Chapter 38

1683 Words
Shan Ysabelle’s POV PABALIK-BALIK ang lakad ko sa kwarto ko habang kagat kagat ang kuko ko sa daliri. Kanina pa ako nakaayos at ready nang pumasok sa school pero hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang mga tao ro’n, lalong lalo na si Storm. Nu’ng nag-open ako ng social media accounts ko ay napangiwi ako ng todo ng makita ang pictures at video na naka-post sa page ng university namin kaya hindi ako mapakali ngayon at hindi ko alam kung paano haharap sa kanila. “Shan?” “Ay butiki!” halos mapalundag ako sa gulat nang pumasok si Dad sa kwarto ko. “Gulat na gulat?” natatawang aniya. “Uso kasi kumatok, Dad.” Ginulo niya lang ang buhok ko habang tumatawa ng mahina. “Tara na.” “Po?” “Ako ang maghahatid sa’yo ngayon.” Nanlaki ang mata ko at nalunok ang sariling laway. “T-talaga po?” pilit kong pinasigla ang boses ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako na baka bumaba siya ng kotse mamaya at baka malaman niya ang issue ngayon sa school at malaman niya kung gaano kasikat ngayon ang anak niya bilang babaeng binasted.  “Oo, matagal tagal na rin nang huli kitang hinatid.” “Ah, hehe. Sige po.” Nakangiwi ako at hindi mapakali ang mata ko habang nakasakay sa kotse. Bababa pa kaya si Dad? Usually ay hindi naman, pero may pagkakataon na hinahatid niya pa ako sa mismong room ko. Please, ‘wag naman ngayon. “Grabe, gragraduate ka na. Parang kailan lang.” nakangiting aniya. Gusto ko rin sana siyang sabayan sa pagsasaya pero hindi ko magawa. “Oo nga po.” Awkward ang ngiti ko at hindi ko alam kung napapansin niya ba ‘yun o hindi. Pagkarating namin sa university ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko at halos malaglag ang panga ko nang makita si Dad na tinatanggal din ang sa kanya. “Bababa ka po?” “Oo, manonood ako saglit.” Excited na aniya na ikinalaki ng mata ko. “N-naku, Dad. Medyo magulo pa ngayon, s-sa ibang araw na lang.” ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Ha? Paanong sa ibang araw, eh last practice na ninyo ito ‘di ba?” “Ha?” napaawang ang bibig ko nang marealize ‘yun, “I mean, Dad mas okay kung sa mismong araw ng graduation na lang para a-ano exciting ‘di ba?” “Ano bang sinasabi mo diyan? Tara na nga at baka ma-late ka.” “H-ha?” Wala akong nagawa dahil nauna pa siya sa’king makababa ng kotse at malapad ang ngiti. Para akong maiihi sa kaba at pinagpapawisan na ako ng malamig kahit maaga pa naman. “D-dad, sure ka ba?” “Ano bang nangyayari sa’yo, Shan?” Kunot-noong tanong niya. “Wala naman, Dad. Baka lang kasi ma-late po kayo sa trabaho.” “Free ang araw ko ngayon kaya ‘wag ka nang mag-alala. Minsan lang ang ganito kaya gusto kong sulitin.” Huminga ako ng malalim at wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok ng university. At gaya nga ng inaasahan ko ay automatic na nagtinginan sa akin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko kaya bahagya kong tinatago ko ang mukha ko sa kanila. “Bakit parang nakatingin sila sa’yo?” takang tanong ni Dad nang makarating kami sa hallway at obvious na obvious ang pagtingin sa akin ng mga estudyante. “N-naku, ganyan talaga ‘yan Dad. Nandito ka kasi kaya ganu’n.” “Ah, ganu’n ba?” Ngumiti at tumango lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa gym kung saan ginaganap ang rehearsal namin. Halos kalahati na ng estudyante ang naroon at karamihan ay nasa akin ang atensyon. Ang iba ay nagbubulungan pa. “Shan, nandi---” natigil sa pagbati si Bri ng makita si Dad sa tabi ko. “Hi, tito.” Awkward siyang ngumiti at kumaway. “Hi, Bri and Drei.” “H-hello po.” Bati ni Drei at pagkatapos ay sabay silang tumingin sa akin na may nagtatanong na mga mata. Nagkibit balikat lang ako at ngumiwi. “O siya sige na, dito na lang muna ako at pumunta na kayo ro’n sa pila niyo.” “Sige po.” Nagpaalam kami kay Dad at pagkatapos ay nagmamadaling bumaba ng bench. “Ano ‘yan Shan? Bakit sinama mo pa si tito rito, alam mo namang usap-usapan ka pa ngayon.” “Hindi ko rin alam okay? Kahit ako ay ayokong malaman niya ang issue namin ni Storm.” Nanghihinang saad ko. Lumingon ako at tiningnan si Dad na prenteng nakaupo sa bench. Kumaway pa siya sa’kin nang magtama ang paningin namin kaya awkward akong ngumiti pabalik sa kanya. Sana naman wala siyang marinig na kahit ano patungkol sa amin. Please naman. Kahit nang magsimula ang rehearsal ay hindi nawala ang atensyon ko kay Dad. Maya’t maya ang tingin ko sa gawi niya para i-check kung may kalapit siyang estudyante at halos pagpawisan ako ng todo tuwing makikita kong may umuupo malapit sa kanya. Madadaldal ang mga estudyante rito at hilig nila ang pag-usapan ang ibang tao kaya ganu’n na lang ang kaba ko kapag may malapit sa kanyang estudyante. Ayokong magbago ang relasyon nila ni Storm, at lalong ayokong masira ‘yun. Maaring sa akin ay hindi siya mabait pero alam kong kay Dad ay mabuti siya. Hindi naman siya gugustuhin ni Dad kung hindi siya kagusto-gusto para sa kanya. “Shan? Anong balak mo nga pala sa study room?” biglang tanong ni Bri habang naghihintay kami sa pag-akyat. Oo nga pala. Itutuloy ko ba ‘yun? “Hindi ko pa alam, pero parang wala na rin akong ganang ituloy.” Malamyang saad ko. Nakapasok ako ro’n dahil kay Storm at hindi naman dahil sa sarili kong sikap lang. “Sayang din ‘yun, Shan. Ituloy mo na.” ani Drei. Nagkibit balikat ako at hindi na muling nakasagot nang umakyat ako sa stage. “Nakuhanan kita ng maraming picture.” Masayang ani Dad nang lumapit ako sa kanya. “Practice lang ‘to Dad.” “Ano naman? Bawal na rin bang i-docu ang rehearsal?” Nakangiting napailing na lang ako sa kakulitan niya. Ganito rin siya noong grumaduate ako ng elementary kaya hinayaan ko na lang. “Nandito po pala kayo.” Para akong naistatwa sa kinauupuan ko nang lumapit si Storm sa amin. “Storm! Nakuhanan rin kita ng litrato.” Nakangiting ani Dad na akala mo’y malaking bagay ang ginawa niya. Natawa siya ng mahina. “Nag-abala pa po kayo.” “Siyempre naman, importante ang ganitong event ano.” Nanatiling deretso ang tingin ko habang nag-uusap sila at hindi nililingon ang pwesto ni Storm. ‘Wag kang lilingon, Shan. Kung ayaw mong hindi na sikatan ng araw. “Sumabay ka na sa amin mag-lunch.” Jusko naman. Bakit ngayon pa talaga? “Naku, hindi na po.” Inakbayan ni Dad si Storm kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. “Mas masaya ‘pag sama-sama.” Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga likod nila. “Hoy, babae. Bakit kasama ‘yun?” nginuso ni Bri si Storm na kaakbay ngayon ni Dad. Piagtitinginan sila ng halos lahat ng estudyante pero parang wala silang pakialam pareho. “Hindi ko na alam, Bri. Masisiraan ata ako ng bait ngayong araw.” Napasabunot ako sa sarili ko at kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang sumunod pa rin sa kanila. NAKAYUKO ako at nakatitig sa kutsara’t tinidor na nasa mesa namin. Nandito kami ngayon sa mamahaling restaurant malapit sa university at umalis si Dad para mag cr kaya naiwan kaming dalawa ni Storm na nakatunganga ngayon sa mesa namin. Kung minamalas ka nga naman, kaharap ko pa talaga. Kung kailan talaga ayaw mong makita at makasama ang isang tao, saka kayo pinagtatagpo ng landas. Napaka-awkward nang paligid para sa’kin pero para sa kanya ay parang wala lang. Prente siyang nakaupo at nakalagay pa sa dibdib ang dalawang braso niya at parang hari na nakaupo. “Galit ka ba sa’kin?” Halos mapalundag ako sa gulat ng bigla siyang nagsalita. My ghad, hindi ko inaasahan ‘to! Dad, nasa’n ka na ba! “H-ha?” “Mukha ngang galit ka.” Umayos siya ng upo at kahit nakayuko ako ng bahagya ay kitang kita ko ang pagtitig niya sa’kin, “Totoo ang lahat ng sinabi ko kahapon.” Ouch. Kailangan ulitin? Nakakailan na ang bwisit na ‘to ah. “Oo na.” “Sinabi ko ‘yun para hindi ka na umasa.” “Okay.” Hinawakan ko ang tinidor sa mesa at inikot ikot ‘yun. “Marami pang iba diyan.” “Oo.” “Yung Gab, gusto ka niya. Bagay naman kayo.” “Sige.” “Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” Inis na napatayo ako at tinitigan siya sa mata. “Oo, gets na gets ko na kaya hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa.” “Shan? Nag-aaway ba kayo?” Napalingon ako kay Dad nang marinig ko ang boses niya. “H-hindi po.” “Sure kayo?” kay Storm naman siya ngayon nakatingin kaya mariin akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko. “Opo, may pinag-uusapan lang kami.” Kunot ang noo na tumango si Dad at naupo sa tabi ko kaya wala akong nagawa kundi umupo na rin kahit pa kating-kati na akong umalis sa harap ni Storm. Sobra na siya. Hindi niya man lang naisip ang nararamdaman ko, talagang inuulit-ulit niya sa akin na hindi niya ako gusto. Durog na durog na ang puso ko, pinong-pino pa. Silang dalawa lang ni Dad ang nag-uusap habang ako ay walang ganang kumakain. Kung hindi lang dahil kay Dad ay hindi na ako sasama pa rito. Ayoko lang talagang makita niya na hindi kami okay dalawa ni Storm. Ang nakakainis pa ay mukhang ako lang talaga ang apektado sa aming dalawa ng lalaking ‘to at kung makangiti siya kay Dad ay parang wala siyang nasaktang tao. Oo na, magmu-move on na ako sa’yo! Walang puso!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD