Hatid-hatid ng tingin ni Finley sina Isabelle at Therese palayo ng cabin. Dala ng tiyahin ang kanilang mga bag. Napahinga siya nang malalim. Hindi niya gustong umalis ang mga ito ng ganito sila maghihiwalay. Malaki ang utang na loob niya sa kaniyang tiyahin, at pinsan. Pero ganoon siguro ang buhay. Kahit ano'ng gawin mo, at subok na maayos ang mga bagay. May mga pagkakataon na hindi umaayon. "Hindi mo man lang ba sila hahabulin?" Tumabi si Catherine sa kaniya. Umupo ang dalaga sa silya malapit sa kaniyang wheelchair. "Bakit, Finn?" "Bakit, siya ang pinili mo?" Luminga siya rito. Nakapako ang atensyon ng kaniyang kaibigan sa malayo na sila Isabelle. "Wala akong pinili, Cath." "Kalokohan." Humarap ito sa kaniya. "Hinayaan mo silang umalis. Hindi mo sila pinigilan. Sinabi mo na

