Agad na napabalikwas si Nihan pababa ng silya nang maramdaman ang pagtama ng malamig na tubig sa mukha.
"Umalis ka rito," blankong-emosyong utos ni Finn, at kaswal na ibinato sa harapan ng dalaga ang isang planggana.
Napaatras naman siya, natatarantang pinunasan ang mukhang naliligo at basang-basa dahil sa tubig na itinapon sa mukha niya ng binata.
"Alis."
"G-good morning, Finley," sa kabila ng pagkabasa ay inayos ni Nihan ang sarili para batiin ito.
"What?" nanunuyang tawa nito, at napailing.
"Sorry. Dito na ako natulog. Anyway, can I use your bathroom?"
Awtomatikong luminga ang binata sa kaniya kaagapay ang namamangha, at nagagalit na imahe.
"Kahapon pa kasi ako nagpipigil. Pwedeng maki-gamit?" alangan na tanong ni Nihan.
Kailangan niyang doblehin ang kapal ng mukha sa pagkakatataong ito. Banayad siyang tumingkayad bago inalog-alog ang katawan. Hindi na niya kayang pigilan ang tawag ng kalikasan.
"Thank you!" mabilis na sambit ni Nihan, hindi pa man nakasasagot ang binata.
"Sandali!" habol na bulyaw ni Finn nang tumakbo ang dalaga papasok ng bahay.
Ngunit mabilis pa sa kidlat na nakatungo sa loob si Nihan. Iritable niyang inikot ang wheelchair habang masamang-masama ang hitsura.
"Bwisit," galiiting-galaiting aniya ni Finn, at humampas sa hangin.
Walang hinto sa pagtango-tango ang binata habang naiinip na naghihintay sa tapat ng pinto. Hindi siya makapaniwalang, basta-basta na lang pumasok ang babaeng iyon, at nakaiinis na wala siyang nagawa para pigilan ito.
"Bwisit, ang tagal," gigil niyang usal habang tinatapik ang kamay sa arm rest ng wheelchair.
Natigilan si Finn nang maulinigan ang paglagaslas ng tubig mula sa loob. Pinapormal niya ang hitsura, ganoon na rin ang pagkakaupo.
Isinungaw ni Nihan ang basang-basang buhok. Nginitian niya ang binatang nakaupo, at tila naghihintay sa paglabas niya.
"Sorry, naligo na ako."
"Aba talaga namang-"
"Pwedeng favor?"
Nag-arko naman ang mga kilay ni Finn habang hindi napupuknat ang pagkatitig sa maganda, at natural na mukha ng dalaga.
"Wala kasi akong damit na dala. Pwedeng humiram sa iyo?"
Napatawa ng pagak ang binata kasabay nang pagtingala sa kisame. Wala talagang pinagbago ang kapatid ng kaibigan niya.
Tumawag sa pansin ni Nihan ang isang t-shirt na nakasabit sa upuan kasama ang ilang gamit na nagkalat.
"Iyon!"
"Pwede na iyon!" sabik niyang anito, at itinuro ang damit na nasa sofa.
Itinuon ni Finn ang mga mata roon. Muli niyang binalikan ng tingin ang dalaga, at tinaasan ng kilay.
"Nagpapatawa ka ba?"
"Pumasok ka ng walang paalam-"
"Teka, nagpaalam ako 'di ba?" katwiran pa nito.
"Pumayag ba ako?"
"Basta ka na lang pumasok sa may bathroom na may bathroom. Tapos mag-re-request ka pa ng damit."
"Isang taon na ang nakalipas, pero bakit hindi nabawasan 'yang kakapalan ng mukha mo," seryosong pahayag ni Finn.
Unti-unti namang napunit ang ngiti sa labi ni Nihan kasabay nang pagkurap ng mga mata. Pakiramdam niya ay namutla siya sa mga narinig mula rito.
Naghinang ang mga mata nila ng binata sa nakiraan ng katahimikan sa pagitan nila.
"Bilisan mo riyan, pagkatapos mo, umalis ka na ng bahay ko. You're not welcome here," matalim na wika nito.
"I-im sorry," halos magpakain na lamang sa lupa ang dalaga dahil sa kahihiyang tumama sa kaniya.
"Pagkatapos mo riyan, lumayas ka na rito," nakairap na dagdag ni Finn, ipinaikot ang wheelchair, at nagpunta sa sofa.
Galit na hinablot nito ang damit, at malakas na ibinato diretso sa mukha ni Nihan.
"Bwisit."
Narinig pa niyang bulong ng binata habang palabas ng bahay. Naiiyak na pinulot niya ang damit. Sinundan niya ng tingin si Finn.
Mas nadadagdagan pa niya yata ang galit nito sa mga ginagawa niya.
Nakaharap si Finn sa dagat habang malayang sumasamyo ang malinis na hangin mula sa karagatan.
Isang taon na siyang namumuhay ng tahimik simula nang araw na dahilan ng pagbabago ng buhay niya.
Dahil sa isang failed arranged marriage ay nasira ang buhay niya.
Nawala ang magulang, at lahat ng mga bagay na iniingatan ng mga ito.
Dahil, dahil sa babaeng nasa loob ngayon ng bahay niya!
Naiyukom niya ang mga kamao habang umaahon ang matinding galit sa dibdib.
"F-Finley," mahinang-mahina na tawag ni Nihan.
"Layas," mapanganib na tono nito habang tuwid lang sa dagat nakatitig.
"I've told you, I will stay here."
"Damn you!"
Sinaklot ng kaba si Nihan sa lakas ng boses ng binata. At nang iharap nito sa kaniya ang wheelchair ay parang huminto ang t***k ng kaniyang puso.
"Damn you," ulit nito, at mas binigyang linaw ang bawat kataga.
"Yeah, damn me," nauuyam na sang-ayon niya habang matamlay ang mukha.
"Ang laki ng utang ko sa iyo, Finn. At alam ko na kahit anong gawin kong paliwanag, at paghingi ng sorry ay magiging useless."
"But still, I wanted to stay here. There's the only thing I can do," mababang tonong paliwang ni Nihan habang natulo ang luha.
"For what?"
"Para mabawasan ang guilty na mayroon ka?" panunudyo nito habang mayabang na nakangisi.
Yumuko si Nihan, at pinunasan ang mga luha. Hind niya alam kung guilty talaga ang bumabalot ngayon sa puso niya.
Kung guilty nga lamang ba?
"Ano? Tell me!" singhal sa pangalawang beses ng binata, at halos lumuwa ang mga mata.
"No," umiiyak, at pinilig niya ang ulo bago nagtaaas ng tingin.
"It's more than that."
Napalunok naman si Finn, at napakurap ang mga mata. Nanatiling magkakonekta ang mga mata nila ng dalaga.
"I don't know how to utter it. And I don't know if you will understand either," anang ni Nihan.
"Lahat ng manggaling sa iyo, hindi ko paniniwalaan. Minsan na akong nagtiwala sa iyo noon."
"At anong napala ko?"
Bumagsak pa ang mga luha ni Nihan habang tinititigan ang dismayado, at mapait na imahe ng binata.
"Ito," sinulyapan ni Finn ang sarili na nakaupo sa wheelchair.
Itinaas niya ang ulo, napalitan ng mapang-uring tingin ang mga mata. Nagtatagisan ang mga panga niya, may bahagi sa kaniya na gustong tumayo, maglakad, at lumapit dito para ipatikim ang pagkasura niya sa dalaga.
"This all I got because I trusted someone like you!"
"I got this because of you!'
"Naghirap ako dahil sa makasariling katulad mo!"
"And here you are, acting like nothing worst happened?!"
"You're the most cruel I've ever met!" buong sarkasmo na pahayag, at hiyaw ni Finn.
Ang lahat ng mga salitang iyon ay parang panang may lason na tumatama sa katawan ni Nihan.
Lahat ng iyon ay may hindi maipaliwanag na bigat na tingin niya ay hindi niya kayang dalhin.