“Alam ko na po na hindi ako papasa,” nakangusong sambit ko, “Iyong tingin pa lang sa’kin nu’ng matandang babae, alam ko nang ibabagsak niya ‘ko.” Bumuntong hininga ako habang pinaglalaruan ang pagkain sa plato ko.
Nandito kaming tatlo nila Dad at Storm sa dining at nag di-dinner.
“Okay lang ‘yan, Shan. Mag try ka na lang ulit sa ibang universities.” Ani Dad habang hinahagod ang likod ko.
“Kasi naman, nakakatakot ‘yung matandang babae na nando’n. Kinabahan ako, kaya wala tuloy akong nasagot na maayos.” Paliwanag ko pa.
Nakatingin lang sa’kin si Storm at kita ko ang palihim niyang pag-ngiwi.
Oo na, stupid na ‘ko talaga.
Bagsak ang balikat na umakyat ako sa hagdan. Huminto ako sa may veranda para magmuni-muni. Nakakatawa kasi alam ko namang mangyayari ang ganito pero masakit pa rin pala. Ilang ulit ko nang na-experience ang ganito pero palagi pa ring masakit at nakakababa ng pagkatao.
Gaya ng sinabi ko kanina, alam ko naman na hindi talaga ako magaling at wala akong alam, pero hindi ko akalain na sobra sobra naman pala ang pagka-stupid ko. Sa tuwing naiisip ko ‘yung kung paano ako tumulala lang kanina, gusto kong sabunutan ang sarili ko.
“Ayos ka lang?”
Napalingon ako kay Storm na tumabi sa’kin at umiling. “Hindi ko na alam kung saan ako mag-aaral. Feeling ko wala nang university na tatanggap sa’kin.”
“Gusto kong sabihin na may chance ka pa naman dahil wala pa ang resulta, pero ‘wag na lang dahil baka umasa ka.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Imbis na i-comfort ako, ganyan pa ang sinasabi niya. Tss.
“Okay lang, ineexpect ko naman na ‘to.” Pinilit kong ngumiti at tumingin sa langit, “Mama… disappointed ka ba sa’kin? ‘Wag ho kayong mag-alala, gaya ng sinabi mo, hindi ako sumusuko agad kaya magta-try ako ulit. Samahan mo naman ako, oh. Para naman makapasa na ‘ko.” Ngumuso ako at pinaglaruan ang daliri ko.
Ramdam ko ang paglingon sa akin ni Storm pero hindi ko siya pinansin.
“Ang mama ko, palagi siyang proud sa akin noon kahit hindi naman ako magaling. Basta may magawa at masabi lang akong maganda para sa kanya, sinasabihan niya ako na swerte siya dahil ako ang anak niya, kahit ang totoo ay hindi naman.” Pilit akong tumawa at huminga ng malalim, “Magta-try ako sa iba, hindi ako susuko. Dahil iyon ang isang bagay na proud sa akin ang mama ko… ang pagiging matyaga.”
“Tama ‘yan.”
Nanatili pa kaming tulala ni Storm hanggang sa antukin kami at pumasok sa kanya-kanyang kwarto. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang plano niya pero hindi ko na nagawa. Masyado akong na-focus sa rejection ko kaya nalimutan ko na ang kanya.
Okay lang kaya siya?
HINDI ko alam kung ilang beses na akong bumuntong hininga habang nakatitig sa cellphone ko. Ngayon ang araw ng pagtawag ng H.U para sa mga nakapasa at ewan ko ba kung bakit kahit alam ko nang rejected na ako ay naghihintay pa rin ako.
“Hayaan mo na, Shan. Marami pa namang iba.” Pag-aalo sa akin ni Dad. Hindi siya umalis ngayon para samahan ako.
Ngumuso ako at muling bumuntong hininga.
“Saka maaga pa naman, anak. ‘Di ba hanggang gabi naman ‘yan, malay mo mamayang gabi ka pa matawagan.”
“Okay lang po ako, Dad. Tanggap ko na po, kaya mabuti pa ay umalis na po kayo dahil alam kong may mga naka schedule kayong activities.”
“Sigurado ka ba?”
Tumango ako at humalik sa pisngi niya. “Ingat po kayo.”
Bumuntong hininga siya bago nagpasyang iwan ako. Nandito ako sa garden simula pa kaninang umaga at parang ewan na naghihintay ng tawag na alam ko namang hindi dadating.
“Hay, saan kaya ako mag aapply na?” tanong ko sa sarili. Dapat ay simulan ko nang maghanap ngayon dahil alam kong mahaba habang proseso ang mangyayari.
Napa igtad ako ng tumunog ang cellphone ko, pero agad ring nadismaya ng makita ang number ni Drei.
“Hm?”
“Shan! Nakapasa ako sa H.U!” masayang aniya.
Napaawang ang bibig ko sandali bago ngumiti. “Wow. Congrats, Drei. Masaya ako for you.”
“Thank you, Shan. Ikaw ba?”
“Wala pa rin ang tawag, obvious naman na hindi ako nakapasa.”
“Ano ka ba, hindi pa naman tapos ang buong araw, may chance pa. Hintayin mong mabuti, okay?”
“Oo sige.”
“Sige, ibababa ko na at baka tumawag sa’yo.”
“Drei…”
“Hm?”
“Totoong masaya ako para sa’yo. Congrats ulit.”
“Alam ko, Shan. Thank you.”
Bumuntong hininga ako ng maibaba ang tawag. Nakapasa si Drei, alam ko naman na malaki talaga ang chance niya dahil matalino rin siya kumpara sa’kin.
Magdamag akong nakatungo sa mesa habang nakatitig sa cellphone ko. 9pm na pero wala pa rin akong nare-receive na call.
“Ano bang ginagawa mo, Shan. Hindi pa ba obvious na wala silang balak na tawagan ka?” ani ko sa sarili. “Tumayo ka na riyan at magpahinga.” Bulong ko.
Pakiramdam ko ay wala akong energy buong araw. Maghapon akong tumulala lang sa phone ko at umasa ng kaunti.
“Hindi ka pa ba aakyat?”
Nilingon ko ang bagong dating na si Storm.
“Maya maya konti.” Walang ganang sagot ko.
Tumango siya at umupo sa tabi ko. “Akala ko ba hahanap ka na ng bago mong e-examan? Bakit nakatunganga ka lang diyan?”
Ngumuso ako at bagsak ang balikat na tumayo. “Oo sige.”
Hahakbang na sana ako nang biglang nag ring ang phone ko. Alam kong si Dad iyon kaya hindi na ako nag-abalang tingnan ang pangalan.
“Hm?”
“Ito ba si Ms. Borromeo?”
Walang ganang tumango ako. “Oo, ako nga.”
“Marami ang hindi nakapag exam dahil sa bagyo, at kasama ka sa waiting list kung sakaling meron pang slot.”
“Ganu’n po ba?”
“Yes, kaya naman ikaw na ang tinawagan namin. Congratulations, Ms. Borromeo. Pasado ka sa Hannam University.”
“Ah, ganu’n po b---” Nanlaki ang mata ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig, “Ano po ulit? Nabingi po ata ako.”
“Nakapasa ka sa Hannam University, Congratulations, Ms. Borromeo.”
“Talaga po?! Waahhh! Maraming salamat po, salamat po talaga!”
Humarap ako kay Storm nang maibaba ang tawag at wala sa sariling hinila siya patayo para isama sa pagtalon.
“Nakapasa ako! Nakapasa ako! Waahhh!” tumalon talon ako habang hawak ang kamay ni Storm at maya maya ay hindi ko namalayan na nakayakap na ako sa kanya. “Ang saya saya ko! Nakapasa ako!”
Ilang segundo pa akong nagdiwang hanggang sa itulak ako ni Storm at bawiin ang kamay niyang hawak-hawak ko.
“Lumayo ka nga sa’kin, ang ingay mo.”
Hindi ko pinansin ang kasungitan niya at muling nagsaya. “Nakapasa ako! Ang saya saya.”
“Congrats.” Mahinang sambit niya.
“Ha? May sinabi ka?” tumigil ako sa pagtalon dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.
“Ang sabi ko, ang ingay mo. Diyan ka na nga.”
Napanguso ako ng bigla niya akong iwan pero agad ring ngumiti ng malapad nang maalala na nakapasa ako.
“Ang saya saya ko. Nakapasa ako!” ani ko at muling nagtatatalon.
Bahala ka diyan, Storm. Basta ako masaya ako ngayon.
Third Person’s POV
Nilingon ni Storm ang nagsasayang si Shan at wala sa sariling napangiti ito ng tipid habang nakatingin sa dalagang hanggang ngayon ay nagtatatalon pa rin sa tuwa.
“Tsk, stupid.” Nakangiting bulong niya habang nakapamulsang pinapanood ito sa walang katapusang pagdiriwang nito.
Alam niyang buong araw na naghintay ang dalaga sa call na iyon kaya naman pati siya ay napapangiti sa kasiyahan nito. Sa isip niya ay gusto niya rin na maranasan ang ganu’ng pakiramdam. Ang maghintay, umasa at maging ganu’n kasaya.
Habang nakatingin sa dalaga na mag-isang nagsasayaw ay napaisip siya kung mararanasan niya ba ang ganu’n. Ang kabahan ng todo at hindi ma-predict ang mangyayari.
Ang buhay niya ay parang isang pangyayari na matagal na niyang alam. Hindi na siya nagugulat at palagi niyang inaasahan ang nangyayari sa kanya. Napakadaling hulaan, at masyadong obvious.
May tipid na ngiting umalis siya roon at hinayaan na ang dalaga na magsaya.
KINABUKASAN ay maaga siyang gumising. Nadatnan siya sa hapag ang nakangiting si Shan at ang tito Franco niya.
“Congratulations, Shan.” Nakangiting bati nito sa anak.
“Thanks, Dad.”
Tahimik siyang sumandok ng pagkain at walang imik na nakinig lang sa mag-ama na masayang nag uusap hanggang sa balingan siya ng Tito Franco niya.
Tumikhim ito bago nagsalita. “Ikaw, Storm? Ganu’n pa rin ba ang plano mo?”
“Hindi po ako mag-aaral, final na ‘yun.”
Kita niya ang mariing pagpikit ng matanda.
“Storm naman, sundin mo naman ako. Para sa’yo rin naman ‘yun.”
“Pasensya na, pero gusto ko po sanang hayaan niyo na ako.”
Bumuntong hininga ito at masama ang loob na umalis ng hapag. Naiwan sila ni Shan na tahimik lang. Rinig niya ang malalim na buntong hininga ng dalaga bago nagpatuloy sa pagkain at hindi na nagtangkang kausapin pa siya.
Buong araw ay nagkulong lang si Storm sa kwarto niya at hindi lumabas maging ng sumapit ang lunch. Tuwing mapapadaan si Shan sa kwarto ng lalaki ay gustong gusto niya itong katukin at kausapin pero alam niyang gusto ng lalaki na mapag-isa muna.
“Hindi pa rin ba mag eexam si Storm?” tanong ni Drei kay Shan. Nasa restaurant sila ni Gab para tumambay.
Umiling siya at pinaglaruan ang kutsarang hawak. “Hindi pa rin.”
“Pa’no ‘yan? Last day na bukas ng application for entrance exam, kung hindi siya pupunta ay talagang hindi na siya makakapag-aral.” Malungkot na komento ni Bri.
“Kahit si Dad ay walang nagawa.”
“Ito, Shan. Tikman mo, ako ang gumawa niyan.” Bigla ay sambit ni Gab, sabay lapag ng hindi pamilyar na pagkain sa mesa ni Shan.
“Wow, mukhang masarap.” Ani Shan at walang sabing sumandok. Mariin namang nakatitig si Gab sa dalaga at kinakabahan sa sasabihin nito. Ginawa niya ang pagkain na iyon para talaga ipatikim rito kaya malakas ang kabog ng dibdib niya habang pinapanood itong ngumuya.
“Grabe, Gab. Ang sarap! Talaga bang ikaw ang gumawa nito?” namamanghang ani Shan.
“Oo naman… ikaw ang nasa isip ko habang ginagawa niyan.” Mahina ang pagkakasambit niya sa huling sinabi kaya hindi ito narinig ng dalaga.
“Ang galing galing mo na talaga, Gab.”
Napakamot siya sa kilay niya dahil sa papuri sa kanya ni Shan. Matikas ang tindig niya at tipid lang ang ngiti niya pero sa loob loob niya ay parang sasabog na ang puso niya sa tuwa at gusto niyang tumalon.
“Osige, maiwan ko na kayo muna.” Nakangiting nagpaalam si Gab kay Shan at agad na tumalikod.
“Gusto kong dalhan nito si Storm…”
Napahinto si Gab ng marinig iyon mula kay Shan. Kausap nito ang dalawang babaeng kaibigan at alam niyang si Storm ang pinag-uusapan nila kaya napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagpasok sa kusina.
Matagal na niyang gusto si Shan, pero alam niya rin na si Storm ang gusto nito. Noong graduation nila, alam niyang ire-reject siya ni Shan nu’ng umamin siya kaya pinigilan niya itong sumagot sa confession niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at agad na naglaho ang kaninang masayang ngiti niya.
Sa kabilang banda ay nagmumukmok pa rin sa loob ng kwarto niya si Storm. Pagkauwi ni Shan ay sa tapat ng kwarto ni Storm agad siya dumeretso para sana kausapin na ito pero ilang minuto na siyang nakatayo lang sa harap ng pintuan nito at hindi magawang kumatok.
Okay lang kaya kung kausapin ko siya? Bulong niya sa sarili.
Dala-dala niya ang soup na galing sa restaurant ni Gab na binili niya para rito.
Lumunok siya at dahan-dahang kumatok. “Storm?” mahinang tawag niya at idinikit ang tenga sa pintuan nito, pero wala siyang narinig.
“Storm… lumabas ka na riyan. Nag-aalala rin si Dad para sa’yo.” Malungkot na sambit niya. “Hindi ka naman pinapakealaman ni Dad dahil lang sa gusto niyang manghimasok sa buhay mo, nag-aalala siya sa’yo at gusto niyang maging mabuti ang buhay mo… Alam mo ba, kung ako lang ang may utak na kagaya mo at kung kasing galing mo lang ako, gagawin ko ang lahat. Pangarap ko, ang maging masaya at ang makapagpasaya… pero minsan kailangan mo ng galing at talent para magawa ‘yun. Ikaw, kayang-kaya mo ang mang inspire at magpasaya ng tao, magaling at matalino ka sa lahat ng bagay kaya sana ‘wag mong sayangin ‘yun. Ano naman kung hindi mo pa alam ang gusto mo sa future? ‘Di naman required na sigurado ka na sa gusto mo bago ka humakbang. MInsan kailangan mo munang ma-experience ang isang bagay bago mo tuluyang malaman kung nasaan ang puso mo… kung saan ka sasaya at kung ano ba ang gusto mo talaga. Kaya naman, please mag-exam ka na. Nagtitiwala ako at sobrang humahanga sa’yo.”
Bumuntong hininga siya at naghintay ng ilang segundo pero walang Storm na lumabas kaya naman inilapag niya na lang ang pagkain sa sahig. “Storm, kainin mo ‘tong binili ko para sa’yo. Masarap ‘yan.” Aniya at tuluyang umalis sa tapat ng kwarto ng lalaki.
Makalipas ang limang minuto ay bumukas ang pinto ay iniluwa niyon si Storm. Dumako ang tingin niya sa sahig at nakita ang pagkain na iniwan ni Shan, kinuha niya iyon at muling pumasok sa loob.
Hindi niya alam kung bakit pero napangiti siya nang makita ang malaking puso na nakadikit sa bowl at may nakasulat na, “I believe in you!”
“Tsk, stupid.” Nakangiting sambit niya bago sinimulang kainin ang pagkain.
Nakapag desisyon na siya.