"Hello, Jigs?" bungad ni Nihan matapos tawagan ang nakatatandang kapatid. "What's up?" tanong naman nito sa kabilang linya. "I'm okay. Anyway, can I have Margot's number?" Hindi agad nakasagot si Jigs. Humarap naman si Nihan sa dagat, kasalukuyan siyang nasa labas para manghingi ng tulong sa kapatid. "Iyong date mo," kaswal niyang aniya para maliwanagan ito sa kung sino ang kaniyang tinutukoy. "Hold up, how did you know her?" Hindi man nakikita ni Nihan ang mukha ng kapatid ay rinig niya sa boses ang pagkabigla. Gusto niyang matawa, kung 'di lang importante ang pakay rito. "Sinabi sa akin ni Mama." "Bilis na. I badly need her contact number," pagmamadali niya. "Si Mama talaga!" Napailing siya, at napangiti sa tinig ni Jigs ay mukhang naiinis ito sa ina. Aksidenteng napalingon s

