CHAPTER 24

1560 Words
LUNINGNING (MUTYA) POV “Ghorl! Huy Mutya! Lakad, lakad!” boses agad ni Darna ang bumungad sa akin habang kinakaladkad niya ako papunta sa dressing room. “Mag-iinit na naman tong stage dahil ikaw na naman ang line-up! Charot, ikaw na talaga ang reyna ng init!” Huminga ako nang malalim, tinignan ang sarili sa salamin. Half-mask na naman ako ngayong gabi, yung tipong konting anggulo lang ay kita na halos lahat. Sobrang kulang sa tela ng suot ko isang maliit na two-piece na parang nag-aaway pa kung alin sa kanila ang unang malalaglag. Meron pa akong kapa, pero alam ko namang pang-teasing lang bago hubarin. “Ganda mo, ghorl. Parang diyosang nagutom pero fierce pa rin,” pang-aasar ni Darna habang inaayos ang mask ko. “Ulol,” natatawa kong sagot. “Ready na ako.” Pero sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako kahit araw-araw ko na itong ginagawa. Pero kailangan ko. Para kay Lola. Para sa sarili ko. Para sa buhay na pilit kong binubuo. Pag-akyat ko sa stage, biglang tumahimik ang crowd sandali yung tipong nag-aantay sila ng unang pag-galaw ko. Tapos- BAAAM! Tumugtog ang malakas na bass, sabay hagis ko ng tingin sa mga lalaki sa unahan. Sabay gumapang ako pababa, dahan-dahan, parang pusa na naghahanap ng mabibiktima. “Uwooooooh!!!” hiyawan sila. Inikot ko ang kapa sa katawan ko, tinatakpan ang mismong gusto nilang makita. Dahan-dahan kong inilapit ang daliri ko sa labi, kinagat ko nang marahan… Tapos bigla kong hinila ang kapa pataas sliidde at tuluyang tinanggal, tumilapon sa gilid ng stage. BOOM. Sumabog ang hiyawan. Gumalaw ako ng mabagal sa pole hawak pataas, iikot pababa, sabay naka-arched-back na parang sirena na nabasa sa gitna ng disyerto. Gumiling ako nang mababa, halos nakadikit ang tuhod ko sa sahig. Umakyat ako ng pole, baligtad, legs spread sa hangin habang umiikot. “Putangg inaaaa!” sigaw ng isang lalaki. “Babyyy! Ang initttt!” sigaw ng isa. Ako naman, naka-half mask, pero pakiramdam ko kitang-kita nila ang halimaw sa loob ko. Pagbaba ko ng pole, gumapang ako papunta sa edge ng stage literal na gumapang, parang naughty cat, sabay biglang tumuwad nang todo. “Tang-ina yan! Ulitin mo!!!” sigaw ng lasing. Napangiti ako. Mission accomplished. Hanggang sa natapos ang sayaw at pagbaba ko ng stage, parang tumalon ang puso ko nang makita kong ang daming nag-aabang magpa-table. TABLE 1 - THE FIRST SHOT “Shot muna tayo, babe,” sabi ng unang lalaki sabay abot ng tequila. First time kong tumungga ng alak. Pagtikim pa lang Putaaaaah ang paaaait!!! Pero ngumiti ako. Kailangan maging professional. Paglingon ko sa lalaki, bigla niyang siningit ang kamay sa bra ko at BOOM. P3,000… P5,000… hanggang sa nagkapunit-punit ang pride ko nung binagsak niya ang 13,000 sa mismong dibdib ko. Binulong pa niya sa akin, “Pag pumayag kang mag-check out sa akin… 70,000 pa.” Ngumiti ako nang matamis pero diretso ang tono, “Hanggang table lang ako. Hindi ako nagpapalabas. Hindi rin ako sumasama kahit kanino.” Napangiti siya, parang naturn-on pa yata sa pagtanggi ko. TABLE 2, 3, 4… hanggang 10 Sa bawat table, may shot. May tip. May hawak na parang nakahawak sa apoy. Hanggang sa napuno ang bra ko, panty ko, pati garter ko ng pera. Inabot ko na ang halagang hindi ako makapaniwala… 123,000 pesos. At pagkapasok ko sa kwarto, para akong pinagsakluban ng pagod. Pero heto na “GHORL!!!!!” parang kulog na sumunod si Darna papasok. “Tanginaaaaaaaaaaaaaa! Ang dami mong pera!!!” Literal na kumain ng hangin ang bunganga niya. Ako naman, naka-upo, pagod na pagod, pero tawa nang tawa. “Galing mo kasi magpainit, ghorl! Giling dito, arko doon, tumuwad dito, ‘di ko na alam kung saan ako titingin! Sabi ko talaga sa sarili ko, ‘Darna, magbenta ka na rin ng kaluluwa mo!’ pero charizz lang, wala pala bibili!” Tawa ako ng tawa. “Eto, sayo,” abot ko sa kanya ng 20,000. Bigla siyang tumili “AKISHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!” at literal na tumalon sa kama na parang nabangga ng kuryente. “Putangggg inaaaaa!!! TWENTY THOUSAAAAND?? Para ba sa aura ko? CHAROT?” sigaw niya habang niyayakap ako nang mahigpit. “Deserve mo yan,” sabi ko. “Ay ghorl, kung lagi ganyan sahod mo, ewan ko na! I-adopt mo na ako! Gawin mo akong anak, aso, kalapati kahit ano pwede, charizz!” Hindi ko na kinaya. Napahiga ako sa tawa. Humiga rin siya sa tabi ko, pareho kaming hingal, pareho pagod, pero ang saya. At sa gabing ‘yon, kahit pagod ang katawan ko, punô ang bulsa ko at mas punô ang puso ko. Dahil kahit gaano kadumi ang mundong ginagalawan ko… may Lola akong nagmamahal, may Darna akong handang sumalo, at meron pa akong perang panimula para sa isang kinabukasang hindi ko pa nakikita… pero unti-unti ko nang naaabot. “Ghorl! Alam mo ba?!” sigaw agad ni Darna habang halos gumulong papasok sa kwarto, hawak ang envelope ng 20k na binigay ko. “Makakabili na talaga akooo ng pantyyyyy! Kasi ghorl, swear, ‘yung mga panty akishhhh butas naaa lahat!” Tumawa ako nang malakas, yung literal na napaatras ang ulo ko sa kama. “Ulol, Darna. Hindi naman siguro butas lahat?” Bigla niyang hinugot yung drawer niya at minasdan ko kung paano dahan-dahan niyang hinugot ang isang panty na kulay pink… na parang dinaanan ng pusa, daga, time machine, at stress. “Oh my god Darna!” napasigaw ako. “Wag ka ma-shock ghorl! Vintage yan! Limited edition!” proud pa niyang sabi habang winawagayway ang panty na parang mamahaling relo. “Vintage saan? Sa World War II?” tawa ko. “Charot ka! Pero sabi ko nga sa’yo ghorl, kapag may pera na ako, kahit sampung panty bibilhin ko! Yung may tela talaga ha! Yung hindi see-through na parang wifi connected sa lahat!” Napatambling ako sa tawa. Literal. Tapos bigla na lang siyang umupo sa tabi ko, hawak-hawak ang isa pang panty. “Eto ghorl, tingnan mo talaga ha. Promise, pag nakita mo ‘to, maiiyak ka.” Dahan-dahan pa niyang ipinamewang yung panty na parang nagpe-present sa beauty pageant. “Ms. Butas Universe 2024!” sigaw niya, sabay pose ng one-foot-forward stance. Nanlaki mata ko. “Putcha- Darna! Ilang dekada mo nang suot yan?! Pwede na yan gawing basahan sa jeep!” “Gaga ka! Emotional value ‘to! Ito yung panty ko nung first time kong nag-work dito sa bar! Tapos nung sumayaw ako ng ‘Single Ladies,’ nahulog ‘to sa stage!” “Wait What?!” literal na natigil ang tawa ko. “TRUEEE GHORL!” taas kilay siya. “Tapos may isang customer, ewan ko kung lasing o horny or both, kinuha ‘to! Huwag! Akishhhh! Kinuha ng manyak! Mabuti na lang binalik niya sakin kinabukasan. Sabi niya, ‘Miss, nahulog po sa inyo.’” Hindi ko na kinaya. Halos gumulong ako sa sahig kakatawa. “Yung panty mo pala may fans club pa grabe!” “May supporters ako, ghorl. Hindi lang obvious kasi hindi sila nagpapa-picture. Charot!” Bigla naman siyang tumabi sa akin at humiga, nagtatampisaw sa tuwa. “Pero seryoso, Mutya… salamat talaga. Yung 20k hindi biro yun. Makabili na talaga ako ng panty na may tela. Hindi yung panty na ‘pag nahanginan, parang wala ka nang suot.” “Gaga ka talaga,” natatawa kong sagot. “At saka ghorl!” bulalas niya bigla, parang may naisip. “Bibili ako ng panty na HIGH-END! Yung tipong pag sinuot ko mararamdaman ko yung ‘virginity’ na hindi ko nagkaroon.” Napahiga ako sa tawa. “Darrrrnaaaa! Ano ba!” Tapos tumigil siya sandali. Nagseryoso sandali ang mukha habang nilalaro yung envelope. “Ghorl… alam mo… minsan feeling ko tong bar, kinain na yung pagkatao ko. Pero kapag kasama kita, parang life ko nagiging comedy show. Hindi masyadong mabigat. Hindi masyadong masakit.” Napatingin ako sa kanya. Kumirot yung dibdib ko sa sinabi niya. Hinawakan ko buhok niya at ginulo. “Darna, bobo ka. Hindi ikaw kinain ng bar ikaw kumakain sa bar. Look oh, ikaw lagi ang nag-iingay dito kapag wala akong energy. Ikaw ang nagdadala ng buhay sa kwarto natin.” Ngumiti siya nang sobrang laki, yung tipong kita yung pustiso vibes pero natural. “Akishhhh, iiyak na sana ako ghorl pero ‘wag muna ngayon ha…- magpapalit pa ako ng panty!” “Tangina mo,” tawa ko. Pagkatapos nun, tumayo siya bigla at naglakad-lakad sa kwarto na parang runway model. “Eto ghorl, practice look ko kapag bumili na ako ng bagong panty.” Sabay lakad niya na mala-Victoria’s Secret pero nakabaluktot ang mga daliri sa paa at naka-slippers na lumang-luma. “THIS IS THE FACE OF A QUEEN WHO CAN FINALLY BUY PANTYYYY!” Sabay twerk niya nang sobrang pangit pero sobrang nakakatawa. Napahiga ako sa kama, hawak ang tiyan ko. “Darna, tumigil ka na! Naiihi na ako kakatawa!” “Wag muna! Ipapakita ko pa yung panty collection ko… kapag may pera na tayo ulit!” At sabay-sabay kami napatawa ulit, hanggang sa literal na humalo ang pagod, saya, at hingal sa kwarto. Sa gitna ng ingay ni Darna at ng halakhak ko, naramdaman ko sa mundong puno ng dumi, gulo, at hindi siguradong bukas… May kasama akong siraulo pero tunay. At minsan, sapat na ‘yun para kumapit pa ako sa mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD