Kabanata 25

1162 Words

Bumuga ng hangin si Nihan bago ipinunas ang namamawis na palad sa suot na blouse. Kaninang-kanina pa siya nagtitimping huwag lumabas sa terrace kung nasaan ang dalawa. Inayos niya muna ang sarili bago pinihit ang doorknob. Bumungad sa kaniya si Catherine bago natuon ang mga mata niya kay Finley. Minamasahe ng Physical therapist ang binti nito habang ang binata ay nakatanaw sa dagat. Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi. Isang malungkot na tingin ang ipinukol niya sa kamay ng babae. Kung paano hagurin no'n ang maugat, maselan at sa tingin niya ay matigas na binti ni Finn. Puwersahang niyang iniwas ang tingin para kasing umaakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa nasasaksihan. "Nihan," tawag ni Catherine. Kumurba ang maliit na ngiti sa sulok ng labi ni Nihan, hindi pa man bini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD