Chapter 40

2146 Words
MALAKAS NA TAWANAN ang naririnig ko habang papasok kami sa restaurant na pina-reserbahan ni Ms. Gozon para sa celebration ng section namin. Kanina pa ako inaasar ng mga kaklase ko at nangunguna pa ro’n ang bwisit na si Brianna at Dave. “Wala ka talagang kupas, Shan. Kakaiba ka sa lahat, pati ba naman graduation ceremony natin ‘di mo pinalampas?” Natatawang ani Dave. Bumuntong hininga ako at inirapan siya. Rinding rindi na ako sa tawa nila, hindi man lang nag-alala sa paa ko at talagang pang-aasar lang ang inatupag. Mga walang hiya! “Infairness, nagkaroon kayo ng magandang moment ni Storm kanina.” Ani Bri at tinusok tusok pa ako sa tagiliran. “Ayiie, sabay silang na-fall.” Sabay sabay silang nagtawanan kaya inis na tiningnan ko sila. Hindi ba sila titigil? Mamamatay na nga ako sa hiya rito, ayaw pa nila akong tantanan. “Okay lang ‘yan, Shan.” Tinapik ako sa balikat ni Drei na parang nang-aasar rin na ikinangiwi ko lang. “Okay class tama na ‘yan. Nandito tayo ngayon para mag enjoy. Gusto ko lang sabihin na proud ako sa inyo dahil lahat kayo ay naka graduate. Congratulations sa inyong lahat!” masayang sambit ni Ms. Gozon na ikinahiyaw ng lahat. Mabilis kaming nagsi-upo at agad na nilabas ng waiter ang mga pagkaing inorder na ni Ms. Gozon bago pa man kami makarating dito. Inarkila niya ang buong restaurant ngayong gabi dahil magsasaya raw kami ngayon. “Syempre hindi pwedeng mawala ang mga singers at dancers natin ngayon!” masayang sigaw ni Rence na tinanguhan ng lahat. “Dahil diyan ay uumpisahan ko na ang kasiyahan natin! Mag-iingay tayo!” “Woooohh! Go, Rence!” nakisabay sa sigawan ang lahat. “Pero syempre kailangan ng props para mas masaya kaya maghintay muna kayo diyan.” Kumindat pa ang loko-loko at pumasok sa kung saan. Tumayo si Ms. Gozon at pumunta sa harapan. “So, habang inaantay natin sila---” “Ah, Sir, excuse me po. Sarado po kami ngayon, pasensya na po.” Naagaw ang atensyon naming lahat nang may tumbok ng estudyanteng pumasok sa loob ng restaurant. T-teka… “Section 1 ‘yun ‘di ba?” bulong ni Bri sa tabi ko, “Ano naman kaya ang ginagawa nila dito?” “Ah ganu’n ba?” dismayadong saad ni Mr. Herbert, ang adviser ng section 1. “Mukhang sa iisang school lang po pala kayo…” ani ng waiter na mukhang may ipinapahiwatig at tumingin kay Ms. Gozon, “Baka po pwedeng mag-isa na lang kayo ng celebration since galing naman kayo sa iisang school.” Napapakamot na anito. ‘Wag. Please ‘wag. “Ayos lang naman.” Nakangiwing ani Ms. Gozon. Kung hindi siya papayag ay baka mamaya magkaroon pa ng issue kaya napipilitang tumango na lang siya. Nakapwesto ang buong section 1 sa likod namin at parehong naka linya ng pahaba ang lahat ng table nila. Naiilang ako dahil ramdam kong nasa malapit lang si Storm, at nang lingunin ko siya ay tama nga ang hinala ko at muntik pa akong mahulog sa upuan ko nang nasa mismong likuran ko siya umupo. Jusko naman. Hanggang dito ba naman? Naging awkward panandalian ang paligid dahil ang totoo niyan ay medyo may hidwaan talaga ang first and last section. Nagsimula ‘yun noong Olympics at palaging nananalo sa physical activities ang last section, kumbaga ang first section ay puro aral lang raw ang alam at ang last section naman ay puro physical ang alam. Hanggang sa mga sumunod na taon ay hindi na nawala ang ganu’ng atmosphere sa pagitan ng dalawang section at automatic na ang pagkadisgusto sa isa’t isa. Ni hindi kumukuha ng girlfriends o boyfriends ang mga taga first section sa last, at ganu’n din ang kabila. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang lumaki nang ganu'n ang issue. Nagtama ang paningin namin ni Gab kaya ngumiti kami sa isa’t isa. ‘Yung sa amin ni Gab ay simula naman elementary pa kami ay close na kami kaya hindi naapektuhan ng war ng sections ang friendship namin, at nagpapasalamat ako ro’n. Tumayo si Mr. Herbert para magbigay ng maiksing speech sa hinahawakan niyang section at maging ang atensyon namin ay naroon. “Okay class, nagpapasalamat ako sa sipag at galing ninyo sa buong taon. Nanatiling nangunguna ang section natin at lahat ‘yun ay dahil sa galing ninyo. Sobra akong proud sa inyo at hinihiling ko na malayo pa ang marating ninyo.” Nagpalakpakan ang buong section one habang bagsak naman ang balikat ng section namin. “So, as I was saying,” tumikhim si Ms. Gozon na nasa harapan kaya sa kanya naman natuon ang paningin namin, maging ang kabilang section ay ramdam namin ang pakikinig. “Hindi kayo matatalino lahat kaya mas lalong nakaka proud dahil nagawa niyong makapagtapos. ‘Yung iba kasi diyan ay hindi na pinaghirapan at walang ka-effort effort, pero sa inyo ay kitang kita ko na literal na dugo’t pawis niyo ang puhunan niyo para makarating rito kaya naman sobrang proud ako sa inyo at alam kong higit na mas malayo ang mararating ng mga batang kagaya ninyo.” Naghiyawan at nagpalakpakan ang section namin habang tahimik naman na nanonood ang kabila. “Heto na kam—” kumunot ang noo nila Rence nang makita ang kabilang section, “Nandito rin kayo?” Nakangiwi ang mga kaklase naming nasa likuran nila Dave at Rence habang nakasuot ng iba’t ibang klase ng wig at may mga hawak na instrument. Mukha silang clown na banda sa itsura nila at hindi ko mapigilan ang hindi matawa. Nakakaloka talaga ang mga kaklase ko. “No choice.” Rinig kong bulong ni Ms. Gozon sa kanila kaya naman tumango na lang sila. “Okay, magsisimula na ang kasiyahan natin!” sigaw ni Rence habang may hawak na mic, “At bawal makinood rito.” Dagdag niya pa na ikinatawa namin. Loko loko talaga. “Kala mo naman magaling.” Rinig kong saad ng kabilang section. Edi ‘wag kayong makinood. Tss. Nagsimula nang kumanta at sumayaw sila Rence sa harapan habang masaya naman kaming nakikisabay, hindi inaalintana ang nakikinood na kabilang section. Isa lang ang masasabi ko, napakaboring nilang lahat. Talagang kumakain lang sila at hindi man lang nagtatawanan. Nakakaloka ang section nila, hindi ko aasaming makapasok diyan at paniguradong magiging boring ang buhay ko kung mapapasama ako sa kanila. Bagay na bagay ka diyan, Storm. Puro kaugali mo ang nandiyan. “Sobrang boring ng section nila.” Bulong ni Bri na tinanguhan ni Drei agad. “Oo nga, sobrang seryoso ng mga mukha parang mga hindi masaya sa buhay. ” Pasimple akong sumilip at halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang magtama ang paningin namin ni Storm. Tinitingnan niya ba ‘ko? Ayan ka na naman, Shan. Kaya ka nasasaktan eh. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa harapan at natawa ng malakas nang gumiling giling ang mga lalaki naming kaklase. Kahit ang kabilang section ay maririnig ang tawanan dahil sa kanila. Kahit mga pasang awa ‘yan ay malaki ang mga silbi sa lipunan. “Wooooh! Go, Dave!” sigaw ni Bri at iwinagayway ang braso na parang lasing. “Igiling mo pa, Rence!” ani ng isa naming kaklase at sabay sabay na nagtawanan. Merong mga kumukuha ng video at ang iba ay nagpi-picture. Sa kakatawa ko ata kaya nakaramdam ako ng tawag ng banyo. “Oh, saan ka?” tanong ni Drei nang tumayo ako. “Naiihi na ‘ko.” Nakangiwing ani ko. Tumawa lang siya at tumango bago ako hinayaang umalis. Deretso lang ang lakad at tingin ko sa unahan at pinipigilan ko ang sarili kong lumingon kay Storm at nagawa ko naman ‘yun. Nakarating ako ng CR ng matiwasay. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay hindi muna ako bumalik sa mesa namin dahil napagpasyahan kong magpahangin muna sandali sa labas. Lumabas ako ng restaurant at mariing pinikit ang dalawang mata. Ang lamig. Nagulat ako nang may maramdaman akong kung ano sa balikat ko. “Gab?” Ngumiti siya sa’kin at tumango. “Anong ginagawa mo rito? Malamig rito.” “Thank you,” tukoy ko sa jacket na ipinatong niya sa balikat ko. “Nagpapahangin lang.” “Ang saya ng section ninyo.” Komento niya na ikinangiti ko. “Oo, ganyan talaga ang mga ‘yan. Karamihan ay baliw.” Natatawang ani ko. Nakatayo kami sa harap ng restaurant at parehong nakasandal sa pader. Wala sa sariling napatingala ako at namangha ako sa dami ng stars sa langit. “Wow, ang ganda.” Tukoy ko sa mga bituin. Tumingala rin si Gab at ngumiti. “Oo nga, ang ganda.” Sandali kaming nanahimik habang pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan. Nakaka relax talaga ang ganitong tanawin, pakiramdam ko ay hinihele ako ng mga bituin. “Shan…” “Hm?” sagot ko habang nananatili pa rin ang paningin sa kalangitan. “G-gusto kita.” Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang ibaba ang tingin ko sa kanya. “Noon pa, actually.” Tumawa siya ng mahina at muling tumingala sa kalangitan, “Natatakot akong aminin sa’yo kasi ayokong masira ang kung anong meron tayo. Alam mo ba na ang friendship natin ang pinaka pinahahalagahan ko sa lahat?” tumingin siya sa’kin kaya napalingon rin ako sa kanya. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. “Shan, gustong gusto kita. Hindi ko kaya na palampasin ang pagkakataong ito para aminin sa’yo ang totoong feelings ko sa’yo. Masyado nang maraming taon ang nasayang ko.” Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko alam ang sasabihin ko. “G-gab…” Umiling siya at sinenyasan akong tumahimik. “Hindi mo ‘ko kailangang bigyan ng sagot ngayon, Shan. Sinasabi ko lang sa’yo ang nararamdaman ko, pero ayokong i-pressure mo ang sarili mo na bigyan ako agad ng sagot. Pag-isipan mo sanang mabuti.” Wala sa sariling tumango ako. Ngumiti siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko. “Salamat. Mauuna na muna ako sa loob, pumasok ka rin agad.” Tumango ako ulit at sinundan ng tingin ang papalayong bulto niya. A-ano raw? Ako? Gusto ni Gab? Alam kong minsan ko na rin ‘yang naisip at ganu’n rin ang sinasabi nila Drei pero iba pa rin pala talaga kapag sa kanya mismo nanggaling. Pero bakit ako? I mean, sobrang ideal guy ni Gab kaya bakit sa akin? Ang dami daming mas ideal girl, kaya bakit ako? “Baka pasukan ng langaw ‘yang bibig mo.” Napakurap kurap ako nang marinig ang pamilyar na boses. “Storm?” “Bakit parang gulat na gulat ka diyan?” lumapit siya sa’kin at sumandal rin sa pader. “Ha?” “Hindi ka ba makapaniwala na gusto ka niya?” seryosong aniya. “Ha?” Napailing siya at bahagyang ngumisi. “Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?” “Ang alin?” “Na ako ang gusto mo.” “Ha?” Tumawa siya at humarap sa akin. “Bakit hindi mo siya dineretso? Iniisip mo ba na may chance siya sa’yo?” “Bakit naman hindi?” medyo inis na saad ko. Ang yabang nito! “Sure ka?” lumapit siya ng kaunti pa sa’kin habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. “O-oo naman.” Lumapit pa siya lalo. “Talaga?” unti-unting sumisilay ang munting ngisi sa labi niya na ikinainis ko. Pinagtitripan niya ba ‘ko? Inis na tinulak ko siya at pinanlakihan ng mata. “O-oo nga sabi! Bakit? Akala mo ba ikaw lang ang pwede kong magustuhan?” Naitikom ko ang bibig ko nang marealize ko ang sinabi ko. Para na rin akong umamin ng derecho na gusto ko siya. Nakakahiya ka, Shan! “Oo.” Nanlaki ang mata ko at inis siyang tiningnan. “Ha! Ang yabang mo.” “Nagsasabi lang ako ng totoo.” Aniya habang nakatitig ng seryoso sa’kin. “Hindi mo magagawang makaahon sa’kin, Shan. Hinding-hindi.” Siguradong-sigurado na saad niya at lumapit siya ulit sa akin habang nakangisi. “Pa’no k-kung magawa ko?” nauutal na tanong ko. “S-si Gab, mas mabait siya sa’yo at mas ideal. Matagal ko na siyang kilala at hindi malabong magkagusto rin ako sa kanya. Kaya paano mo nasasabing hindi ako makakamove on sa’yo?” “Dahil dito…” Nanlaki ang mata ko at parang tumigil ang mundo ko nang idikit niya ang labi niya sa labi ko. N-nananaginip ba ‘ko? T-totoo ba ‘tong nakikita ko? T-talaga bang nakalapat ang labi niya sa’kin sa mga sandalling ito? Sa ilang segundong nakapikit siya ay nanatiling dilat ang mga mata ko at hindi ako huminga ng kahit kaunti hanggang sa ilayo niya ang mukha niya sa’kin. “Ngayon, subukan mo na akong kalimutan… kung kaya mo.” Aniya at walang sabing iniwan akong tulala. Did… d-did he just kissed me?! S-storm…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD