Chapter 39

2017 Words
PILIT kong pinasisigla ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. Graduation day namin ngayon at tapos na akong ayusan ng baklang pinadala ni Dad para mag-ayos sa akin. Simpleng sleeveless light blue dress ang suot ko na hindi umaabot sa tuhod ko ang haba at isang puting stiletto ang kapares. Nakakulot ang dulo ng mahaba kong buhok na may isang magandang clip sa gilid at hinayaan lang iyon na nakalugay. Simple lang din ang make up ko dahil sinabi kong ayoko ng masyadong makapal na make up. Saglit lang naman ang ceremony kaya ayoko nang mag-abala pa ng todo. “Ang ganda mo, Shan. Simple pero agaw pansin ang beauty mo.” puri sa akin ng baklang nag-ayo “Thank you po.” Walang ganang sagot ko. Nakaka guilty na hindi ako 100% na masaya ngayong graduation ko dahil lang kay Storm. Hindi naman ako nag-aral para sa kanya pero parang walang saysay ang graduation ko para sa’kin dahil sa mga sinabi niya sa akin kahapon. Kahit grumaduate ako, parang ang baba ng tingin ko sa sarili ko. “Wow, ang ganda naman ng unica hija ko.” Masayang ani Dad ng pumasok siya sa kwarto ko. Niyakap niya ako at pagkatapos ay tinitigang mabuti, “Proud na proud ako sa’yo, anak.” Naluluhang aniya. “Ayan ka na naman, Dad. Pati tuloy ako ay naiiyak, papangit ako niyan sige ka.” Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mata ko dahil sa nakikita ko sa mga mata ni Daddy. Bakit ba naman kasi puro si Storm ang nasa isip ko at nakakalimutan ko ang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. “Tara na, ready na si Storm.” Parang ayoko na tuloy bumaba dahil sa sinabi ni Dad. Siya rin kasi ang aakyat sa stage para kay Storm kaya basically ay kasama pa rin namin siya ngayon. Pagkarating ko sa kotse ay naroon na nga siya at prenteng nakaupo habang nag i-scroll sa cellphone niya. “Napaka gwapo mo ngayon, hijo.” Puri ni Dad sa kanya ng makaupo na ito sa tabi ko. “Thank you po.” Sinulyapan niya lang ako sandali at pagkatapos ay tinuon na ulit ang tingin sa cellphone niya. ‘Di man lang ako binati. Tss. Hindi ko na sila pinansin at deretso lang ang tingin ko sa bintana. Ang totoo ay sobrang gwapo niya sa suot niyang suit. Lalo siyang gumwapo dahil nakaayos ng mabuti ang buhok niya at litaw na litaw ang tangos ng ilong niya at ang ganda ng mata niya. Ayan na naman ako sa paghanga sa mata niya. Mababaliw ata talaga ako kapag araw-araw ko siyang makikita. “Shan!” Sa hallway pa lang ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Bri. Natawa ako ng makita siyang tumatakbo habang nakasuot ng heels at naka dress. Ang babaeng ‘to, napaka carefree. “Ang ganda ganda mo pero kung makatakbo ka diyan para kang lalaki.” Natatawang komento ko na tinawanan rin ni Dad na nasa tabi ko. Si Storm ay dumeretso na sa kaklase niya kaya hindi na siya naabutan ni Bri. Inirapan niya lang ako at tumingin kay Dad. “Hi, tito.” “Hi, Bri. Ang ganda mo ngayon.” “Hindi lang po ngayon, kundi araw-araw.” Kumindat pa siya na akala mo’y isang artistang nakikipag-usap sa fan. “Nasaan si Drei?” takang tanong ko nang hindi siya makita. “Speaking of, ayan na siya.” Napalingon ako at nakita ang papalapit na si Drei na walang ka-ngiti ngiti sa mukha.   “Ganda natin diyan, Andrea ah.” Hindi ko alam kung compliment ba ‘yun o asar dahil sa tono ng boses ni Bri, “Lalo pa ‘pag ngumiti ka na.” “Tigilan mo ‘ko, Brianna.” Pabirong umirap si Drei na tinawanan lang naming dalawa. Matapos naming magbatian ay dumeretso na kami sa gym. Halos mapuno ang malawak na gymnasium ng Safami dahil sa dami ng bisita. Maraming estudyante ang dala-dala ang buong pamilya nila, hindi kagaya ko na si Dad lang ang kasama. Si Dad din ang aakyat sa stage para kay Storm kaya ngayon pa lang ay hinahanda ko na ang sarili ko sa paparating na bagong tsismis patungkol sa aming dalawa. Ka-issue issue naman kasi talaga na iisa lang ang kasama namin. “Nasa’n ang bagyo?” bulong ni Bri. “Ha?” “Si Storm kako nasa’n?” “Ah, nandun na sa pwesto niya.” Tamad na sagot ko, “Saka bakit ba sa’kin mo siya hinahanap? Hello, nagmu-move on here.” Inis na ani ko. Tumawa silang dalawa ni Drei kaya umirap na lang ako sa kawalan. Ang dalawang ‘to, numero uno sa pangbi-bwisit talaga. “Eh, malamang. Ikaw kaya ang maybahay, este kasama sa bahay.” Kumindat pa siya na lalong kinainis ko. “Ewan ko sa’yo, Brianna. Bwisit ka.” Hinampas siya ni Drei sa balikat pero pati naman siya ay tumatawa. Napapailing na tinuon ko ang atensyon ko sa harapan dahil magsisimula na ang program. Nilingon ko rin si Dad na ngayon ay nasa bench at prenteng nakaupo. Nang magsimulang tawagin ang first section ay nagsimula ring namawis ang palad ko. Paniguradong maraming awards si Storm ngayon at ilang beses na aakyat sila ni Dad sa stage kaya kinakabahan ako. “Storm Aldrid Enderson.” Ayan na nga ang sinasabi ko. Nagpalakpakan ang mga babae nang magsimulang lumakad si Storm. Huminto siya sa tapat ng hagdan para hintayin si Dad at sabay silang umakyat ng stage na ikinagulat rin ng marami. Kilala ng karamihan si Dad dahil ilang beses na rin siyang pumunta rito sa university at madalas siyang mag donate ng kung ano ano tuwing may event. Bukod pa ro’n ay simula elementary pa ako narito sa Safami kaya pamilyar na sila sa itsura niya. “Oh. My. Ghad.” Rinig kong saad ng estudyante na malapit sa’kin, “Daddy ni Shan ‘yun ‘di ba?” Napapikit ako nang magsimulang magbulungan ang iilang estudyante. Meron pang nangangalabit sa’kin para magtanong pero nginingiwian ko lang. Hay, ano ba ‘yan. ‘Di na matapos tapos ang issue ko rito. Nang matapos ang sa section nila Storm ay medyo nakahinga na ako ng maluwag kahit na hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Pinanlakihan pa ako ng mata nila Bri dahil kahit sila ay nagulat. Alam naman nilang sa amin nakatira si Storm, nagulat pa sila. “Shan Ysabelle Borromeo.” Nanginginig ang tuhod ko nang maglakad ako palapit sa stage. Gaya ng ginawa ni Storm ay inantay ko si Dad sa may hagdan at sabay kaming umakyat. “Hindi ko alam na famous pala kayo ni Storm dito.” Natatawang ani Dad habang naglalakad kami. Napapangiwing nilingon ko siya at nakita ang munting ngiti sa labi niya at ang kakaibang kislap ng mata niya. Kung alam mo lang Dad kung bakit kami sikat ngayon ay baka hindi ka makangiti ng ganyan kaganda. Bagsak ang balikat ko nang bumalik ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung anong tsismis na ang narinig ni Dad pero mukhang puro okay naman ang narinig niya dahil nakangiti pa siya. Habang nagpapatuloy ang ibang kaklase namin ay lumapit sa pwesto ko sila Bri at kinurot ako sa tagiliran. “Bruha ka, pati ba naman kami ay ginugulat mo.” Hinampas ko siya sa balikat dahil masakit ang pagkakakurot niya. “Alam niyo naman ‘yun.” Sasagot pa sana sila nang paupuin na ang lahat sa kanya-kanyang upuan. Awardings na at mukhang hahakot nga ng awards si Storm ngayon. Kahit papaano ay masaya ako dahil mararanasan ni Dad ang umakyat ng ilang ulit sa stage dahil sa kanya. At hindi nga ako nagkamali nang ilang ulit na tawagin ang pangalan ni Storm. Halos silang dalawa ni Gab ang pabalik balik sa stage at naiiyak ako tuwing makikita ko ang mukha ni Dad na masayang sinasabit kay Storm ang medal niya. Pinunasan ko ang takas na luhang bumagsak sa mata ko. Masaya ako para kay Storm, pero hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil hindi ko man lang 'yan maiparanas kay Dad.  Hindi ko naman alam na sa ganito ako maiiyak at hindi noong tinanggap ko ang diploma ko. “Ngayon ay tinatawagan natin ang dalawang magbibigay sa atin ng maiksing speech. Oo, dalawa, dahil sa unexpected na estudyanteng nakagawa ng makasaysayang pangyayari sa loob lang ng dalawang buwan. Alam kong kilalang kilala niyo sila… walang iba kundi ang ating Valedictorian na si Storm Aldrid Enderson at ang mula sa last section na si Shan Ysabelle Borromeo na nagawang makapasok sa top 50 sa loob lang ng dalawang buwan. Palakpakan natin sila.” A-ano daw? Parang nabingi ata ako.  Tinutulak ako ng mahina ng mga katabi ko pero hindi pa rin nag si-sink in sa akin ang nangyayari. Ako? Mag i-speech? Lalo pang nanlaki ang mata ko nang lumapit sa akin si Storm at ialok niya ang kamay niya sa’kin. T-teka, anong nangyayari? B-bakit may pa-ganito? “Isarado mo ‘yang bibig mo, papasukan na ng langaw.” Seryosong aniya. Napakurap kurap ako at wala sa sariling tinikom ang bibig ko. “H-ha?” “Nangangawit na ‘ko, pakibilis.” Tumango ako at walang sabing inabot ang kamay niya. Rinig ko ang ingay ng mga estudyante pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon. Habang naglalakad kami ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong na-mental blocked at walang pumapasok sa isip ko ngayon kundi ang magkahawak lang naming kamay ni Storm. My ghad. Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? “Wag kang gagawa ng kung anong kalokohan, please lang.” Bulong niya bago binitiwan ang kamay ko dahil nasa stage na kami. Siya ang naunang nagsalita at wala akong naintindihan sa sinabi niya dahil nakatulala lang ako sa kanya. Alam kong mukha na akong tanga ngayon pero hindi ko talaga maiwasang hindi mapahanga na naman sa kanya. “Ikaw na.” mariing bulong niya. “H-ha?” “Ikaw na kako.” Ilang segundo pa akong tumulala sa kanya bago ko nakuha ang sinasabi niya. Tumatawa na ang ilang estudyante kaya nahihiyang inabot ko ang mic. T-teka, anong sasabihin ko? “A-ahm… hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam na magsasalita ako rito. Kaya naman… kung ano ang sinabi ni Storm, ay ‘yun na rin ang sa’kin. Thank you.” Malakas na tawanan ang maririnig sa buong gymnasium at gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Anong klaseng speech ‘yun, Shan? Nababaliw ka na talaga. “Nakakahiya ka.” Bulong ni Storm nang magkadikit kami. Napangiwi ako at nag peace sign lang sa kanya hanggang sa maglakad kami pababa ng stage. Hindi na ako inaalalayan ni Storm at nauuna siya sa’kin kaya nakatitig lang ako sa malapad niyang likuran. Nag wo-work out ba siya? Parang ngayon ko lang napansin ang magandang likod ni--- “Ahhhhhh!” Napatili ako nang matapilok ako at nahulog sa hagdan, at dahil nasa unahan ko lang si Storm ay pati siya nadamay sa pagbagsak ko pero mas malakas ang sa akin.  Rinig ang ingay sa buong paligid pero ang inintindi ko ay ang masakit kong paa. “Ang sabi ko ay ‘wag kang gagawa ng kalokohan, pambihira ka talaga.” Mariing ani Storm nang makatayo siya at alalayan niya ako. Nasa dulong bahagi kami ng hagdan at alam kong nasa amin ang buong atensyon ng lahat kaya napayuko na lang ako sa hiya. “Kaya mo bang tumayo?” tanong niya na agad kong tinanguhan. Pero hindi ko pa man naitatayo ng tuluyan ang binti ko ay natumba na naman ako, mabuti na lang at nasalo agad ako ni Storm. Inis na napapailing siya at marahas na bumuntong hininga bago umupo sa harap ko nang nakatalikod. “Sakay na.” Napangiwi ako at walang ano-anong sumampa sa likuran niya at itinago ang mukha sa likuran niya dahil sa matinding kahihiyan. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at alam kong nakatingin sa amin ang lahat. Nakakaloka ka, Shan. Baliw ka na talaga! “Kahit kailan ka talaga.” “S-sorry…”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD