MONCHING POV Tahimik ang buong office, pero para sa akin, parang may libo-libong tinig na sabay-sabay na umiiyak sa loob ng ulo ko. Nakaupo ako sa swivel chair ko, pero hindi ako gumagalaw. Hindi ko kayang gumalaw. Nakatulala lang ako sa picture frame na hawak ko ang larawan naming tatlo. Ako. Si Fatima. At ang anak naming si Crystal, nakayakap sa amin, masaya, maganda, puno ng buhay. Mahigpit ang kapit ko sa frame, halos mabasag ko na. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig dito. Basta ang alam ko lang… habang tumitingin ako sa damit niyang kulay peach sa larawan… habang tinititigan ko ang ngiti niyang parang kayang magpagaan ng pagod ko noon… mas lalo akong nadudurog ngayon. “Crystal…” mahina kong bulong, paos at punong-puno ng pighati. “Anak… bakit hindi kita naban

