"Mama, please. Tama na!" Sa wakas ay naitayo, at nailayo ni Nihan ang ina kay Isabelle. Awtomatikong tumindig din ang tita ng binata habang alalay mula sa likod ni Therese. "Demonyita kayong mag-ina!" Parang nakuryente ang ginang dahil sa pagkakagulo ng bob cut na buhok nito. Mas nadagdagan pa ang galit nito sa mukha. Parang tigre na handa na namang manakmal. "At ikaw?! Santa?!" balik hiyaw ni Janice habang pilit na kumakawala sa pagkakapigil niya. "Oo, Isabelle! May kasalanan ang anak ko! Pero hindi dahil doon ay magkakaroon ka ng lisensiya para gawin ang lahat ng gusto mong p*******t sa kaniya!" "Ma," naawang aniya ni Nihan sa inang mangiyak-iyak na dahil sa galit. Humarap ito sa kaniya habang kalmado ang mukha. Bago ipiniksi ang brasong hawak niya. "Bitawan mo ako. Kakausapin ko

