama napapataas ang aking balahibo sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang paghinga. "B-Black..." ang halos bulong ko. "Pwede ba kitang halikan?" Para akong nahipnotismo ng malalim na boses ni Black. Tumango ako ng walang pag-alinlangan at saka ko naramdaman ang paglapat ng aming mga labi. Mabilis lamang iyon. Smack kumbaga. Saglit na nagtama muli ang mga mata namin ni Black bago niya muling sinunggaban ang aking mga labi. Siya ang una kong halik. Hindi pa ako nakakaranas ng ganito kaya naman sinusibukan ko siyang sabayan. Binuka ko ang aking bibig nang maramdaman kong gustong ipasok ni Black ang kanyang dila. Parang siyang sabik na matikman ang aking laway at grabe kung galugarin niya ang loob ng aking bibig. "Hmmmm.... mnnn..." Napaungol ako sa sobrang sarap. Nahihilo ako sa tuwing sumasayaw ang aming mga dila at sa tuwing nagpapalitan ang aming mga laway. Nakakaadik. Nakaka l i b o g. Naramdaman kong gumapang ang isang kamay ni Black sa aking hita. Kaya nama'y ganoon din ang aking ginawa. Hindi pa ako nakakahawak ng katawan ng ibang lalaki, kaya't sabik kong dinakma ang gitnang parte niya. "Mmmmmm... hon..." Napaungol si Black habang sinasalat ko ang parte ng pantalon niya na may bumubukol. Nakakakaba dahil unang beses ko pa lang makahawak ng ganito. Hindi ko pa man makita ang nakatago sa ilalim, palagay ko ay malaki ito at mataba base sa nahahawakan ko. "Hon..." Hindi nakapagpigil si Black at hinila niya ako hanggang sa napaupo ako sa kanyang kandungan. Mabuti't nagkasya ang payat kong katawan sa maliit na espasyo ng driver's seat. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Black at saka mas pinalalim ang paghalik sa kanya. Labi sa labi. Dila sa dila. Nagpapalitan kami ng laway at hininga at para akong batang sumu s u s o sa kanyang dila. "P u t a n g i n a, Bunny. Sarap niyan..." Naghiwalay ang aming labi at napahalinghing si Black nang bigla kong igiling ang aking pang-upo sa kanyang matigas na nakatagong alaga. Nakahawak si Black sa aking maliit na baywang habang pinagkikiskis ko ang nakadamit naming mga alaga. Tila nawala ang aircon sa loob ng sasakyan dahil pawang init lang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ko ito natutunan o kung bakit ko ito nagawa, ngunit ang masasabi ko lang ay masarap ito sa pakiramdam. Damang-dama ko ang naninigas niyang ari na kahit pareho kaming balot ng damit ay ramdam pa rin ang init mula dito. "Black..." Tinuloy ko ang paggiling at panakanakang pagtikim sa kanyang labi. Nararamdaman ko na tila may parteng namamasa sa akin. Naglalawa. Basang-basa. (Ring! Ring!) Napabalikwas ako sa kandungan ni Black nang marinig ko ang tunog ng isang cellphone. Natamaan pa nga ng pang-upo ko ang manibela kaya naman napabusina ito. Nataranta ako at bumalik sa maayos na pagkakaupo sa passenger seat habang kalmadong kinuha naman ni Black ang kanyang cellphone sa bulsa at saka sinagot ang tawag. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ng nasa kabilang linya at isang "Oo, pupunta ako." lang ang sinagot ni Black. Pagkatapos ay nagkatinginan muli kami at sabay kaming natawa. 'Di ko alam kung bakit o anong nakakatawa, basta gusto ko lang tumawa. "Ang sarap mo, hon." wika ni Black. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Kung kanina ay malakas ang aking loob na gumiling sa kandungan ni Black, ngayon naman ay para akong Maria Clara sa pagkahinhin. "N-Nagustihan ko yung kanina, salamat..." ang nahihiya kong pahayag. Nagnakaw muli ng halik si Black na ikinagulat ko. Sabi niya ay 'di niya raw mapigilan. "Siya nga pala, hon." Panimula ko. Naisip ko na tanungin na siya sa estado ng aming relasyon. Para sa akin, gusto ko na si Black at mas gusto ko pa siyang makilala. Umaasa ako na ganoon din ang nararamdaman niya. "Ano kasi...Black... yung tungkol sa atin. Ano... Ano ba tayo?" Tinignan ko si Black sa mata at sa maiksing sandali, alam kong nagulat siya. Pinilit kong huwag ipakita ang pagkadismaya sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin ngunit nabigla ako nang bigla niyang kinabig ang aking mukha paharap sa kanya. "Hon," wika niya gamit ang malalim niyang boses. "Kung ano mang meron tayo ngayon, ituloy natin 'to. Gusto kita." Nararamdaman ko ang pagkasinsero ni Black. Nariring ko sa kanyang boses na seryoso siya sa kanyang sinasabi. Napangiti ako. Akala ko'y ayaw niya sa akin. Pero mabuti na lang at pareho pala kami ng nararamdaman. "Gusto rin kita, Black," wika ko at saka yumakap sa kanya ng mahigpit. Napakakomportable ng bisig niya na para bang ligtas ako basta's kasama ko siya. "Ang saya ko ngayon. 'Di mo alam kung gaano mo ako napasaya." dagdag ko pa at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. Yun bang parang ayaw ko siyang bitawan dahil baka mawala siya sa piling ko. "Mas masaya ako, hon. Masayang-masaya." Bahagyang lumayo si Black upang halikan ang aking noo. Napangiti ako dahil sa oras na iyon, pakiramdam ko'y lalabas ang aking puso sa sobrang tuwa. Kung pwede lang na maglulundag ako ngayon ay gagawin ko. "Sige na, hon. Mauna na ako. Hinahanap na ako ni mama." ang sabi ko sa kanya. Parang ayaw pa ngang bumitiw sa akin ni Black! "Okay. Basta magch-chat at tatawag ka sa'kin, gaya ng dati?" "Oo naman. Hindi ba'y magd-date ulit tayo at ako naman ang manlilibre?" Napangisi si Black sa sinabi ko at mas mas mabilis pa kaysa kay Flash itong nagnakaw muli ng halik. "Okay, may pupuntahan lang ako ngayong gabi. Pagkatapos ay tatawagan kita kaagad." "Okay. Salamat sa araw na 'to Black." "Conrad." Narinig kong sabi ni Black kaya nagtaka ako. "Huh?" "Conrad ang pangalan ko. Tawagin mo 'kong Conrad mula ngayon." Kakaiba na talaga itong nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nasa langit ako. Siguro ay nag-level up na nga ang aming relasyon kaya naman totoong pangalan na niya ang binigay niya sa akin. "Okay... Myco naman ang itawag mo sa akin." "Myco... Napakaganda ng pangalan mo, kagaya mo." Kinilig na naman ako ngunit hinay-hinay lang. Nag-aalala ako kung saan pa mauwi ito kaya naman bumaba na ako ng sasakyan ni Black—Conrad—matapos ang isang huling halik. Nagtatakbo ako patungo sa eskinita kung saan ay mayroong shortcut sa akin. Bitbit ko sa magkabilang kamay ang mga paperbag na pinamili namin. Nagpaikot-ikot ako dahil napakagaan ng pakiramdam ko. Para akong nakalutang sa langit. Wala na nga akong pakialam kung makatapak man ako ng tae sa dahil. Ang mahalaga, may boyfriend na ako. May boyfriend na ako! Narating ko na din ang bahay agad dahil na din sa pagtatatakbo ko. Excited na akong umuwi. Hindi ko muna sasabihin kay mama na boyfriend na ako dahil tiyak ay iinterogahin ako niyan. "Ma, nandito na po ako!" sigaw ko habang hinuhubad ang aking sapatos sa labas ng pinto. "Oh, anak—" Naputol ang pagsasalita ni mama nang makita niya ang mga dala kong pinamili. "Jusko, ang dami naman niyang pinamili mo, 'nak." Kinuha ni mama ang ilang paperbag at tinulungan akong ipasok ito sa loob ng bahay. "Naku, ma. Huwag kang mag-alala. Binilhan din kita nitong mga pang-skincare. Alam kong gusto mo iyan." Kinuba ko ang bag ng Watson at binigay ito kay mama. Hindi ba't hindi naman ako gaanong mahilig sa skin care. Pumili ako ng ilan para sa akin, at pumili rin ako ng oara kay mama. Tutal mahilig naman siya sa mga ganito. Si Black kasi ay pinipilit akong bumili ng mga pampaganda. "Salamat, anak. Hindi ka na dapat mag-abala. Balak ko ngang bilhan ka rin ng mga ganito, aba'y naunahan mo naman ako." wika ni mama at ginulo pa ang buhok ko. "Wala 'yon ma. Masaya lang ako ngayong araw." "Ay, anak ha. Akam ko yang mga ganyang ngiti. Siguro ay nagbo-boyfriend ka na, no?" Tinusok ni mama ang aking tagiliran kaya napaigtad ako. "Ma naman! Hindi po! Grabe naman, ngumingiti lang, may-boyfriend agad." Dinepensahan ko muna ang sarili ko dahil hindi pa ako handang umamin kay mama. Saka na kapag nakapagpasya na kami ni Conrad. "Anak naman, naging teenager din ako gaya mo, kaya alam na alam ko kapag yang mga ngiti ay dahil sa isang tao. Pero siya, kung ayaw mo naman umamin eh, hindi naman kita pipilitin. Basta alam mo naman na nandito lang ako para suportahan ka sa mga gusto mo." Niyakap ko si mama nang sobrang higpit. Napakaswerte ko dahil may mama ako na gaya niyang mabait at mapang-unawa. Hinding-hindi ko hahayaang malungkot ang mama ko. Nandito rin ako sa kanyang tabi palagi. "Opo, ma. At nandito rin ako para suportahan ka." Nagpaalam muna ako kay mama na aakyat sa kwarto ko. Binilin niya na bumaba ako para sa pananghalian dahil dadating daw ang tito ko na kapatid ni mama, at ang isang bisita. Pagpasok ko sa kwarto ay nagpalit ako ng komportableng damit. Pagkatapos ay inayos ko ang mga gamit na aming pinamili. Nang maayos na ang lahat, napabuntong-hininga ako at nahiga sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone upang i-chat si Conrad. [Nakauwi na 'ko, hon. Ingat ka sa pagmamaneho :*] 'Di nagtagal ay nagreply ito ng [Ok, hon. Tawagan kita mamaya. I love you.] Ay s**t. Lalo na naman akong kinikilig. Hinalikan ko ang screen ng aking telepono at saglit na pinikit ang mga mata. 'Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako nang narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Myco, baba na. Tawag ka ng mama mo." Boses iyon ni Tito Wendel. Marahil ay nasa baba na rin ang isa pang bisita ni mama. Nag-ayos ako ng sarili upang maging presintable bago ako bumaba. Naabutan ko si Tito Wendel sa kusina at may inaasikaso sa niluluto. "Hello, tito." Ang bati ko. "Oh, gwapo kong pamangkin. Halika't tulungan mo ako saglit isalin itong ulam. Ang mama mo'y nasa labas at pinagbuksan ng gate ang kanyang bisita." sabi ni tito habang buhat-buhat ang isang kalderong Afritada. "Kilala niyo po ba kung sino ang bisita ni mama?" Tanong ko naman. Curious kasi ako dahil talagang naghanda sina mama at tito ng marami para sa bisitang ito. Nilapag ni Tito Wendel ang kaldero sa taas ng counter at bahagyang lumapit sa akin upang bumulong, "Palagay ko ay ipapakilala na ng mama mo ang boyfriend niya." Nabigla ako sa aking narinig. Si mama, may boyfriend na! Labing-tatlong taon ding biyuda si mama ay ni minsan ay hindi ako nakarinig na may kinikita siyang lalaki. Natuwa ako para kay mama. Sa wakas ay nahanap na niya ang magiging katuwang niya. Nasasabik tuloy akong makita kung sino ang lalaking nagpatibok muli sa puso ng mama ko. Hindi ako tutol kung mag-asawa muli si mama. Katunayan niyan, ako pa nga ang nag-uudyok sa kanya noon na humanap ng bago niyang asawa. Pabiro lamang kung sabihin ko ito sa kanya noon, ngunit totoo talaga na ito ang hiling ko para sa kanya. Maya-maya'y bumukas ang pinto kasabay ng ilang boses. Narinig kong nagsalita si mama, "Halika, tuloy ka." Dali-dali akong umalis sa kusina at nagtungo sa sala. Ngunit tila napako ako sa aking nasaksihan. Nanlamig ang buo kong katawan. Namamanhid din ang aking mga kamay at binti na tila ba'y matutumba ako anumang oras. "Ah, Conrad, ito nga pala ang anak kong si Myco," Nakatingin lang sa akin si Conrad. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil tila blangko ngayon ang kanyang itsura na 'di gaya kanina na palaging nakangiti. Tiyak ko na nagulat din siya sa nakikita niya ngayon. "At Myco, ito naman si Conrad. Magiging bahagi na siya ng pamilya natin." Ito ang oras na tumigil ang mundo ko. Ito ang oras kung saan tuluyang nagbago ang buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

BAYAW

read
82.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook