SEV POV Grabe, ang hangover ko ngayong umaga… s**t! Parang nakabuhol sa utak ko ang kaba at pagod. Mga kaibigan ko naman, nasa kani-kanilang kwarto pa rin, lahat sila… nag-eenjoy kagabi sa mga babae na kasama namin. Mga boang talaga ‘to plaboy na walang takot sa mundo. Binayaran nila ‘yung mga babae kagabi, at pagkatapos, umalis na rin ang lahat, parang wala lang. Ako? Naka-kapa, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang ulo ko, habang sinusubukan imemorya ang mga nangyari kagabi. Ang tawa, ang sigawan, ang kalokohan… lahat nakasiksik sa utak ko, parang walang pahinga. Tinitingnan ko si Cass na nakahiga pa sa sofa, mukhang zombie, at si Jarel na tulala sa tabi ng bintana, halos mahulog sa tulog. Kier, siyempre, naka-yawn pero may pakitang excited na parang handa na sa susunod na kalokohan. Si

