Sinfully Mine Chapter 16
Gigi Sandoval’s POV
“Gaga ka para akong tanga naghahanap sayo sa library!” sigaw sa akin ni Danielle ng maupo ako sa tabi niya. Napabaling ang mata nito kay Inno. “Uy, hi Inno!”
“Hi Dani!” ngiti ni Inno bago umupo sa likod namin.
Bumaling muli ang atensyon sa akin ni Danielle. “Saan ka galing?”
“Yeah, where were you? I was looking for you.” Bigla nalang na salita sa likod ko ni Enrico. I rolled my eyes at them. Wala na akong nagawa kung di ikwento sa kanila.
“Pota talaga ng gagong iyon! Ang kapal ng mukha!” galit na galit na sambit ni Danielle.
“He r***d you?” maliit na tanong ni Enrico. I shrugged.
“I didn’t thought of it in that way back then. I was naïve and I thought that was fine.” I honestly told him “Anyway, I don’t want it to define me. I know that it happened to me and I don’t want anyone else falling victim kaya I’m going to file a case against him.”
“I’ll be with you when you tell tito and tita.” Enrico spoke.
“Me too.” Danielle backed me up.
“Ako din.” Bigla nalang na sagot ni Inno na kanina pa pala nakikinig “I also want to file a case against them for stealing my money and physical abuse.”
Oh Edmund you’re going to pay.
-
To say filing a case and going to court was easy is a load of bullshit. Ang hirap patunayan na r**e. Kaya pa yung sa physical assault kaso ang hirap talaga nung sa kaso. I’m thankful na may pera ang pamilya naming pero pano nalang yung wala?
Yes, may public attorney naman to defend them, but when a case takes too long o kapag nadetain ka ng wala naman na kasalanan ay mahihirapan ka makalaya.
Take for example yung ama na nakasabayan naming sa hearing. Kwento niya sa akin hinuli lang daw sila ng pulis at sinabihan na umamin nalang na may droga na nakuha. Eh, wala naman daw silang droga na dala. Sakto lang ‘di pa daw kasi nakakaquota yung mga pulis kaya sila nalang ang dinakip.
Sabi sa kanila, after 6 months naman daw makakalaya sila. Pero hayun magdadalawang taon nakadetain pa din kahit wala naman kasalan.
Saklap talaga maging mahirap. Kahit naman kasi sabihin natin na may PAO o batas, kapag wala ka naman pera o mataas na rangko sa society ay hindi ka naman bibigyan ng mga pribileheyo.
Tingan mo yung mga senador na nakulong. Sobrang VIP sa loob ng kulungan. Feeling mo nagbabakasyon lang. Pero yung mga normal na criminal, nagsisiksikan sa isang maliit na selda.
The double standards noh.
As for Edmund, sisiguraduhin ko talaga na hindi siya exempted sa batas. Pantay-pantay lang dapat ang treatment. Medyo nagging maingay nga lang ito na kaso kasi nga ang dami pala nabiktima ni Edmund.
Grabe pinatulan ko talaga yung hinayupak na ‘yon? Yucks!
So far, on-going pa din ang case na finile ko against him. Pero yung kay Inno ay nahatulan na. Bale 10 years in jail si Edmund at mga kasama niya. Sana matuto na talaga sila.
“Hay.” Napabuga ako ng hangin ng makauwi kami sa bahay. Sobrang daming nangari sa buwan na ‘to. Gusto ko nalang magrelax! Hindi pa nakakatulong na ang daming pinapagawa sa school at ang daming media.
“Are you okay?” Enrico asked me as we sat on the couch. Tumaas na sina Mama sa kwarto nila para magpahinga.
“Yes. Pero gusto ko magbakasyon sa dami ng nangyari.” I told him “By the way, ipupublish na yung article tomorrow.”
Whatever this thing was should have ended weeks ago. But Enrico stayed. And I thought he stayed dahil sa kaso, but I get the feeling that it was for other reasons.
“What if I don’t want this to end?” Enrico softly asked, imploring me with his eyes.
“What do you mean?” I asked him. Honestly, it wasn’t hard not to like Enrico. He was sweet, caring and respectful. Sa kaniya ko narealize na sobrang basura talaga ng relationship ko noon kay Edmund.
Nagalit si Edmund dahil ayaw ko makipag s*x.
Nagalit dahil hindi ako nag I love you.
Nagalit dahil ang ikli ng suot ko.
Nagalit dahil nakipagusap ako sa lalaki. Pinagsabihan pa ng malandi at p****k.
But with Enrico, it was so refreshing and different.
Si Enrico hindi ako pinepressure makipagsex sa kaniya. Hinahayaan niya nga lang din ako magsuot ng gusto ko at makipagusap sa mga lalaki.
But, I always held myself back because I know that this was only pretend.
“You know that this was only pretend Enrico.” I told him.
“What if I want to make it real?”
Natigilan ako sa sagot niya.
“I like you Gigi. I liked you since we were kids.” He honestly told me.
“What?” naguguluhan na sagot ko.
“I don’t expect you to like me back.” He told me “I’m not even going to push you to date me. But all I ask is a chance. I can be your friend and hopefully become more.”
“Enrico…”nagaalangan na sagot ko sa kaniya “I’m not declining you. It just seems sudden to me.”
“I understand. Mabilis at nakakabigla nga naman talaga sa parte mo. But for me it’s not because I’ve liked you ever since.” He explained to me. He twined our fingers together and kissed the back of it “I just want to ask if I can be your friend and court you. You don’t have to say now. Give it time. Just know that I’m always here.”
Looking into his eyes, I nodded my head. “I’ll think about it.”
“Thank you.” He grinned then kissed my forehead.
Updated 02.20.2021