"Party!" Halo na sa malakas na party song ang hiyawan nila Yam. Para silang nasa isang party. May ilaw sila sa gitna na mayroon nanggaling na iba't-ibang kulay ng ilaw. May lamesa sa gitna, punong-puno na mga alak. Si Nihan ay nakaupo lamang sa gilid, at may hawak na baso ng alak. Napatingin lang siya nang tumili ng matinis ang mga kaibigan ni Finley. Doon niya lang napansin ang lalakeng lumabas mula sa gold curtain. Half-naked, at nagsasayaw ng sexy dance. Napailing na lamang ang dalaga nang makitang hinihimatay sa kilig ang mga kasama niya sa tuwing lumalapit ito. "There is Nihan!" "Lapitan mo!" kinikilig na hiyaw ni Yam nang ituro ang nanahimik na si Nihan. Tumayo siya, at agad na iwinagwag ang mga kamay para tanggihan ito. "Okay lang, huwag ka nang lumapit," saad niya. Pare-

