Nagtataka agad ang mga tingin sa akin ni Ely pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay. "Anong nangyayari sa 'yo? Bakit madaling-madali ka yata?" Hindi ako nakasagot sa kan'ya at natatarantang nilingon ang labas nang narinig ko ang tunog ng pagdating ng sasakyan. Marahas ang naging paghinto niyon na halatang nagmamadali ang nagmamaneho. "Lumina! Baby, mag usap tayo please!" takbo ni Dwayne papasok ng bahay. "Ate, anong nangyayari?" tanong ni Ely. Iniabot ko sa kan'ya si Seth, at inutusan siyang agad na umakyat sa taas na agad naman niyang tinugon. Nakapikit akong bumuntonghininga nang nakita ang pagpasok ni Dwayne. "Lumina..." "Dwayne, naiintindihan ko kung may naging anak man kayo ni Yvette." Umiling siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang siko ko. Ang kan'yang mga mata ay mala

