MAANGAS na bumaba ng hagdan si Storm habang tahimik naman akong nakaupo sa sofa sa sala. Napalunok at umayos ng upo ng magtama ang paningin namin. Walang nagsalita sa aming dalawa mula sa pag-aayos ko ng gamit ko at paglalagay ng mga libro sa lamesa. Tahimik lang niya akong tinitingnan habang ako ay pinipigilan ko ang kamay ko sa panginginig dahil sa kaba. Ilang ulit pa naman akong nag breathinge exercise kanina bago bumaba tapos ang ending pala ay non sense na naman 'yun.
Umayos ka, Shan!
Tumikhim ako at tiningnan siya. "So?"
Tumaas ang sulok ng labi niya pero bago pa siya makapagsalita ay naagaw na ni Manang na papalapit sa amin ang atensyon ko.
"Shan, may bisita rito ang Daddy mo. Sa taas na lang daw kayo muna ni Storm, ihahatid ko mamaya ang meryenda ninyo."
Napaaawang ang bibig ko pero hindi ko pinahalatang kinabahan ako lalo. "Okay po." nilingon ko si Storm at napairap ako ng makitang walang sabi siyang tumayo at naunang maglakad paalis habang nakapamulsa.
Ang lalaking 'yun, 'di man lang ako inintay!
Mabilis kong iniligpit ang nakahanda na sanang gamit ko at agad na sumunod kay Storm paakyat. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo sa labas ng kwarto ko at walang emonsyong nakatingin sa akin na papalapit sa kanya.
"A-ano, bakit ka nandiyan?" nauutal na tanong ko.
Tumaas ang kilay niya at tamad akong tinitigan. "Saan mo ba gusto? Sa kwarto ko?"
Natahimik ako at nang wala siyang narinig na sagot mula sa'kin ay nagsimula na naman siyang naglakad papasok sa kwarto niya na agad ko ring pinigilan nang marealize ko ang balak niya.
"A-ano, sige na. Dito na lang tayo sa kwarto ko." naiilang na saad ko.
Tahimik kaming pumasok ng kwarto ko at dumeretso sa study table ko na medyo magulo pa ang mga libro. Lumapit ako roon at mabilis na inayos ang mga nagkalat na gamit bago pilit na ngumiti sa kanya na nakatingin lang sa’kin. Paniguradong nawi-weirduhan na siya sa’kin dahil sa actions ko. Kung pwede ko lang sapukin ang sarili ko ngayon ay kanina ko pa ginawa.
Napailing siya at umupo sa upuan. Tumabi naman ako agad sa kanya at itinuon ang atensyo sa librong inuumpisahan na niyang buklatin.
“Bibigyan kita ng mga possible questions na lalabas sa test, ang gagawin mo lang ay aaralin mo ang mga ‘yun. Habang ginagawa ko ‘yun ay sagutan mo muna itong mga ‘to, ‘yan ‘yung inaral natin nu’ng isang araw.” Aniya at itinuro ang activity na nasa libro.
Tumango tango ako at tahimik na pinanood siya. Lumipat siya sa computer table ko at doon nag type ng kung ano ano. Agad akong nag-iwas ng tingin ng taasan niya ako ng kilay.
“Sagutan mo na ‘yan.”
Lihim akong napairap sa kawalan at sinumulang basahin ang questions. Actually, itinuro na nga niya sa’kin ang mga ito nu’ng isang araw at kahit papaano naman ay naintindihan ko ang mga ‘yun kaya mabilis ko lang na nasagutan ng hindi na humihingi ng tulong niya. Baka kaltukan niya ‘ko kapag sinabi kong nalimutan ko kaya buti na lang at fresh pa ‘yun sa utak ko.
Tanging ang tunog lang ng keyboard ang maririnig sa buong kwarto. Pareho kaming seryoso sa kanya-kanya naming ginagawa to the point na hindi na namin namalayan ang oras.
“Narito na ang meryende ninyo, Shan.”
Tutok na tutok ako sa ginagawa ko at hindi ko namalayang lumabas at pumasok si Manang sa loob sa kwarto. Sa kabilang banda naman ay nakangising nakatitig si Storm kay Shan ng makitang hindi man lang nito nagawang bigyan ng tingin ang kasambahay na pumasok.
“Oh, eto pa.” inilapag ni Storm sa mesa ang iilang mga papel na nakadikit at nag unat ng bahagya. “Kailangan mong basa-basahin ‘yan, mas okay kung kakabisaduhin mo pero okay lang din kung maya’t maya mong papasadahan ng basa ‘yan.”
Tumango tango ako at inisa isa ang papel. Nakakamangha na nakaya niyang gumawa ng test questionnaires na may mga sagot na.
“Aalis na ‘ko.”
“Sige, salamat.”
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. Napangiti ako at bumalik na ulit sa pagbabasa ng mga binigay niya na agad kong naiintindihan. Ibang klase talaga magturo ang lalaking 'yun, pwedeng pwede siyang maging Professor dahil effective ang way ng pagtuturo niya.