Kabanata 4: Her decision

900 Words
" I said, leave me alone!" Hinawakan ni Finn ang magkabilang balikat ni Nihan, at itinulak ito dahilan para mabuwal ang dalaga. Hindi niya napigilan ang pagre-react ng mukha nang maramdaman ang pagtama ng katawan sa sahig. Marahan siyang bumangon paupo, at nasilayan niya ang pag-atras ng binata habang nakasakay sa wheelchair. "Are you deaf?" "Until now, you're still stubborn," panunuya nito habang nakataas ang sulok ng labi. "Gagawin mo ang lahat ng gusto mo." Mahinahong pinagpag ni Nihan ang mga kamay habang pilit na tumitindig mula sa pagkakatumba. Nang tuluyang makatayo, at nakatingala sa kaniya ang binata. Oo, maraming nagbago sa mukha nito ngunit isa lamang ang matibay na nanatili. Ang kagandahang lalake ni Finn. Hindi iyon natakpan ng kahit anong dumi o pagbabago sa pisikal nitong anyo. Bakit niya ba ito iniwan, at pinili ang isang walang kwentang lalake? Baliw talaga siya noon para hindi makita ang tunay na kailangan. Nasa harapan na niya ngunit pinili niya ang lalakeng walang-wala kung ikukumpara rito. "Alis," pinutol ni Finn ang pakikipagsukatan ng tingin sa dalaga. Nakatatawang lumipas ang isang taon, at sa lahat ng mga nangyari ay hindi pa rin niya kayang tagalan ang pagtitig sa mga mata nito. "Call me whatever you want." "Puwede mo akong laitin, maliitin, sigawan, murahin. Lahat puwede mong gawin." "I am now your slave." Awtomatikong napakunotnoo siya, at binato ng tingin si Nihan. Blanko ang reaksyon nito habang siya ay pinagmamasdan. "If it's the only way to have you again." "If it's the only thing I can do. I will all accept all ass and s**t's." "I will do whatever it takes, Finn. " "Hindi ako magrereklamo. Hindi ako magtatanong." "Just let me stay," Ngumiti nang ubod ng pait si Nihan habang desperada na ang hitsura. Higit-higit ni Finn ang hininga habang pilit nirurok ang magagandang mga mata ng dalaga kung saan siya ngayon nakatingala. Walang alinlangan, at pagsisinugaling ang mga mata nito. Kaya mas lalo lamang siyang naiinis. "I can't bear seeing you here." "You better get out, now." Kinontrol ni Finn ang wheelchair para umusad paalis. Nanatiling nakatulala naman si Nihan nang dumaan sa kaniyang gilid ang binata. Kahit gusto niya itong kausapin pa ng mas matagal ay baka lalo lamang itong mawalan ng pasensiya. "Are you sure?" halos lumuwa ang mga mata ni Jigs habang nakaharap sa kapatid. Tumango si Nihan habang nakahalukipkip. Sinabi na niya rito ang plano niyang pagtira kasama si Finn. "Did he allowed you? I bet not." "He's alone, right?' "I wanted to stay with him. Look after him." "You are crazy." Tinalikuran ni Jigs si Nihan habang nakahawak sa noo. Tila sumasakit ang ulo nito sa pag-iisip sa sinabi niya. "What happened to him?" "Can he walk?" Natigilan naman, at napaseryoso ang binata. Marahan itong humarap sa kaniya, at malungkot ang mukha. "Naaksidente ba siya?" "Yeah." "Saan? Kailan?" "You should've asked him." "You're right," pagsang-ayon ni Nihan, at ibinaba ang mga braso. Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa sa likod na suot na pantalon, at bumuga ng hangin. Pinanood ang pag-alon ng kulay asul na dagat. " Anyway, sina Tita Belinda at Tito Frederick?" "Sa Villa rin ba sila nakatira?" "They're gone," seryosong sagot ni Jigs. "Saan sila nagpunta?" gusto pa rin umasa ng dalaga na iba ang ibig-sabihin ng gustong iparating ng kapatid. "Noong araw na iyon ay inatake sa puso si Tito Frederick. Si Tita naman ay nagkaroon ng depression dahil sa naiwang utang ni Tito," paliwanag ni Jigs. Napatakip sa bibig si Nihan. Hindi niya rin alam kung saan ibabaling ang mga matang awtomatikong nagkaroon ng mga luha. Lumapit sa kaniya ang kapatid, at agad siyang niyakap. Habang yapos ng kapatid ay parang naipon ang mga luha niya sa mga mata. Sa sobrang sakit na nararamdaman ay hindi na niya nagawang umiyak. Animo'y naiipon sa dibdib ang emosyon na nagpapaguho ng kaniyang pagkatao. At nang rumehistro ang mukha, at kalagayan ni Finn ay doon lamang siya napahikbi kasabay ng hindi mabilang na luha. Napakapit siya ng mahigpit sa likod ng damit ni Jigs, at doon humagulgol. Higit pa sa guilty ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam ni Nihan ay wala siyang kwentang tao. Walang puso! Siya ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ni Finn, kaya naman ganoon na lang ang pagkamuhi ng binata sa kaniya. Kulang pa 'yon! Kulang pa ang pagtrato nito sa kaniya. She deserves more! She deserves inhumanity! "Ano ba'ng nagawa ko sa pamilya niya?" "I ruined his family." "I ruined Finn's life," labis na umiiyak ang dalaga habang mariin pa rin nakakapit sa damit ni Jigs. Mula naman sa bintana ay nakatanaw si Finn sa magkapatid. Akala niya ay nanaginip pa siya nang makita ang dalaga. Ilang beses na bang naging laman ito ng panaginip niya? Simula nang araw na binago nito ang buhay niya. At hindi niya alam kung bakit paulit-ulit itong nagpapakita sa mga pangarap niya dahil ba sa labis na galit o sa nararamdamang pilit na niyang kinakalimutan? Pero kahit na narito na si Nihan sa kaniyang harapan ay hindi siya basta-basta bibigay na lang. Sinira nito ang buhay niya. Ito rin ang dahilan kung bakit nawala ang magulang, at lahat ng bagay na mayroon siya. Hindi puwdeng manalo ang nararamdaman niya para rito! Gagawin niya ang lahat para muli itong lumayo, at huwag siyang piliin. Ipararanas niya kay Nihan ang impyernong naranasan niya noon, at hanggang ngayon na nakaupo siya sa letseng wheelchair na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD