"Can you stop arguing with me?" "Sundin mo na lang ako. Iligpit mo ang mga gamit mo. At isasabay ka namin ni Jigs papunta sa hotel," maawtoridad ngunit kalmadong utos ni Finley. Bumuga ng hangin si Nihan. Buong tapang na nakipagtitigan sa binata. "Kung sasabihin mo sa akin ngayon na sinusundo mo ako, pauwi sa cabin. Sasama ako," seryoso sagot niya. Pumintig ang ugat nito sa leeg, hindi iyon nakatakas sa mga mata niya. Tumigas din ang panga nito habang hindi umaatras sa tingin niya. "Kung hindi ro'n, dito lang ako." "You can't stay there, hindi ko maintindihan. Kung ano'ng hindi mo ma-gets do'n," napipikon na aniya ni Finn habang unti-unting tumatalim ang mga mata. "Ang hindi ko maintindihan. Bakit hindi mo masabi ang dahilan?" Nasapo nito ang noo, at yumuko. Para bang nawawalan na

