"No!' "No way, Dad!" Gulantang si Nihan na tumayo, naglikha nang malakas na ingay ang kaniyang silya. Mabilis ang pagtahip ng kaniyang dibdib habang nakatitig sa ama. "No, no." Ito ang tanging namumutawi sa kaniyang nanginginig na labi. Pagkaraan tingnan si Nelson, at bumaling siya sa mga kaharap sa mesa. Nakatungo ang kaniyang ina. Habang ang mga magulang ni Finley ay nakatingala lamang sa kaniya na malungkot ang mga mukha. Nilinga ni Nihan ang binata. Tahimik ito habang nakatitig lamang sa ibabaw ng mesa, ganoon na rin ang mga kamay nitong magkahawak at pinaglalaruan ang magkabilang hinlalaki. "Calm down and just listen," maawtoridad na aniya ni Nelson sa naging bayolenteng reaksyon ng anak. "Calm down, Dad?" "How?" "How can I calm down?" "Ipapakasal ninyo ako sa lalakeng wal

