"Wala ba siyang pagkain?"
"Puro instant food?"
"Instant noodles," pagbabasa ni Nihan sa hawak na noodles mula sa cabinet ng binata na nasa kusina.
Saglit niyang tinitigan ang kawalan. Wala siyang mahanap dito na pwedeng lutuin. Iyong healthy and fresh, karamihan ay tinapay, junkfood at noodles.
Naiinis niyang ibinaba ang hawak. Napatingin siya sa sala, nalinis niya naman na ito ng kaunti. Wala ng nagkalat na gamit pero kailangan malinis ang floor dahil malagkit na ang nararamdaman niya roon.
"Im freaking hungry," reklamo ni Nihan habang nakahawak sa tiyan.
Iginala ng dalaga ang mga mata sa kusina. Mukhang wala na siyang pagpipilian para magkaroon ng lakas na makapaglinis ay kailangan niyang kumain.
"Finn!" tawag niya mula sa ibaba ng hagdan.
"Kukuha ako ng tinapay huh?!" malakas niyang paalam habang nakatingala sa itaas.
Sandali siyang tumigil, at maingat na pinakinggan kung sasagot ba ito. Nagkibit-balikat siya nang walang naging response ang binata. Agad siyang kumurot ng kapiraso sa hawak na tinapay at isinubo.
"Hello po."
Binalingan ng mukha ni Nihan ang kumatok sa nakabukas na front door. Ngumiti habang nahihiya ang mukha ni Riley habang nakatingin sa dalaga.
"Ikaw 'yong kanina, tama?" paninigurado niya nang matandaan ang hitsura ng lalake.
"Oo, Riley. Tauhan ako rito sa resort, ganoon na rin ni Sir Finn," malinaw na paliwanag nito.
Napatango siya, at idinako ang mga mata sa 'di-kalayuan. Tumingin siya sa binata nang maglakad ito papasok sa loob.
"Pinaakyat po ako ni Sir sa taas."
"Go ahead," sagot niya rito, at ngumiti.
Hirap na hirap si Finn habang nakadapa pababa ng kama. Simula kasi nang kaniyang aksidente noong nakaraang taon ay hindi na naigagalaw ng binata ang kaniyang mga hita, binti at mga paa.
Malala ang naging tama nito nang bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa isang malaking puno. Dahil sa mabilis na pagmamaneho.
Dahil sa pagkadurog ng mga buto sa ibabang parte ng katawan ay matagal, at mahabang proseso pa ang kailangan niyang pagdaanan para tuluyang makalakad.
"Shit."
"s**t," mura ang namumutawi sa bibig niya nang mawalan ng balanse, at nagpatuloy siya sa pagbagsak sa sahig.
"Sir Finn!" Humahangos na pumasok sa loob si Riley, at agad siyang dinaluhong.
"Ayos lang po kayo?"
Inalalayan siya nitong tumihaya, at makaupo nang maayos. Abot-abot naman ang pagtahip ng kaniyang dibdib dahil sa kaba at pagod.
"Ayos lang po kayo, Sir?" nababahalang tanong ni Riley mula sa kaniyang likod.
"Yeah, yeah. I'm good," nahihiya niyang tugon.
Sa loob ng isang taon, simula nang umupo siya sa wheelchair ay si Riley na ang naging kasama niya. Sa pagbaba ng hagdan, at pag-akyat. Namimili rin ito ng kailangan niya sa bahay.
Minsan ay nakadadama na siya ng hiya rito. At ilang beses ng sinabihan na huwag na siyang tulungan.
Pero dahil tinulungan, at ipinakiusap ni Finn si Riley sa nakabili ng resort nila na ipasok ang binata sa trabaho, ay hindi na siya nito iniwan.
"Aayusin ko po 'yong mga bakanteng kwarto sa ibaba para roon na lamang kayo matulog. Para hindi na kayo nahihirapan," suugest nito habang kaagapay siyang ibinaba ng hagdan.
Dahil sa busy rin ito sa trabaho sa resort. Hindi na nito naiintindi ang silid na ilang buwan na niyang inuutos na linisan para okupahan.
Nang mapatingin, at makarating si Finn sa ibaba ng hagdan ay natigilan ang binata, ganoon na rin ang sinasakyang wheelchair.
Nakayuko, at nakupo ang dalaga sa sahig. Matiyagang nagpupunas sa sahig habang suot pa rin ang kaniyang itim na shirt. Dahil sa malaki siyang tao ay nagmukhang bestida iyon nang isuot ni Nihan.
Nakatali ang buhok nito, at may iilang hibla ang nakalugay. Hirap na hirap ang anyo nito habang walang hinto sa buong lakas na pagkukuskos ng sahig.
Sinipat ni Finn ng tingin ito, at tensyonadong siyang napalunok nang bahagyang tumaas ang damit nito. Dahilan para sumilip ang mapuputi nitong mga hita.
Napalinga agad siya kay Riley nang umubo ang tauhan pero parang nasamid dahil sa nasasaksihan.
"Finley!" awtomatikong tumayo si Nihan at hinatak ang damit paibaba.
Binato ni Finn ng nakasusuyang tingin ang dalaga. Ngumiti ito sa kaniya, kumunotnoo lang siya at hinawakan na ang kontrol ng wheelchair patungo sa kusina.
"Finn, nagluto ako riyan. Hindi ka nag- almusal kanina, 'di ba?" usisa niya habang nakapako pa rin ang mga mata sa nakatalikod na binata.
"Sir Finn, nasaan na po 'yong susi sa kwarto?"
Nakikinig lamang si Nihan sa usapan ng dalawang binata. Itinuro ni Finn ang susi na nakasabit sa kabilang banda.
"Anong lilinisin mo?" mahina, at patago niyang tanong kay Riley.
"A, 'yong kwarto. Nahihirapan kasi si Sir na magpabalik-balik sa itaas."
"Ganoon ba? Tulungan na kita," masiglang boluntaryo ng dalaga, at ngiting-ngiti sa binata.
"Sige."
Makulimlim ang anyo ni Finn nang lingunin ang dalawa. Mas lalo lamang lumalim ang linya niya sa noo nang makitang nagbubulungan ang dalawa.
May umuusbong na inis sa kaniya.
"Riley," pormal niyang tawag pansin sa tauhan.
"Sir?" mabilis naman nitong tugon, at tumindig.
"Hind mo na kailangan linisin ang kwarto."
"Po?"
Napataas ang magkabilang kilay ni Nihan habang pinag-aaralan ang dalawang binata.
"May bago akong tauhan. Pwede ka ng bumalik sa trabaho mo sa resort."
Halatang napaisip ito pero tumango naman ito kahit na hindi pa rin gets ang sinabi niya.
"Si-sige po. Mauna na ako," binalingan muna ng tingin ni Riley si Nihan.
"Mauna na ako, miss?" tanong nito sa pangalan ng dalaga kasabay nang paglahad ng palad.
"Nihan. I'm Nihan Samaniego," pakilala niya, at tinanggap ang kamay nito.
Naging matiim naman ang pagkatitig ni Finn sa magkadaupang palad ng dalaga at tauhan. Nang tingan ang mata ng mga ito ay titig na titig sa isa't-isa.
"Ehem," kunwaring pag-ubo niya.
Agad na binitawan ng dalaga ang kamay ng kaharap, at itinuon ang atensyon sa binata. Nag-iwas naman nang tingin si Finn, at binigyan ng pokus ang tauhan.
"Salamat ulit, Riley."
"Sige po, Sir Finn at Miss Nihan. Mauna na po ako."
Pinagmamasdan lang nila ito habang palabas ng bahay. Isang matalim na tingin ang iniwan niya kay Nihan bago lumapit sa kinalalagyan ng susi.
"Oh!"
Buti na lamang ay matuling na sambot ng dalaga ang susi. Muli niyang inangat ang mukha para magtanong sa binata.
"May dalawang kwarto. Iyon ang isa!"
Sinundan niya ng tingin ang itinuro ni Finn. Dalawang nakapinid na pinto.
"Pareho mong linisin. Iyong isa ookupahan ko."
"Iyong sa kabila, bodega. Doon ka!"
"What?" tanging na sambit ni Nihan, at tumunghay sa seryosong binata.