"Brad." Mahinang nanunulak ang kamay ni Nihan. Nag-uumpisang halikan ni Brad ang kaniyang leeg. "Why, babe?" bulong nito habang patuloy sa ginagawa. Naroon sila sa isa sa mga cafe malapit sa kanilang University. Dito na sila inabot ng gabi, nakatambay lang. "Brad," may bahid na irita ang tinig niya, at lumalakas ang pagtulak sa dibdib nito. "Why?" galit na sagot ng binata bago bahagyang lumayo sa kaniya. "Anong why?" "We're in a public place," katwiran niya. Nasa sulok naman ang kanilang lamesa. At may sari-sariling buhay naman ang mga kapwa estudyanteng nasa loob rin. "So what?" "Just don't mind them." Muling nagtungo si Brad sa leeg ng dalaga. At sa pagkakataon na ito ay maagap niyang naitulak ang nobyo. Salubong na salubong ang mga kilay nito, at sumasabog ang pagtatanong s

