Chapter 47

1878 Words
“Shan, hindi ka pa ba uuwi?” tanong sa akin ni Sir Marcus nang madatnan niya pa ako sa restaurant ng alas tres ng madaling araw. Ikatlong lingo ko na rito at malapit na akong sumweldo kaya mas lalo kong sinisipagan. Halos hindi na nga ako nakakatulog ng maayos dahil alas singko na ako nakakauwi at pagkatapos ay aalis ako ng alas nwebe ng umaga para pumasok ulit. Ganu'n ang naging cycle ng buhay ko sa loob ng dalawang lingo at kahit nakakapagod ay nae-enjoy ko naman kahit papano.  “Pauwi na rin, Sir.” Nakangiting sagot ko. “Napapadalas ang pag o-over time mo, Shan. Mukhang matindi ang pangangailangan mo.” natatawang biro niya.  Tumango ako. “Ah, opo. Kasi magsisimula na ulit ang klase ko sa susunod na buwan kaya sinusulit ko na po.” “Ganu’n ba, edi aalis ka na rin pala rito.” “Opo eh.” Naiilang na sagot ko. Kahapon kasi ay nagpaalam na sa kanya ang tatlong waiter na student rin kagaya ko at part timer lang dahil mag-aasikaso na para sa nalalapit na pasukan sa susunod na buwan. Balita ko ay hindi pa nakakapili ng university ang mga ‘yun kaya maaga silang nag resign, hindi kagaya ko na okay na ang lahat at mismong araw ng pasukan na lang ang iniintay. “Sayang at napakasipag mo pa naman.” puri niya na ikinangiwi ko ng palihim. Hindi ako sanay nang pinupuri kaya feeling ko namula ang pisngi ko.  “Salamat po, Sir.” nahihiyang saad ko.  “O siya sige, maiwan na kita.” “Ingat po.” kumaway ako at bahagyang nag bow sa kanya.  Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng resto. Tatlong araw na lang ang itatagal ko rito, at sa loob ng dalawang lingo na naigugol ko ay halos hindi na kami nagkikita ni Storm. Pinili ko rin na umuwi ng alas kwatro o alas singko ng umaga para hindi na siya makita at aalis habang wala pa siya sa dining, maliban na lang kung talagang masasakto na maabutan ko siya pagbaba ko, pero madalas talaga ay hindi na kami nagpapang-abot. Wala rin akong alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa dalawang lingo na ‘yun at malaking tulong na pagod ako sa trabaho kaya hindi ko na rin siya masyadong naiisip. “Pati pala ikaw Shan ay part timer lang?” malungkot na tanong ni Mia habang nag-aayos sa counter. Permanent employee silang dalawa ni Fred kaya nalulungkot sila tuwing may part timers na nagpapaalam din agad.  “Oo eh, kaka-graduate ko lang ng high school at magsisimula na ang pasukan.” “Sayang naman, akala ko pa naman permanent ka na rito.” Komento niya pa. Nagkibit balikat lang ako at inihanda na ang sarili sa pag-uwi. Sa dalawang lingo na sunod-sunod na full ang schedule ko ay parang nasanay na ng husto ang katawan ko at hindi na ako gaanong kapagod tuwing uuwi, sakto lang para makapag half bath pa bago makatulog at wala nang oras para mag muni-muni, which is okay sa akin.  Actually, malaking tulong talaga para sa’kin ang hindi namin pagkikita ni Storm madalas. Nandoon ‘yung nalulungkot ako kapag naiisip ko siya habang break time sa trabaho pero atleast hindi na ako umiiyak dahil hindi ko naman alam kung ano ang ginagawa niya palagi. Ayos rin pala na hindi ako updated sa kanya, nababawasan ang sakit at hindi ako nag o-overthink.  Pagkapasok ko ng bahay ay walang katao-tao sa sala, gaya ng inaasahan. Alas kwatro na ng umaga kaya tulog na ang lahat. Tahimik akong pumasok ng kwarto ko at nag half bath muna bago pabagsak na humiga sa kama ko. “Si-sweldo na ako, maibibili ko na ‘yung regalo ko sa’yo.” Bulong ko sa sarili habang nakatitig sa ceiling at ini-imagine ang mukha ni Storm.  Hindi super laki ang sasahurin ko pero sakto para makabili ng magandang regalo kay Storm, hindi nga lang 'yung tuxedo na nakita ko sa Mall pero may mabibili naman akong maganda rin. Paniguradong sulit ang puyat at pagod ko kapag naibigay ko na 'yun sa kanya.  “Miss na miss na kita…” ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mata ko. Alam kong ako naman ang may gusto nito, pero ngayon kasi ay nakita ko ang halaga ng nakikita ko siya kahit isang beses lang sa isang araw kaysa sa hindi. Hindi nga masakit ng husto, hindi naman ako masaya ng buo. Oo nga’t kaya ko nang wala siya, pero hindi ako naging masaya. Parang ang dry dry ng paligid ko at parang walang patutunguhan ang araw ko. Papasok sa trabaho, uuwi at matutulog tapos papasok ulit. Paulit-ulit lang at walang excitement akong nararamdaman.  Bago ako nagtrabaho ay tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang gusto ko talaga sa buhay. Wala akong specific na pangarap bukod sa maging masaya lang, kahit saang propesyon ako ilagay ng tadhana ay ayos lang basta masaya ako at proud sa akin si Daddy. ' Pero ngayon ay alam ko na ang sagot, na ang gusto ko talaga ay ang manatili lang sa tabi niya. Ang habulin siya sa kung saan siya magpunta at ang makita siya araw-araw dahil doon ako sasaya. Napatunayan ko ‘yan sa loob ng dalawang lingo na hindi siya nakikita at nakakasama man lang. Kung gusto niyang maging doctor ay ako ang magiging nurse niya, at kung gusto naman niyang maging piloto ay ako ang stewardess niya. Literal na sa kanya iikot ang mundo ko at wala na akong pakialam kung nakakatawa 'yun para sa ibang tao.  Wala na rin akong pakialam kung may mahal siyang iba at kahit na ikasal siya kay Ashana pagdating ng panahon, hangga’t may chance pa ako na makasama at makita siya ay susulitin ko. Hindi ko na ipagkakait sa sarili ko ang pandaliang maging masaya, kahit pa ang kapalit nu’n ay matinding sakit sa katagalan. Nakakatawa at parang isang malaking kahibangan, pero siya lang talaga ang kailangan ko para mabuo ang araw ko. Narealize ko kung gaano ko siya kagusto at kahit pa alam kong kailangan ko rin siyang isuko sa huli, kakapit pa rin ako hangga’t hindi pa dumadating ang araw na ‘yun. Magustuhan niya man ako o hindi, basta kasama ko siya ay ayos na ‘ko. Wala naman talagang permanente sa mundo, at ituturing ko na lang na isa siya sa mga ‘yun. NAGULAT ako ng magising ako at mukha ni Dad ang bumungad sa akin. Mataman niya akong tinitingnan at seryoso ang mukha niya. Hindi siya nakabihis ng pormal at tanging pajama’s pa rin ang suot. Hindi ba siya papasok? “Shan, may problema ka ba anak?” deretsong tanong niya.  Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga dahil sa gulat sa biglaang tanong niya. “Po?” “Pansin ko kasi na palagi kang wala rito sa bahay. Halos hindi na tayo nagkikita, tuwing uuwi ka ay tulog na ako at tuwing babangon ka ay nakaalis na ‘ko ng bahay. May problema ka ba? Gusto mong pag-usapan?” malungkot na aniya. Napailing ako at ngumiti ng tipid sa kanya. “Wala po, Dad. May inaasikaso lang po ako dahil malapit na ang pasukan at hindi ko na ‘yun magagawa pa.” “Talaga? Pwede ko bang malaman kung ano ‘yun?” Agad akong napailing at ngumuso sa kanya. “Ayoko po, nakakahiya.” “Bakit ka naman mahihiya sa’kin? Daddy mo ‘ko!” may pagtatampo sa boses niya. “Ayun na nga po, Daddy kita kaya nakakahiya.” Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko. “Pakiramdam ko tuloy ay nagkukulang na naman ako sa’yo. Noong isang lingo ko pa napapansin na lagi kang wala pero ngayon lang kita kinausap dahil wala rin akong time at hindi tayo nagpapang-abot.” Lumapit ako sa kanya at yumakap sa braso niya. “Ayan ka na naman, Dad. Ikaw ang pinaka dabest na Daddy sa buong mundo ano. Saka, totoo po ang sinabi ko na may pinagkakaabalahan lang ako at sinusulit ko ang bakasyon ko. ‘Wag niyo po akong intindihin, Dad.” “Okay fine, pero kapag may problema ka ay nandito lang ako ha? Kung kailangan mo ‘ko ay alam mong hindi ako magdadalawang isip na i-spend ang isang buong araw ko sa’yo, hindi ba?” “Oo naman, Dad. Alam na alam ko po ‘yun, kaya wala kayong dapat ipag-alala.” Umalis ako sa pagkakayakap sa braso niya at sinimangutan siya, “Anong oras na po at hindi ka pa nakabihis?” Naging malikot ang mata niya kaya mahina akong natawa. “Dad, kahit umabsent po kayo today ay hindi rin tayo makakapag bonding pa dahil may lakad po ako. Pero ‘wag po kayong mag-alala dahil nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Saka ko na po sasabihin sa inyo kung ano ‘yun.” “Sige na nga, naniniwala na ‘ko.” Dahan dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko habang nakatingin pa rin sa’kin, “Promise ba na happy ka?” Itinaas ko ang kamay ko at ngumiti. “Promise.” Wala rin siyang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto ko para makapag-ayos. Unti-unti namang naglaho ang kaninang masaya kong ngiti nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Napag-alala ko na naman si Dad, kahit talaga anong gawin ko ay hindi ko maiwasan ang bagay na ‘yun. Bumuntong hininga ako at nagsimula nang mag-ayos dahil alas syete na ng umaga. Kaunti lang ang tulog ko pero ayos lang, dalawang araw na lang naman at makakapagpahinga na ako ng totoo kaya masigla akong nag-ayos ng sarili bago bumaba. Iisipin ko na lang na worth it lahat kapag nakuha ko na ang sweldo ko.  At kagaya ng inaasahan ay wala na si Storm. Gusto kong tanungin si Dad o kaya si Manang pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka mapawalan na naman ako ng ganang magtrabaho kapag nalaman kong maaga pa lang ay nasa We Care na siya para ro'n kay Ashana. Hindi na rin ako nag-abalang mag breakfast dahil nakaalis na rin si Dad at wala na akong kasabay kumain. Nagpabalot na lang ako kay Manang ng sandwhich para kainin sa byahe. “Ano bang pinag gagawa mong bata ka at inuumaga ka ng uwi? Alam mo bang palaging nag-aalala sa’yo ang Daddy mo at si Storm tuwing gabi? Hindi ka pa matawagan palagi. Jusko kang bata ka, nininerbyos ang mga tao rito gabi-gabi dahil sa’yo.” Ani Manang habang naglalagay ng palaman sa tinapay. A-ano raw? Si Storm? Nag-aalala? Malabo ata ‘yun. Mas malinaw pa sa akin ang equation sa Math kaysa sa pagkatao nu'n.  “Nag-usap na po kami ni Daddy, ‘wag na po kayong mag-alala dahil safe at happy po ako.” Saad ko at kinuha ang sandwhich na binalot niya. “Thank you dito, Manang. ‘Wag niyo na po akong hintayin ha. Minsan po ay bukas pa rin ang gate at hindi naka-lock, may susi naman ako kaya magpahinga na po kayo.” Paalala ko bago nagsimulang maglakad palabas ng kusina habang kinakagat ang sandwhich na hawak.  “Hindi naman ako ang naghihintay sa’yo, kundi si Storm.” Naiiling na ani Manang, ngunit hindi na ito narinig ni Shan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD