"Good morning." Nihan, umupo ka na. Ano'ng gusto mo kainin?" Matipid na ngiti ang isinukli ng dalaga sa ina. Inuusod niya ang silya, naroon na sa lamesa ang kanilang agahan. "Ay, teka. Mainit ka pa rin ba?" tanong nito. Tumayo pa sa kinauupuan si Janice para abutin ang noo ng bunso. Kahit ngumiti ang anak ay kita sa mga mata nito ang hindi magandang pakiramdam. "Mainit ka pa rin. Gusto mo ipagluto kita ng soup para mainitan ka?" "I'm good, Mama." "Thank you," Hinawakan ni Nihan ang kamay ng ina na nasa noo, at ibinaba bago ngumiti. "O, sige. Kumain ka na." Bumalik ito sa pagkakaupo. At nagsimulang bigyan siya ng pagkain sa plato. Napilitan siyang kumain pero habang sumusubo ay lihim niyang sinusulyapan ang ina. Kanina pa niya gusto magtanong. Kung may bumisita ba sa kaniya kaga

