Chapter 41

2355 Words
TULALA akong pumasok sa kwarto ko at wala sa sariling hinawakan ang labi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Para akong nananaginip lang. T-talaga bang hinalikan niya ‘ko? Pinisil ko nang malakas ang pisngi ko at napahiyaw ako sa sakit. Ibig sabihin ay totoo ‘yun? Talagang nangyari ‘yun? Hindi ako nag-iimagine lang? “Shan!” Napaigtad ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang sigaw ni Dad mula sa ibaba. Agad akong lumabas ng kwarto ko dahil kinabahan ako ng kaunti. “Dad?” hinihingal na ani ko nang makababa ng hagdan. “Halika rito.” Nakangiting aniya, may hawak hawak siyang camera. Kumunot ang noo ko sandali pero agad na nanlaki ang mata ko nang makita si Storm na prenteng nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin. “P-po?” “Nakalimutan ko kayong kuhanan ni Storm kanina, kaya dito na lang.” “P-po?” “Nabibingi ka na ba anak?” kunot noong tanong ni Dad. Rinig ko ang mahinang tawa ni Storm kaya pinanlakihan ko siya ng mata. May gana ka pang tumawa, matapos ng ginawa mo sa’kin kanina? Ha! Unbelievable. “Dito kayo dali. Buti na lang at nakaayos ka pa.” hinila niya ako palapit kay Storm at pareho kaming sinandal sa pader na may plain na back ground. Magkadikit kami ni Storm at pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko ngayon dahil sa sobrang lakas ng kabog niyon. Kumalma ka, Shan. “Ayan, dikit pa kaunti.” Nagulat ako ng akbayan ako ni Storm at idikit niya ako sa kanya habang nakatingin sa camera. “Smile.” Aniya, sabay ngiti sa camera. Rinig ko ang pag click ng camera habang nakatunganga ako sa mukha ni Storm. “Okay na ‘to.” Natatawang ani Dad. Hindi ko alam ang nangyayari dahil nakatulala pa rin ako. Ano bang meron ngayon at ganyan si Storm? Nalilito ako dahil sa kanya. Malapit na akong masiraan ng bait talaga. Masayang umalis si Dad at umakyat sa kwarto niya, ganu’n din ang ginawa ni Storm at pasipol sipol pa habang paakyat nang hagdan habang ako ay naiwang nakatulala at nakasunod ang tingin sa kanila. Ano bang nangyayari sa’kin? Una, hinalikan niya ‘ko. Pangalawa, inakbayan niya ‘ko at ngumiti siya ng todo. Storm Aldrid Enderson, ano bang trip mo sa buhay? Akala ko ba ayaw mo sa’kin? Akala ko ba hindi mo ‘ko magugustuhan? Eh, ano ‘tong pinag gagawa mo sa’kin? Kung kailan desidido na akong kalimutan ka, naging ganyan ka bigla! Inis na ginulo ko ang buhok ko at padabog na umakyat ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Litong lito na ako kung ano ba ang tama kong gawin ngayon. Gusto niya ba ‘ko? Pero ang sabi niya lang nu’ng isang araw ay hinding hindi niya ako magugustuhan ‘di ba? Pero paano kung biglang nagbago ang isip niya at gusto na niya pala ako? Mag mu-move on na baa ko o aasa pa? Humiga ako sa kama ko at magdamag iyong inisip. Ni hindi ko namalayan ang oras at nagulat na lang ako na may liwanag na. Lakas mong makaaning ng utak, Storm. Bumaba ako ng hagdan nang walang ligo at walang ayos. Magulo pa ang buhok ko, maputla ang labi ko at malaki rin ang eye bags ko dahil magdamag akong nakatulala lang sa ceiling. “Shan? Bakit ganyan ang itsura mo?” nag-aalalang tanong ni Dad nang makita ako. Nasa hapag na silang dalawa ni Storm at halatang mga bagong ligo, samantalang ako ay mukhang sabog. “P-po?” “May sakit ka ba anak?” Tamad akong umupo sa upuan habang natutulala pa. “Wala po.” Dahil sa itsura ko ay nagdalawang isip si Dad kung aalis ba siya ngayon o babantayan lang ako rito pero nakumbinsi ko siyang ayos lang ako. Tahimik at dahan dahan ang kain ko dahil hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung ano ba ang tama kong gawin. Paano si Gab? Kung itutuloy ko ang pag-asa kay Storm ay dapat ngayon pa lang sabihin ko na sa kanya ang totoo. “Sabog ka ba?” Pero paano kung pinagtitripan lang pala ako ni Storm? Edi, nasayang ko ‘yung chance na magustuhan ko rin si Gab? Masasayang din ‘yung chance ko para maka move on sa kanya. “Shan?” Kung dedmahin ko na lang kaya ‘yung kay Storm at bigyan ko ng chance si Gab? Kaya lang ay parang unfair naman kay Gab kung idi-date ko siya habang iba pa ang gusto ko. “Shan!” “Ay tipaklong na pagong.” Halos maibato ko ang hawak kong kutsara nang hampasin ni Storm ng mahina ang mesa, “Ano bang problema mo?” “Ikaw. Anong problema mo? Sabog ka ba?” taas kilay na tanong niya. Kumunot ang noo ko at wala sa sariling nilibot ang paningin sa hapag. Teka, nasaan na si Dad? “Si Dad?” Bumuntong hininga siya at tamad akong tiningnan. “Umalis na, nagpaalam ka sa kanya pero hindi mo alam?” “H-ha?” “Ewan ko sa’yo.” Inis na binitiwan niya ang kutsara’t tinidor niya at walang sabing iniwan akong nakanga-nga. Anong nangyari du’n? Tingnan mo, nagsusungit na naman siya. Baliw talaga! DAHAN-DAHAN akong sumilip sa study room habang nakatago sa likod ng poste. Nanlalamig ang kamay ko at kinakabahan ako dahil wala akong kasamang papasok roon. Tama bang ituloy ko pa ‘to? Ngayon agad ang simula ng schedule para sa study room at wala ako sa sarili nang bumyahe ako rito. “Bakit ka nandiyan?” “Ay, cheesecake!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita si Gab sa tabi ko. Hinampas ko siya sa balikat at tinawanan niya lang ako. “Gutom ka ba?” natatawang tanong niya na inirapan ko lang. Habang nakatingin ako sa kanya ay naalala ko ang sinabi niya sa’kin kahapon. Isa pa ‘tong kung makatawa ay parang walang sinabi kahapon. Pareho lang sila ni Storm. “Nahihiya kasi ako pumasok.” Pag-amin ko. “Bakit naman? Dapat nga maging proud ka. Tara na!” hinawakan ni Gab ang braso ko at inakay ako palapit sa room. Hinayaan ko lang siya dahil kailangan ko rin ng kasama ngayon.  Huminga ako ng malalim at muling sumulyap sa room. Kaya mo ‘yan, Shan. Mag-aaral ka para sa entrance exam! May lalaking nakatayo sa harapan at mukhang siya ang instructor na nagbabantay sa mga student. Pagkahinto namin sa pintuan ay agad na dumako ang mata ko kay Storm, na ngayon ay matalim ang tingin sa’kin. Inaano ko na naman ba siya? Itong lalaking 'to, parang ang laki lagi ng problema sa buhay.  “Du’n tayo sa pwesto ko, walang nakaupo sa tabi ko saktong sakto.” Nakangiting ani Gab na nakahawak pa rin sa braso ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at hinayaan lang siyang igiya ako sa sinasabi niyang pwesto niya. Nasa amin ang atensyon ng lahat ng estudyanteng nandito kaya napayuko ko at medyo hinigpitan ang pagkakahawak kay Gab. Umupo kami sa may hindi kalayuan kay Storm na nasa pangatlong row. Kita ko ang pag-irap sa akin ng ibang babae pero hindi ko na pinansin. Nilibot ko ang paningin ko at napangiwi ako ng halos puro section one ang nandito at mabibilang lang sa daliri ang iilang mukha na hindi pamilyar. Wrong move ka ata, Shan. “Oh heto, ‘yan ang unahin mo.” Nakangiting inilapag ni Gab ang isang textbook sa desk ko. “Sige, thank you.” Nginitian ko rin siya pabalik. Sobrang tahimik ng buong paligid at ang lahat ay seryosong nagbabasa ng libro nila. “Storm, pwede bang pakisagutan ito?” Agad na luminaw ang pandinig ko at kumunot ang noo ko nang may lumapit na babae kay Storm. Hindi siya sumagot pero kinuha niya ang libro na hawak ng babae at walang sabing sinagutan iyon habang ang babae ay nakatitig lang sa kanya. Aba’t ang harot nito. “Thank you, Storm.” Nahihiya kunwaring ani ng babae at bigla na lang naglabas ng juice galing sa kung saan at inabot iyon kay Storm, “Ito oh, para sa’yo.” “Hindi ako umiinom niyan.” Tumawa ako ng malakas nang marinig ang sinabi ni Storm. “Ah kawawa.” Hinampas hampas ko pa ang desk ko habang tumatawa. Nagtinginan sa’kin ang mga estudyante at kinalabit ako ni Gab kaya agad kong narealize kung nasaan ako. “S-sorry po.” Hinging paumanhin ko sa mga taong masama na ang tingin sa’kin. Maging ang instructor ay masama ang tingin sa’kin kaya napapahiyang yumuko ako. Dismayadong umalis ‘yung babae at bumalik sa pwesto niya. Inirapan niya pa ako ng dumaan siya sa desk ko at nginisihan ko naman siya. Ha! Kala niya ba ay papatalo ako sa kanya? Asa. Sa buong oras na busy ang lahat ay pinapanood ko lang si Storm na seryosong nagbabasa. Nakapangalumbaba ako sa mesa ko at nakatulala lang sa kanya. Hayy, sobrang gwapo niya talaga. “Miss, anong ginagawa mo?” Napabalikwas ako ng upo nang makita ang instructor sa tabi ko na masama ang tingin sa’kin. “P-po?” “Hindi ba’t ikaw ‘yung taga last section?” Nahihiyang tumango ako. “O-opo.” “Imbis na mag-aral ay nakatunganga ka diyan.” “S-sorry po.” Agad kong itinaas ang libro ko para takpan ang mukha ko dahil kita ko ang paglingon sa akin ni Storm at ng iilang mga estudyante. “Shan, baliktad.” Bulong ni Gab sa akin. “Ha?” Naiiling na binaliktad niya ang libro ko kaya lalo akong namula dahil sa hiya. Hanggang dito ba naman, Shan?! Rinig ko ang mahinang tawa ni Gab kaya napayuko ako lalo. Nakakahiya. INUUNAT ko ang likod ko habang nakapikit nang marinig ko ang tikhim ni Gab sa tabi ko. Kakaalis lang ng instructor kaya malaya na akong nakakapag unat. Kanina ko pa binabasa ‘yung libro ko pero wala naman akong naintindihan, kahit nu’ng pinapaliwanag na ‘yun sa harapan. Iba ata talaga kapag si Storm ang nagpapaliwanag, instant na nagi-gets ko. “Uuwi ka na ba agad?” tanong ni Gab nang lingunin ko siya. Iniikot ko pa ang leeg ko dahil parang magkaka stiff neck ata ako. “Ha? Ah, oo. Wala naman nang gagawin ‘di ba?” Napakamot siya ng ulo habang nakatingin sa’kin. “Pwede ba kitang ayaing kumain?” Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya. “Ha?” “Aayain sana kitang kumain muna sa labas kako.” “Ha?” wala sa sariling napadako ang tingin ko kay Storm na kasalukuyang may kausap na babae at agad na binalik ang tingin kay Gab, “O-oo sige.” Bumuntong hininga ako dahil mukhang wala na talaga akong pag-asa kay Storm at pinagtripan niya lang ako kahapon. Sabay kaming lumabas ni Gab ng study room at ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa amin ni Storm nang madaanan namin siya. Hindi ko alam kung paano ko napanatili ang maging kalmado lang nu’ng lampasan ko siya, kahit ang totoo ay nagwawala ang puso ko dahil may kausap siyang iba. Bakit pa nga ba ako nasasaktan? Obvious naman na dito sa study room niya hahanapin ang babaeng para sa kanya dahil ganu’n ang mga tipo niya. ‘Yung matalino at may ibubuga. “Ayos ka lang ba?” bigla ay tanong ni Gab nang makasakay kami ng kotse niya. “Ha? O-oo naman.” Pilit ang ngiting ani ko. Nakatulala lang ako sa bintana habang nagmamaneho si Gab. Mabuti na lang at hindi niya ako kinakausap kaya nakakapag isip ako. Sinabi na kasing ‘wag nang umasa, aasa asa pa, ayan tuloy plakda na naman. Loka loka ka kasi, Shan. Konting paramdam lang sa’yo, umaasa ka na agad. Hindi ba pwedeng pinagtitripan ka lang kasi alam niyang gustong-gusto mo siya? Parang biglang nag-init ang sulok ng mata ko dahil sa naisip. Pambihirang ‘yan, iiyakan ko na naman ba siya? Nilingon ko si Gab at nakita ang seryoso niyang mukha. “Gab…” “Hm?” “Bakit mo ako gusto?” wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa kanya. Napa-preno siya ng wala sa oras dahil sa tanong ko. “Woah. Nangbibigla ka naman diyan.” Nanatiling seryoso ang mukha kong nakatingin pa rin sa kanya. “Hindi naman ako ‘yung tipo na ideal girl ng mga lalaki, kaya bakit ako?” “Sinong nagsabi sa’yo na hindi?” naging seryoso rin ang boses niya, “Si Storm ba?” Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. “Hindi ko masasagot ‘yang tanong mo dahil wala naman akong specific na reason kung bakit at paano kita nagustuhan. Pero isa lang ang masasabi ko… Shan, ikaw ang pinaka nakakahangang babaeng nakilala ko mula noon hanggang ngayon. Lahat ng ginagawa mo at sa buong pagkatao mo ay namamangha ako sa'yo.” mahina siyang tumawa at tumitig sa mga mata ko, "Hinahangaan ko ang lahat lahat sa'yo, Shan. Mababaliw na ata ako."  Natulala ako dahil sa sinabi niya. Masaya ako na ganu'n ang tingin niya sa'kin pero parang hindi ko matanggap ng buo ang sinabi niya.  Totoo ba ‘yun? Oh, Shan, narinig mo ba ‘yun? Nakakahanga ka raw. May nakakakita ng halaga mo. May taong naaappreciate ang bawat galaw mo.  “Thank you, Gab.” Pilit ang ngiting ani ko. Wala akong ibang masabi sa kanya kundi iyon lang.  Ewan ko ba, kahit sinabi na mismo ni Gab ‘yun ay pakiramdam ko pa rin na hindi ‘yun totoo. Ang nakatatak lang sa utak ko ngayon ay ang sinabi ni Storm. 'Yung tingin ni Storm sa akin ang mas nangingibabaw sa utak ko ngayon.  Si Storm na naman. Palagi na lang bang siya? Talaga bang ang opinion lang ni Storm ang mahalaga at ang totoo para sa’kin?  Paano naman ‘yung mga taong nagmamahal sa’kin? Paano ang mga taong kagaya ni Gab na nakakakita ng halaga ko? Tama bang umasa pa ‘ko kay Storm? O dapat ko na siyang tigilan talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD