Kabanata 58

1173 Words

"Itanong mo pa kay Therese!" Tatlo silang luminga sa dalagitang nasa likod ng sofa. Awang ang labi nito, at kukurap-kurap ang mga mata. "Hindi ba, anak? Itinulak ako ni Nihan, at pinagtulungan nila akong mag-ina?" Mayroong banta ang mga mata, ganoon na rin ang mukha nito. Nagkaroon ng gitla ang noo ni Finn habang salit-salitan na tiningnan ang tiyahin at pinsan. "Sagot na," malaki ang mga mata ni Isabelle habang nakatitig kay Therese. Ilang segundo ang dumaan bago tumugon ang dalagita. Nagkamot ito ng buhok bago siya tuluyang nilinga. Siya naman ay nasa noo na ang mga kilay dahil sa paghihintay ng isasagot nito. "Ma, kayo naman ang may kasalanan!" Mukhang hindi kaya ng konsensiya nitong magsinungaling. Gulat, at napopoot na tumayo ang ginang sa sofa. "Ano ba'ng sinasabi mo?!" "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD