MONCHING POV Tanghali na nang tuluyan akong magising sa katahimikan ng opisina. Ang araw ay mataas na, tumatagos ang liwanag sa salamin ng bintana, pero ang dibdib ko parang madaling-araw pa rin. Mabigat. Masikip. Para bang may kamay na patuloy na humahawak sa puso ko at ayaw bumitaw. Kung hindi lang ako sinampal ni Mutya kaninang madaling-araw, malamang hanggang ngayon ay nakulong pa rin ako sa bangungot na ‘yon. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. Pero doon mismo, bumalik sa akin ang panaginip. Mas malinaw. Mas masakit. Mas buhay. Madilim ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako parang walang lupa, walang langit. Isang itim na espasyo na binabasag lang ng boses na kilalang-kilala ko. “Daddy… help me…” Nanginig ang mga tuhod ko sa panaginip. Ang boses na ‘yon boses

