Mabagal, at mabigat ang bawat paghakbang ni Nihan palapit sa kanilang bahay. Naiipon ang samut-saring damdamin sa kaniyang kalooban. Pero nananaig doon ang kaba sa magiging pagtanggap sa kaniya ng ama, sa mismong kaarawan nito. "Dalian mo," mando ni Finley,at banayad siyang nilinga. Hindi niya pinagtagpo ang mga mata nila. Tumaas din ang kaliwang kilay niya dahil sa inis. Para ba siyang isang batang gusgusin, at inuutus-utusan ng binata. Wala naman siyang magagawa. Last time she checked, she is his slave. And she will do everything what Finley wants. Isn't it stupid? Bumuntong hininga muna si Nihan bago dinoble ang bilis ng paglalakad. Hinawakan ng dalaga ang wheelchair nito, at tinulungan na umandar. Hindi pa man nila nararating ang gate ng bahay ay may narinig silang tawag mul

