Hi! I’m changing the chapters from third person point of view to first person. Happy reading!
Chapter 15 Gigi Sandoval’s POV
“Gaga! Ba’t mo pinakilala si Enrico sa mga magulang mo?” bulyaw sa akin ni Danielle nang makasakay ako sa kotse niya. Thank god Enrico forgot to bribe her with sweets kaya nasundo ako nito.
“Nahuli kami nina Mom and Dad. What was I supposed to say? Hey mom this is Enrico, my fake boyfriend.” I asked her back in frustration.
“Pwede mo naman sabihin na fubu.” loko na ngisi sa akin ni Danielle dahilan para mahampas ko ito “Aray! Nagdadrive ako!”
“Ikaw! Hindi ko pa din nakakalimutan na binenta mo ko sa pesteng cupcakes na yan!”
“He gave me my favorite cupcakes from Singapore! What was I supposed to say?” she responded back.
Nagiinit talaga ulo ko sa babaeng ‘to. Ipinagpalit talaga ako sa cupcakes.
“Tiyaka jowa mo siya ‘diba? Ang weird naman kung hindi kayo sabay pumasok ng eskewelahan.”
“Kapag mag-jowa required na sumabay pumasok sa eskwelahan? Paano kung nagtitipid yung isa o walang sasakyan?”
“Tigilan mo nga ko sa mga palusot mo na iyan!” hampas nitong babae sa hita ko “Ang sabihan mo lang ayaw mo mafall sa kaniya.”
“Dapat lang talaga!” singhal ko dito “This is just a fake relationship. It’s a business transaction. Kaya matuto siya na igilid ang feelings.”
“Paano kung may nahulog sa inyo?” tanong nito sa akin. Danielle looked at me in the eyes when the lights in the intersection turned red.
“Then the arrangement is over. I’m not a heartless person Danielle. I’m not going to lead him on knowing that I can’t give him my heart.” I explained to her “If I do fall in love with him then I’ll tell him. We’ll talk and discuss our next actions like grown adults. Hindi ko naman siya pagtataguan noh.”
The lights turned green, kaya pinaandar na uli ni Danielle ang sasakyan.
“The bottomline is Enrico and I will talk about it. Hindi naman kami high school para magtaguan ng feelings at ‘di pagusapan ito.” I continued.
I was always a firm believer of handling situations with a calm and level-head. Alam ko naman na hindi totoo ang nangyayari sa amin ni Enrico. Pero syempre tao lang kami. May posibilidad na mahulog ang isa.
Kung mangyari man iyon ay mapaguusapan naman namin. Naniniwala kasi ako na nadadaan sa diplomasya ang bagay bagay. Kung hindi ito gumana saka gagawa ng paraan.
Sabi nga ng papa ni Thor, “A wise king doesn’t instigate war. But he prepares for it.”
Sa madaling salita, huwag ka gagawa ng away. Hindi ka dapat ang magsisimula ng giyera pero mainam pa din mapaghandaan ito.
Alam niyo naman ang ibang lider ng bansa, masyadong power and land-hungry. Gusto nila sa kanila ang mundo o ang idealohiya nila ang masusunod. Kaya ayan puro digmaan. Kawawa ang mga inosenta na bata, at matanda.
Napaka-hayop talaga ng ibang mga lider na puro sila lang ang iniisip. Aanhin mo ang yaman o lupa kung nakuha mo naman ito sa pagpatay o pagnakaw sa kapawa mo? Tao ka pa ba?
Kaya para sa akin talaga, kung madadaan naman sa pakiusap o dimplomasya, why not?
“Dadaan muna ako sa lib, sama ka?” tugon ni Danielle ng makarating kami sa eskwelahan. Tumango ako. Malamang sasama ako sa kaniya. Wala naman ako ibang kaibigan dito sa school.
Nang makarating kami sa lib ay sinauli na ni Danielle yung libro na hiniram niya.
“Sandali may hihiramin din pala ako.” naalala ko bigla.
Kailangan ko nga pala ipaphotocopy yung isang chapter sa Environmental Scanning. Bwisit naman kasi wala ako mahanap na aklat sa bookstore. Nagtatyaga tuloy kami magpaphotocopy. Di bale na tipid na din ng slight.
I was busy looking for the book nang bigla ako makarining ng maliit na sigaw mula sa dulo. Glancing up, I heard men’s voices. Lumapit ako sa kinaroroonan. I gasped upon seeing Edmund and his friends.
Pinalilibutan nila yung lower year na si Inno.
“Ano bakla wala ka pa din ba na pambayad?” Edmund taunted. Sinapak nito si Inno sa ulo dahilan para mapayuko ito sa sakit.
“Baka pagtinira mo uli tol may maibigay na.” pangungutya ng isa na kasama ni Edmund. “Ganiyan na man talaga yan. Konting amo mo lang bibigay na.”
Sabay-sabay silang nagsitawanan. Mga pukingama talaga ng mga lalaking to!
“Hoy!” sigaw ko sa kanila at sabay hampas ng makapal na codal sa mukha nila. “Ang kakapal ng mukha niyo na pagsalitaan ng ganiyan itong si Inno. Sino ba kayo, ha?!”
“Uy yung di na virgin mong ex.”
Tangina?!
“Gago! Kapag ba di na virgin, di na babae? Wala ng dignidad at choice?!” sigaw ko sa kanila.
Nagdidilim na talaga mga mata sa mga punyetang ito! Ba’t ba may mga ganitong lalaki sa Earth?! Dapat pinutok nalang sila sa kama!
“Ang tatas ng tingin niyo sa sarili niyo! Bakit kapag bababe di na virgin, di na tao? Pero kapag kayo na mga lalaki ang di na virgin, good job? Mga punyetang double standards!” sigaw ko sa kanila.
Hinablot ko ang ulo ni Edmund at ipinukpok ito sa shelves. Sarap basagin ng mukha! Bakit ko ba to pinatulan?!
“At ikaw na peste ka! Di porque bakla yung tao at type ka ay gagamitin mo nalang! Tao din si Inno!”
“Bakla siya! Walang sinasabi sa bible na Bakla o tomboy!” sabat ng isa sa mga kaibigan ni Edmund.
Potanginang homophobic!
“Wala din sinasabi sa Bible na maliitin at apihin ang kapwa! Feeling niyo ang gaganda ng budhi niya! Kayo pa nga ito ang nangbubully ng iba at minamaliit ang babae dahil di siya virgin!”
Nakakapikon na talaga tong mga biwisit na to kaya binitawan ko na si Edmund at sinuntok ang mga pangit naiya na kasama.
“What the f**k!” sigaw nila hawag ang maliit nila na t**i at dumudugo na ilong.
“Pota kayo! Mga homophobic na rapists!” sigaw ko pabalik sa kanila kasi ang kakapal ng mukha na ijudge ako dahil di na virgin, eh sila nga ito na naglagay ng pampatulog sa inumin ko noon!
“Kakasuhan ko talaga kayo! Nang matuto kayp! Di kayo nadadaan sa usapan!” sipa ko sa mga ito.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla ako hatakin ni Edmund at ipitin sa isang shelf.
“Bitawan mo ko!” sigaw ko sa kaniya. Sisigaw na sana ako ng r**e ng bigla nalang tamaan siya sa ulo ng fire extinguisher dahilan para mahimay ito. Gulat ako na tumingin kay Inno na may hawak na fire extinguisher.
Magsasalita pa sana ako ng makarinig kami ng ingay.
“s**t! Tara!” hawak ang kamay na dumaan kami sa fire exit at iniwan ang mga nakahandusay na sina Edmund.
Tumakbo kami palayo sa building at pumunta sa simbahan. Hingal na sumalampak kami sa isang bench sa labas.
“Thanks for saving me from my asshole of an ex.” I told him kapit ang dibdib.
“I should be the one thanking you.” he said “Kung wala ka doon siguardo na hihingian na naman ako ng pera.”
“Huwag ka magalala, ako ng bahala sa kanila. Sisiguraduhin ko talaga na di na sila makakaapak sa eskwelahan na to.”
“Are you really going to file a case against him?” tanong nito.
“Yup.” I told him. Matagal ko ng pinagisipan ito. Basta ang alam ko pupunta lang naman ako sa condo ni Edmund para gumawa ng homework. Hindi ko naman ineexpect na andoon din mga kaibigan niya.
They offered me a juice ha. Hindi nga iyon alak. Kasi hello wala naman ako plano makipaginuman. Pumunta nga ako doon para gumawa ng homework.
The next thing I know nasa kama na ako ni Edmund. He begged me to have s*x with him kahit sabi ko na ayaw. I told him repeatedly no. Pero wala, pinasok niya pa din.
Hindi ko naman inisip na r**e iyon kasi sabi niya normal naman daw sa magjowa na magsesex. Overdue na nga daw kung tutuusin kasi dapat matagal na daw kami magsex. But, boy was I wrong.
Base nga sa favorite author ko, the difference between r**e and s*x is consent.
In my case, I never gave him my consent.
Hindi porque jowa kita ay may karapatan ka na sa katawan ko. May choice dapat ang partners kung gusto nila makipagsex o wala. Hindi ka dapat pinipilit.
Ang pagit din ng kasabihan na pagbigyan mo ang asawa mo dahil kung hindi ay hahanapin nito ito sa iba.
Ang gago lang?! Kung nagpakasal ka para lang makipagsex, eh di hindi ka nalang sana nag-asawa!
Nakakapikon talaga! Nakakaasar din dahil hindi ko man lang ito naisip noon. Masyadong naging clouded pagiisip ko. Kaya nagpromise talaga ako sa sarili ko na, hindi na to mauulit pa.
“Basta kapag inaway ka nila, text mo ko.” sabi ko kay Inno “Tiyaka huwag mo ikahiya ang s****l orientation mo. Ano naman kung bakla ka? Tao ka pa din naman. Si Inno ka pa din naman. “
“Thanks Gigi.” he sincerely smiled at me.
“Your welcome.” I grinned at him. “Tara, baka may klase ka pa.”
Sabay kaming naglakad pabalik sa building namin. Tinext ko na din si Danielle na kanina pa ko hinahanap. Sana naman walang nakahuli sa amin dahil siguradong yari ako nito sa mga magulang ko.
Aish, bahala na. Deserve nila iyon.
Updated February 20, 2021