Chapter 20

566 Words
Third Person’s POV TUMATAWA si Miss Gozon habang nakasandal sa upuan nito sa office at nanonood ang funny videos sa Youtube. Samantalang si Mr. Herbert naman na adviser ng class 1 ay abala sa pagtuturo sa estudyanteng lumapit dito para magpatulong. Napalingon si Ms. Gozon sa gawi ni Mr. Herbert at napairap dahil sa seryosong mukha nito at ng estudyanteng tinuturuan niya. Ipinagsawalang bahala niya iyon at muling itinuon ang pansin sa pinapanood na video. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay may biglang humablot ng cellphone na hawak niya habang masaya siyang tumatawa kaya inis niya itong nilingon. “Ang bastos naman----” Napatigil siya at agad na umayos ng upo ng makita sa harapan niya si Ms. Safami, ang may ari ng University, na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. “Sinong bastos?” mataray na tanong nito. Umiling si Ms. Gozon at lihim na napangiwi. “Wala ho.” Inis na inilapag ni Ms. Safami ang isang chart sa table at tinuto turo iyon habang masama ang tingin sa kanya. “Nakikita mo ba ‘yan, Ms. Gozon?” Tumango siya at hindi nagsalita. “May gana ka pang tumawa tawa diyan habang ganito ang istado ng section na hinahawakan mo?” taas kilay na saad nito. Chart iyon ng mataas at mababang grado ng estudyante at lahat ng pasang awa ay halos nasa section na hawak niya. “Habang nangunguna ang estudyante ni Mr. Herbert sa katalinuhan, ‘yung sa iyo naman ay nangunguna sa kabobohan! ‘Yang mga estudyante mo ang nagpapababa ng estado ng University na ‘to, at ikaw, may gana ka pang mag relax diyan at walang ginawa kundi ang tumawa.” Angil nito sa guro. Nakatingin lang si Ms. Gozon sa galit na may ari ng University at hindi iniinda ang sinasabi nito. “Lalo na itong lima mong estudyante na nasa huling huling linya. Aba, consistent ang grades, puro palakol!” Tinutukoy nito ay walang iba kundi sila Bri, Drei, Rence, Dave at si Shan na nasa pinaka dulo. “Gagawan ko po ng paraan.” “Aba dapat lang, mahiya hiya naman sana sila at ikaw rin bilang adviser nila. Matatapos na lang ang taon ay sila sila parin ang nasa dulo, hindi na umusad kahit isang beses!” Magsasalita pa sana si Ms. Gozon nang pumasok sa faculty room ang nangunguna sa buong Univeristy ng High school department, si Storm Aldrid Enderson, na may dala dalang mga notebooks na kinolekta nito mula sa mga kaklase. “Good afternoon po.” Magalang na bati nito kay Ms. Safami na agad namang ikinakalma ng matanda. “Mabuti na lang at mayroon tayong estudyante rito na talagang nagbibigay ng parangal sa eskwelahan kong ito.” Nakangiting anito na si Storm ang tinutukoy. Inilapag ni Storm sa desk ni Mr. Herbert ang mga notebooks at binigyan naman siya ng ngiti at tapik sa balikat ng kanyang Professor. Hanggang sa makalabas ng faculty si Storm ay sinundan siya ng tingin ni Ms. Safami maging ni Ms. Gozon at Mr. Herbert. “Nakikita mo ‘yun? Siya ang pride ng eskwelahang ito, sana man lang ay may isa kang ganyan sa klase mo! Hayy, sumasakit ang ulo ko sa’yo.” Inis na anito at hawak ang batok na umalis ng faculty. Naiwang nakanguso si Ms. Gozon habang nakatingin din sa kanya si Mr. Herbert na ngayon ay napapailing na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD