Kabanata 7

1038 Words
Nag-ipon ng hangin sa dibdib si Nihan, at buong kumpiyansang sinalubong ang mga nag-aapoy na mata ni Finn. "I am your worst nightmare, I know." "The most shameless person." "I made a lot of mistakes. But still I know I can make things right. And I will start with you, Finn." Napakapit nang mahigpit ang binata sa wheelchair. Hindi niya pinuputol ang pagkakahinang ng kanilang mga mata. "Marami akong nagawang mali sa nakalipas na isang taon. Sa pamilya ko, at lalo na sa iyo," Itinaas pa niya ang kamay para ituro ang binata. "Totoong hindi ko na mababago ang mga bagay o maibabalik ang buhay ng mga taong nawala sa iyo." "But i want you to know, that this time. You will never be alone, not ever." "Cause I am here. Kahit hindi mo kailangan, mananatili pa rin ako." "Kahit na ayaw mo sa akin, I'll do whatever it takes to be a part of you, Finley." Mas lalo lamang naging mariin ang pagkakahawak ni Finley sa wheelchair. Agad niyang ibinaling ang mga matang sa oras na kumurap siya ay tutulo na ang mga luha. Nararamdaman niya ang bawat salitang binibitawan ng kaharap. Kung gaano ito ka-totoo at punong-puno ng senseridad. Hangal ba siya dahil nadadala siya ng mabulaklak nitong pahayag? Bakit gusto niyang maniwala? Buhat sa reaksyon ng binata ay naapektuhan ito sa sinabi niya. Marahang lumapit si Nihan rito, at nang makalapit sa tapat ay lumuhod siya sa binata. "Just let me stay here with you." Humarap si Finn na malambot ang anyo. Sa iilang dangkal na layo ng mukha ay maliwanag niyang na banaag ang masasaganang luha ng dalaga. "Finley, gusto ko na rito lang ako sa tabi mo. And if it's selfish thing to do so, you can call me selfish freely," nahihirapang himig ni Nihan, at inabot ang kamay nito. Habang dahan-dahang iniabot ang kamay nito ay bahagyang nabubuhayan ang kaniyang puso. Hindi inaalis ng binata ang kamay kahit na pinanonood nito ang paglapit ng sa kaniya. Nagulat si Nihan nang bigla na lamang galit na tagibin ni Finn ang kamay niya. Napaupo siya sa sahig sa labis na pagkagulantang bago tiningala ang mukha nito. "Gumana na iyang drama mo noon, naalala mo?" "Iyong nasa likod tayo ng pick up truck?" "Pumayag kang magpakasal sa akin. Alam mong mabigat ang dahilan kung bakit nagkaroon tayo ng arranged marriage." "Buong akala ko ay naintindihan mo ng gabing iyon! Umasa ako kinaumagahan darating ka sa simbahan!" "But what did you do?!" "You didn't show up and left all behind?!" buong-buo at matatag na asik nito. Bumuga ng hangin ang binata habang nakangiti dahil sa matinding inis. Sandali pa niyang ipinukol ang tingin taliwas sa mukha ng dalaga. Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi bago muling itinuon ang mga mata rito. "I will never, ever believe you." "No matter what you say or do." "If you want to stay here, then go!" "But don't expect warm welcome. And don't ever think I am going to treat you well because that won't happen." "Dahil sa tuwing nakikita kita, galit at pagkamuhi lang ang nararamdaman ko." Agad na pinaandar nito ang wheelchair papasok ng bahay. Naiwan namang tulala si Nihan habang malayang natulo ang mga luha. Halos mabasag ang plato nang padabog na ibinaba ni Finn ang kutsara. Parang nilamukos na papel ang mukha niya dahil sa galit habang punong-puno ng pagkain ang magkabilang pisngi. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Noong isang araw lamang ay tahimik, at payapa siyang namumuhay. Hanggang sa dumating na naman ang babaeng sumira noon, at ngayon na may balak sirain ang kasalukuyan niyang buhay. Maliit na hakbang ang ginawa ni Nihan habang papasok ng bahay. Saglit niyang pinukol ng alangang tingin ang binata na nasa kusina, at nakain. Marahan siyang yumuko, at nagsimulang pulutin ang mga nagkalat na gamit sa sahig, at daraanan. Gusto pa rin niyang magpasalamat, at pumayag ito na manatili rito, kahit na nagpupuyos pa rin ang binata sa galit. Magtitiis na lamang siya sa lahat ng pwedeng gawin, sasabihin ni Finn sa kaniya. Para lamang makasama, at makabawi siya rito kahit papaano. Napairap ang binata nang maramdaman ang dalaga sa sala. Nang bahagya niya itong lingunin ay nagpupulot ito ng mga gamit, at kalat. Gulat na napakurap si Nihan nang may malaglag na plato, at nabasag ito malapit sa kaniya. Nang luminga ay si Finn ang nakita ng dalaga. Wala siyang mabasang reaksyon habang seryoso itong nakatitig sa kaniya. "Ligpitin mo," malamig na malamig ang boses na utos nito. Ibinaba niya ang mga mata sa sahig. Basag ang plato, at nagsabog din ang pagkain. "Si-sige," sagot niya nang magtaas ng tingin, at ngumiti ng tipid sa binata. Nakatitig sa kawalan si Finn, napakurap ang napopoot na mga mata, at napakapit nang mariin nang dumaan ang dalaga sa kaniyang gilid para sundin ang kaniyang inuutos. Kilala niya ang ugali ni Nihan, hindi ito basta-basta inuutusan. Anak mayaman ito at tila prinsesa kung ituring ang sarili lalo na ng magulang. Dahil mga kilalang business personality ang ama't ina nito ay hindi dumanas ng kahit anong hirap ang kaibigang si Jigs, at ang bunso nitong kapatid. Lahat ng gusto ay nasusunod. Nag-aaral sa sikat na unibersidad. Lahat ng mga bagay ay nabibili. In short, lumaki ang dalaga sa luho. Spoiled brat nga ang definition ng mga nakakakilala sa dalaga. Kaya iyon ang gagawin niyang hamon para kay Nihan. Para mapaalis ito ay uutusan, at pahihirapan niya ang dalaga sa bahay. Sa ganoon ay kusa na itong sumuko, at umalis na muli sa buhay niya. Muli lamang bumalik sa hintatao si Finn nang bumalik ang dalaga. Mayroon itong dalang basahan, at dustpan. Pinanood niya lamang ito nang ibaba ang sarili sa sahig, at nagsimulang punasan ang nagkalat. "Nakakain ka ba ng maayos?" "Its like you threw away all your food. Do you want me to cook something for you?" kaswal, at may malasakit nitong alok bago pinagtagpo ang mga mata nila. Ngumisi siya, at pinilig ang ulo. Bahagya siyang yumuko, at inilapit ang mukha rito dahilan para ilayo ng dalaga ang sariling mukha habang sunod-sunod ang pagkurap ng mga mata. "Stop acting, hindi bagay sa iyo," matalas na litanya ni Finn, inirapan ang dalaga at bago pinaandar ang wheelchair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD