Bawat hakbang ay umaalon ang dibdib ni Nihan habang palapit sa isang villa na nakaharap sa dagat. Nang tumapat sa pinto ay hinawakan niya ang doorknob, at saglit na nag-isip.
Dahil wala siyang lakas na loob magsalita, at tawagin ang pangalan nito ay pinihit niya na lang niya ang seradura, at pumasok sa loob.
Isa-isa tiningnan ng dalaga ang mga piraso ng gamit na nakasabog sa sahig. Mayroong mga t-shirt, sapatos, mga kagamitan sa kusina na may iilan din pagkain na nakakalat.
Ipinagpatuloy ni Nihan ang paglalakad habang tila nabibingi sa kabog ng puso. Hindi niya kayang lumunok dahil sa tensyon na nararamdaman. Napapanawan na rin ng lakas ang magkabila niyang tuhod habang nanlalamig ang mga kamay na pilit niyang iginagalaw.
Napukaw ang pansin niya nang hanginin ang isang puting kurtina. Animo'y may sariling isip ang mga paa niya, at doon dumiretso.
Bawat pintig ng puso ni Nihan ay nagpapawindang sa kaniyang isip. Ang mga luha niya ay kusa nang kumakawala sa nag-aalala niyang mga mata.
Nang hawiin ang kurtina ay isang veranda ang nabungaran ng dalaga. Kung saan nakaharap sa 'di-kalayuang dagat. Sariwa, at masarap ang hanging nagpabalik-balik dito.
Napakurap siya nang mula sa sulok ng mga mata ay may nahagip siyang imahe. Dahan-dahang luminga siya roon, at ganoon na lang ang pagguho ng kaniyang mundo nang magsalubong ang mga mata nila ni Finn.
Napakurap si Nihan, at marahang sinipat ng tingin ang binata. Wala itong kakurap-kurap habang nakatitig sa kaniya.
Parang literal na hiniwa, at dinurog ang puso niya nang umabot sa ibaba ang mga mata niya.
"I-i am sorry, Finley."
Agad na umiwas ng tingin si Finn. Nag- umpisang manginig ang laman ng binata sa buong katawan.
May takot na itinapak ni Nihan ang isang paa paatras, at sa pangalawang pagkakataon ay hinagod niya ng hindi makapaniwalang tingin ang binata.
Nakaupo ito sa electric wheelchair.
Mahaba ang dating buzz-cut nitong buhok.
Halata niya rin ang bahagyang pagbawas ng timbang nito.
At nang ipako niya ang tingin sa mga paang nakasuot pa ng medyas ay sunod-sunod siyang napakurap.
Sana mali siya ng naiisip!
"What on earth are you doing here?" matigas pa sa bakal na tanong nito habang nakaharap sa dagat.
"F-"
Hindi niya magawang tawagin ito sa pangalan. Nakaawang ang labi niya pero daig pa niya ang pipi sa hindi pagsasalita.
Wala siyang maisip na sabihin sa binatang labis niyang nasaktan sa loob ng isang taon.
"Out."
Malamig pa sa yelo ang boses nitong mariin. Mula sa pwesto ay tanaw niya ang pagtitiim-bagang ng binata.
Ang mga kamaong maugat ay nakabilog, at parang naghahanap ng mukhang susuntukin.
Para itong napapalibutan ng nangangalit na apoy sa paligid. Ramdam niya ang kakaiba, at nakatatakot nitong presensiya.
"Get out," mahinahon ngunit may bantang utos ni Finn habang hindi pa rin nililinga ang dalaga.
Parang may sumasakal sa binata kung paano siya huminga, ngayong iilang dangkal lang ang layo ng dalagang nagpaguho ng buhay niya.
"I said, get the f**k out of my sight!"
Napataas ang magkabilang balikat ni Nihan sa lakas ng boses nito. At nang binato siya ng tingin ay nakadama siya ng takot sa nanlilisik na mga mata nito.
"Fi- Finn," sa tagal na nakaawang ang bibig niya ay sa wakas nagawa na niyang banggitin ang pangalan ng binata.
"Get out."
"Please-" Akma siyang lalapit nang mabilis siyang pinigil nito.
"Don't come near me! Don't even try!"
Napako ang mga paa niyang naka-iisang hakbang pa lamang. Ang gwapong mukha ng binata ay madilim na madilim. Halata rin ang poot na pinipigilan nitong tuluyang sumabog.
"Don't you dare come close to me, you s**t!" seryoso ngunit mahina nitong bigkas.
Itinaas ni Nihan ang mukha para pigilan ang mga luhang gustong-gusto nang sumunod sa pagbagsak. Napahawak siya sa sariling bewang, at hinabol ang hininga.
Hindi niya alam na ganito ang mararamdaman niya sa oras na makaharap niya si Finn.
Ilang beses siyang nag-ensayo ng gagawin, at sasabihin dito nang magplanong bumalik na sa binata.
Pero parang bula iyon na tinangay ng hangin.
Lahat ng lakas ng loob na inipon niya ay unti-unting naglalaho.
"I want you to get out."
Himig pakiusap iyon mula kay Finn. Pakiusap, na hindi niya puwedeng pagbigayan. Narito na siya sa harapan nito, at kung muli siyang tatalikod.
Mawawalan na talaga siya ng lakas para harapin ito.
"I'm sorry but I can't do that," umiling-iling na tugon ni Nihan, at itinuon ang mga mata sa binata.
Nakita niya kung paano magkonekta ang makakapal, at itim na itim na kilay ni Finn.
"You need to hear me-"
"No! No need for that. Now, I want you to go and get out."
"Please, just let me stay," pilit niya, at wala sa loob na tumapak palapit dito.
Ngunit agad na naiatras ni Finn ang wheelchair kung saan siya nakasakay dahilan para huminto ang dalaga sa paglapit.
"Finn, can you just listen to me?"
"You just have to listen."
"For what?" Nakangising tanong nito, at nakataas ang magkabilang kilay.
Hindi naman nakakibo si Nihan.
Para nga naman saan kung maririnig nito ang paliwanag niya?
"Things have been done. And you can't make things back were it supposed to be."
"So just back off. Leave my house," matalim na aniya nito na talagang bumaon sa kaniyang puso.
Inilipad niya ang lumuluhang mga mata tuwid na tuwid sa mga mata ng binata.
Nakalulungkot na ang mga isa sa mga mata na hinahangaan niya noon dahil sa saya, at ganda.
Ngayon ay napupuno na ng sakit at pagkasuklam lalo na't nakatitig sa kaniya.
"Finley, I sincerely apologize."
"I know, it won't things changed. But still, I still wanted you to know how sorry I am."
"And you think, I can forgive you so easily, huh?" sarkastiko nitong bigkas habang pinagmamasdan siya na para bang isa siyang kaawa-awang nilalang.
"Of course not. I know, my sorry won't be enough-"
"Great! So you get out."
"Nagdesisyon na ako," saglit na tumigil si Nihan, at matapang na sinalubong ang mga tingin ni Finn.
"Hindi ako titigil hanggang mapatawad mo ko," sigurado niyang wika.
Napabuga ng hangin si Finn, at tumanaw sa malayo. Tumango-tango ang binata habang hindi makapaniwala ang anyo.
"Bakit?"
"Kasi, wala nga naman akong magagawa?"
"I can't even push you or drag you out of my house because I am here sitting, in this f*****g wheelchair!" ubod ng lakas na hiyaw nito, at tila nais tumayo sa pagwawala sa kinauupuan.
Naalarma namang lumapit si Nihan sa binata. Nagtungo siya sa harap nito ay lumuhod habang humahagulgol.
"Please, Finley. Stop it."