Nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Lulan na sila ngayon pabalik ng resort. Pasimpleng sinulyapan ni Finley sa rearview mirror ang walang kibong si Nihan mula sa backseat. "Masaya ako para kay Yam at Season," masayang aniya ni Catherine. Tumagilid nang pagkakaupo si Nihan paharap sa bintana. Habang nasa farm sila ay hindi niya napansin na kasama nila si Catherine. Kahit noong bachelorette party, tahimik din kasi ito at parang nakikiramdam lang din sa paligid. Pinapanood lang siyang madurog sa harapan ng mga kaibigan ni Finn. "I envy them," seryosong wika nito. Nagkatinginan sina Jigs at Finley. "Because they found each other." "They are married now and they will start a new chapter of their lives. They are young, they still have so much time to make memori

