"Finley!" natutuwang tawag ni Nihan sa binatang nasa sofa, at nagbabasa. Nagtaas naman ng mukha si Finn ngunit awtomatikong niya rin iyong ibinaba para hindi lubusang matitigan ang dalaga. "Bakit?" inosenteng tanong ni Nihan habang naglalakad, at kasunod ni Meadow. "Go and get dressed," utos nito, at hindi pa rin siya pinag-aaksayahan ng oras pansinin. "Sige. Pero sasabihin ko sana sa iyo na, naligo na si Meadow," kahit nagtataka ay gusto niyang ipagmalaking nalinisan na niya ang alagaan nito. "Oo, nakita ko na-" "Paano mo nakita? E, nakatungo ka?" Nakangiting katwiran niya habang hindi maintindihan ang kinikilos ni Finn. Isinardo nito ang libro bago nagtitimping pinagtagpo ang nga mata nila. Naaninag niya ang ilang sa anyo nito. "Nakita ko na. Now, go to your room and get dressed,

