Natigilan si Nihan sa pagpihit ng seradura. Ilang beses niya muli itong sinubukan, at may kalakasang binuksan.
"Damn," mahinang mura niya, at hinampas ito.
Bahagyang umatras ang dalaga, at hinagod ng tingin ang kabuuan ng front door. Sigurado siyang ni-lock ni Finn ang pinto habang nasa labas siya kanina.
Kasalukuyan nakaupo si Finn sa harap ng bintana ng kaniyang silid. Napangiti siya nang maliit nang maalala ang ginawang pag-lock ng pinto.
Siguradong-sigurado siyang hindi makapapasok ang dalaga, at uuwi ito sa sariling bahay.
Saglit niyang iginalaw ang wheelchair sa lamesa. Kinuha ang cellphone at nag-dial ng numero.
"Sir."
Umikot si Finn nang marinig ang boses ng kaibigan, at tauhang si Riley. Paakyat ito ng hagdan habang siya naman ay nasa itaas.
"Magandang hapon po. Bakit po sa likod ninyo ako pinadaan?" takang tanong nito.
"Ah, wala naman."
"Ganoon? Ay, heto nga po pala 'yong binilin ninyo," pag-aabot nito ng isang eco-bag laman ang ilang binilin niyang bilhin.
"Salamat, Riley."
"Tulungan ko na po kayong bumaba?"
Tumango ang binata ng bahagya, at ngumiti. Nagtungo sa likod niya ang kaibigan, at inalalayang makababa ang wheelchair.
Habang nasa kusina, at naghahanda ng sariling pagkain ay napalingon si Finn kay Riley. Sumisilip ito sa bintana, tumitingkayad pa ito.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya.
Nagtatakang anyong humarap sa kaniya ang tauhan. Bahagya itong lumapit, itinaas ang kamay at itinuro ang nasa labas.
"Parang may babae po sa labas."
"Huh?" kahit malinaw niyang narinig ay para bang hindi pa rin niya naintindihan.
"May nakaupo pong babae sa labas, sa terrace," paglilinaw nito, at muling lumingon.
Isang matiim na titig ang pinukol ni Finn sa bintana. Nanlalaki ang butas ng kaniyang ilong dahil sa inis.
"Tingnan ko po-"
"No!" bayolenteng reaksyon ng binata.
"Po?" gulat na sambit ni Riley nang humarap muli, at gulantang ang hitsura.
"Hayaan mo siya. Hayaan mo siyang nasa labas," kaswal niyang saad, at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Sigurado po ba kayo?" gulong-gulong usisa nito, at nagtungo sa binata.
Sandaling tumigil si Finn, at tinapunan ng tingin si Riley. Seryoso niya itong tinitigan sa mga mata.
"Just let her be. At sa oras na lumabas ka ng bahay, huwag mo siyang kakausapin, at i-lock mo rin ang pinto," klaro niyang bilin.
Kahit nagtataka ang imahe ay tumango ito ng dahan-dahan. Napabuntong-hininga naman si Finn, ilang segundo siyang natahimik.
Hindi siya makapaniwalang nandoon pa rin ang dalaga. Halos ilang oras na ang lumipas matapos pagsaraduhan niya ito.
Ngunit agad niya rin pinilig ang ulo.
Wala siyang pakialam, kahit abutin ito ng magdamag sa labas ng bahay.
Napalundag nang mabilis si Nihan pababa ng silya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Halos ilang oras na rin siyang nasa labas, at nakaupo sa terrace.
"H-hi," alangang ngiti, at bati niya sa lalakeng lumabas ng pinto.
Nakapagtatakang hindi niya ito nakitang pumasok. Siguro, kanina dahil nakaidlip siya ng hindi sinasadya. Napasulyap siya nang pihitin agad nito ang seradura habang nahihiya ang reaksyon.
"Hello po."
"Did you locked the door again?" hindi napigilang tanong ni Nihan habang nahihiyang nakangiti.
"Pasensiya na, Miss. Utos ni Sir Finn e," Nagkakamot pa sa ulo ito, at umiwas ng tingin.
Awtomatikong bumaba sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya. Napahagod pa siya sa batok, at napahugot ng malalim na hininga.
"Mauna na po ako," paalam ni Riley.
"A, wait!" malakas na pigil ng dalaga na ikinatigil sa pagpihit ng binata.
"Is he okay?"
"Kumain na ba siya?" sunod-sunod niyang usisa, at tinitigan ang bahay.
"Opo. Okay na po siya."
"Alright, thank you," pakiramdam ni Nihan ay nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot nito.
Niyakap niya ang magkabilang tuhod na kasalukuyan nakataas sa silya. Gumagapang na sa balat ng dalaga ang lamig habang unti-unting dumidilim ang paligid.
Hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto. Inabutan na siya sa labas ng paglubog ng araw.
Nakararamdam na rin siya ng gutom, at pagod. Nang makalapag kasi ang eroplano niya sa Pilipinas ay dito na siya dumiretso.
Mabigat na mabigat ang hiningang pinakawalan ni Nihan. Ang mga mata niya ay tinanaw ang dagat na maingay ang paghampas ng alon.
Wala talagang balak si Finn na papasukin siya sa loob.
Mukhang unang gabi ay sa labas ng bahay siya matutulog.
Muli niyang nilinga ang Villa na nanatiling sarado ang pinto, at bintana. Napanguso ang dalaga, at muling binalik ang tingin sa dagat.
"Alam ko, kulang pa itong nararanasan ko sa lahat ng pinagdaanan mo."
"Kaya rito lang ako, hihintayin kong magbukas ang bahay mo, ganoon na rin ang puso mo," Nakangiti ng malungkot na saad ni Nihan.
Sandali niyang inayos ang sarili sa silyang kinauupuan. Buti na lamang ay may dala siyang bag, kinuha niya mula roon ang isang scarf at itinabing sa sariling katawan.
Nakatulala lamang si Finn habang nakaupo sa kama. Nagtitimping sinandal niya ang likod, at ang ulo sa headboard ng kama.
Hindi niya alam kung umalis na ang dalaga sa labas ng bahay. Matapos kasi niyang mag-dinner ay nagpatulong na siya kay Riley patungo sa kwarto.
Mabilis niyang inilipad ang tingin sa lamesa na nasa tabi. Naroon ang tablet na nakakonekta sa mga close circuit television.
Nagtatalo ang puso, at isip niya sa gagawin. Nayayamot siyang yumukod, at hinablot ang tablet.
"I will just check," kumbinsi ni Finn sa sarili para sabihin na hindi big-deal ang gagawin niyang pagche-check sa dalaga.
Pormal siyang nag-scroll, natigilan siya nang masilayan mula sa camera 4 ang video sa terrace.
Naroon pa rin si Nihan, pilit na pinagkakasya ang sarili sa isang maliit na silya. Tumigas ang bagang niya habang halos matunaw ang tinitigan.
Pabagsak na binitiwan ni Finn ang tablet habang umuusok ang ilong.
"Matigas talaga ang ulo niya," bwisit niyang kausap sa sarili.
"Well, I don't care about her though."
"Manigas siya sa lamig diyan buong gabi."
Nayayamot na humiga ang binata at nagtalakbong ng kumot.
Wala siyang pakialam kung matulog ito magdamag sa labas ng bahay.