"What?" banas na wika ni Nihan matapos matanggap ang isang text message mula sa ama. Naroon na siya at palabas ng University. "Ano naman kayang problema?" patuloy na irita niyang sambit. "Nihan!" Masama ang mukha ng dalaga nang luminga. Lumapit sa kaniya si Jigs, ang ilang kaibigan nitong mga lalake bago nahagip ng mga mata niya si Finley na nasa likuran. "Natanggap mo 'yong message ni Dad?" "Yes. Ano ba'ng problema?" tanong niya. "Jigs," tawag ni Finn. Sabay sila ng kapatid na binato ng tingin ang binata. "I'll go ahead. May pupuntahan pa ako." Tinapik din nito ang ilang kaibigan. "Sige," sagot ni Jigs. Ewan ba ni Nihan kung bakit nagtama pa ang mga mata nila ni Finley bago tuluyang itong umalis. "Ihahatid kita roon." "No need. Kaya ko na," tanggi ng dalaga. Dahil maaga pa

