Chapter 21

821 Words
NAGKUKUMPULAN ang ibang estudyante sa nakadikit na school rank sa hallway habang kami nila Bri ay nakaupo sa isang bench na naroon. “Teka, Shan. Wala bang sinabi si Storm sa’yo ng makauwi kayo?” kuryosong tanong ni Bri habang hawak ang magazine na kanina pa nito ini-scan. “Ano namang sasabihin niya?” si Drei. “Wala lang, malay mo naman nag sorry siya du’n sa sinabi niya sa’yo sa hallway. Tapos baka kaya niya ang sinabi ‘yun dahil nahihiya siya na ipakita sa maraming tao ang feelings niya.” “Required bang mamahiya ng tao kapag nahihiya ka?” mataray na tanong ni Drei at pagkatapos ay humarap sa akin. “Wag ka nang umasa ro’n, Shan. Mabuti pa ay mag-aral ka ng mabuti para masupalpal mo ang mayabang na ‘yun.” Napasandal ako sa inuupuan namin at marahas na napabuga ng hangin. Isa pa ‘yan sa pinoproblema ko. Paano ako ngayon aattend sa tutorial session namin matapos ang lahat ng nangyari? Nakakainis lang dahil parang ako lang talaga ang apektado sa amin at parang inaantay niya lang akong lumapit sa kanya tuwing oras na ng aral namin. Grabe, ibang klase talaga ang pagkatigas ng puso ng lalaking ‘yun. Napabuntong hininga ako ulit at tinitigan ang chart na nakadikit sa bulletin board. Nasa dulo parin ako. Lagi naman. Unti unting nanlaki ang mata ko at biglang napatayo nang may maalala. Teka, ‘di ba sinabi na sa akin ni Storm na tutulungan niya akong makapasok sa top 50 bago pa ang lahat ng nangyari? Oh my god, Shan. Bakit mo nakalimutan iyon? Nangako siya at pumayag siyang tulungan ako noon pa, kaya bakit ako nagmumukmok dito? Napangisi ako at matapang na tumitig sa kawalan. Ha! Akala niya ba ay siya lang ang pwedeng umasta ng ganu’n sa amin? Pwes, ngayon ay babawi ako. Hindi pwedeng ako lang ang nai-stress ng ganito sa amin, samantalang siya ang may kasalanan ng lahat ng kahihiyang tinamo ko. Umuwi ako sa bahay na may matinding lakas ng loob. Well, pumayag naman siya nu’n kaya bakit ako mahihiya? Saka isa pa hindi ko naman siya pinilit… teka, hindi ba? Ah basta, paninindigan ko ‘to. “Asan po si Storm?” tanong ko kay Manang nang makapasok sa loob ng mansyon. Nagpalinga linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko ang lalaki. “Hindi pa nakakauwi, hija. Hindi ba’t iisa lang ang skwelahan ninyo? Hindi ba kayo nagkikita?” takang tanong ni Manang na ikinangiwi ko lang. Paano ho kami magkikita eh nasa magkabilang dulo ang section namin, first and last. Nanlumo ako at bagsak ang balikat na umakyat ng kwarto ko. Nakakainis naman, ‘yung tapang ko parang biglang uurong kapag hindi pa siya umuwi ngayon. Anong oras ba ang tapos ng klase niya? Unfair pala na alam niya ang buong schedule ko samantalang ako ay hindi ko alam ang sa kanya. Dumeretso ako sa banyo ko para maligo at magpalit ng comfortable na shirt at short. Hanggang sa pagligo ay iniisip ko ang iaakto ko mamaya sa harap niya. Kailangan matapang, Shan. Aba, palagi na lang niya akong kinakayan kayanan lang. Akala mo naman ay kung sino. Hmp. Nagsusuklay ako ng buhok nang may marinig akong mahinang katok. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong ibinilin kay manang. Tumayo ako para buksan ang pinto habang hawak hawak parin ang suklay. “Bakit ho---” Napalunok ako ng dahan dahan habang nakatitig sa mga matang walang kabuhay buhay. “Hinahanap mo raw ako?” walang ganang saad niya. Tumikhim ako at umaayos ng tayo. “Oo.” Tumaas ng kaunti ang kilay niya. “Bakit?” Tinagilid ko ang ulo ko at matapang siyang tiningnan. “Hindi ba’t pumayag kang tulungan ako na makasama sa top 50? Nakakalimutan mo na ata.” Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil kahit na matapang akong nakatayo ay ramdam ko ang kaba sa boses ko. Sandali siyang tumitig sa akin at saka ngumisi. Ngising nang-aasar. “Ibang klase ka rin talaga.” Aniya ng naiiling. “Osige, magbibihis lang ako.” Walang sabing nilampasan niya ako at hindi man lang ako inintay na makasagot. Ang bwisit na ‘yun! Padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto ko at nanghihinang sumandal roon. Kahit ata anong ensayo ko bago siya harapin ay naduduwag na ako kapag kaharap siya. Bakit ba naman kasi ganu’n ang epekto ng lalaking ‘yun sa’kin. Minsan ay gusto ko na lang magpacheck up at baka may mali lang sa puso ko. Naiinis ako sa kanya dahil palagi niyang pinaparamdam sa akin na wala lang ako sa kanya at wala siyang pakialam sa’kin, pero kahit ganu’n… itong puso ko, nagwawala pa rin kapag kaharap na siya. Lalo na kapag nakatingin sa akin ang pares ng mga mata niya na para bang nakatitig sa kaluluwa ko. Mahina kong isinandal ang ulo ko at mariing pumikit. Kaya mo ‘yan, Shan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD