"Finn, tara na?" ulit ni Jigs sa binata. Nakatitig lamang si Finley sa kaibigan. Tumayo na rin si Catherine habang nagpupunas ng mga luha. "Hay," bulalas ni Nihan nang mabasa ang text message mula sa kaniyang kapatid. Saglit siyang kumuha ng selfie, at ipinadala rito. Nangungulit si Jigs kung nasaan siya. Hindi niya sigurado kung mahuhulaan ng nakatatandang kapatid kung nasa'n siya ngayon. "Haven!" Magkasunod silang napalingon sa isang babae, at tatlong lalakeng lumapit sa kanila. May mga dala itong bote ng beer. "Kent!" Tumindig si Haven, at nakipagkamay sa mga iyon. "Hi!" bati naman ng mga ito sa dalaga. "Hello," sagot niya. "Nihan, this is Kent, Mitchell, Kyla, Joe and Tyler." Lumapit si Nihan, at isa-isang nakipagkamay. Noong nakaraang gabi pa niya napapansin ang mga ito. Ino

