Chapter 48

1977 Words
“ANO?!” Malakas na sigaw nila Bri at Drei nang sabihin ko sa kanila ang pag pa-part time job ko. Pareho silang kagagaling lang sa bakasyon kaya naman ngayon lang kami nakapag usap ulit dahil wala rin akong time na mag open ng phone ko kapag nasa trabaho, at pag-uwi naman ay bagsak na ang katawan ko kaya hindi ko na nachi-check. “Nahihibang ka na ba talaga, Shan?” ani Drei, “Talagang umabot sa ganito ‘yang pagpapantasya mo sa storm na ‘yun?” “Bakit? Wala namang masama sa ginagawa ko. Saka isa pa, dalawang araw na lang ako rito at aalis na rin ako kaya ‘wag na kayong magalit diyan.” Saad ko at ininom ang hawak kong juice. Lunch time namin at sinabihan ko silang dumalaw na lang dito sa resto since hindi naman ako makakaalis. Ayoko sanang ipaalam pa sa kanila dahil patapos na rin naman ang isang buwang pagtatrabaho ko rito pero makulit sila at gustong makipagkita kaya wala na akong nagawa kundi ang aminin. “Kahit na, Shan. Alam nating lahat na hindi ka naman sanay sa ganyan at isa pa, gaano ka kasigurado na tatanggapin at maaappreciate niya ‘yang paghihirap mo aber?” “Hindi ko naman ipapaalam sa kanya.” “Ano?!” muli ay sigaw nilang dalawa. “Hibang ka na nga talaga!” naiiling na ani Drei at pagkatapos ay sumimsim sa kape nito. “Bakit ko pa sasabihin? Edi nagmukha akong nanunumbat.” “Para naman kahit papa’no ay lumambot ang matigas niyang puso. Pupusta ako, hindi niya maaappreciate ang kung ano mang ibibigay mo. Nagsayang ka lang ng oras at pagod.” “Oo nga, ako rin.” Taas kamay na ani Bri. “Grabe naman kayo, hindi naman siguro ganu’n ang mangyayari.” “Pambihira, minsan talaga ay kini-kwestyon ko na ang sarili ko kung bakit kaibigan ko kayong dalawa. Mag hibang na kayo.” Naiiling na ani Drei, “Noong nakaraan itong si Bri pina-imbistiga si Storm, tapos ikaw naman ngayon nagpapakaalila para lang regaluhan siya? My gosh, anong trip niyo sa mga buhay niyo?” hindi makapaniwalang dagdag niya. “Hoy, ‘yung akin naman hindi naman sobrang seryoso ‘yun. Hindi kagaya nitong si Shan na isang buwan na pa lang nagpapaalipin dito.” Mataray na depensa ni Bri. “Haynako, feeling ko talaga hindi niya tatanggapin ‘yang regalo mo at nagsasayang ka lang ng oras at pagod mo.” “Oo nga, Shan, kaya tumigil ka na bago pa kita masapok. Aba, hindi ko naimagine na gagaya ka ro’n sa mga fan girls ni Storm sa university. Hindi ko matanggap.” Madramang ani Bri. Napabuntong hininga ako at tumulala sa kawalan. Ayoko mang aminin pero sa totoo lang ay may punto sila. Sa university ay wala pa akong nabalitaan na may tinanggap si Storm sa mga regalong binibigay sa kanya. Malay ko ba kung meron doon na pinaghirapan rin ang pagbili nu’n? Anong pinagkaiba nitong sa akin? “Alam mo, Shan. Hindi ko akalain na ganyang klase ka pala ma-in love.” Maya maya ay seryosong ani Bri. Minsan lang siya mag comment ng seryoso kaya kinakabahan ako sa sasabihin niya. “At sa totoo lang, natatakot ako para sa’yo. Sigurado kasi ako na iiyak ka lang sa huli. Wala pa ngang kayo, pero marami rami na ang iniluha mo sa kanya. Sana lang talaga may patunguhan ‘yang paghahabol mo sa kanya, kasi sa nakikita ko ngayon… walang chance. Kaya kung ako sa’yo, subukan mo nang kumawala sa kung ano man ‘yang nararamdaman mo sa kanya kasi habang tumatagal mas lalo kang mahihirapang mag let go. Nakakatawa lang dahil hindi naman siya sa’yo, pero sinasabihan na kitang bitawan siya.” Peke siyang tumawa at umiling habang pinaglalaruan ang baso ng juice gamit ang daliri niya. Pareho kaming natahimik ni Drei dahil sa sinabi ni Bri. Alam ko naman, tanggap ko naman na walang patutunguhan ang paghahabol ko kay Storm, pero mas masakit pala kapag deretsahang galing na ‘yun sa kaibigan mo. Ganu’n ba talaga kami ka-walang pag asa? Talaga bang walang chance na magustuhan niya rin ako? Hindi ba talaga ako kagusto-gusto? Oo, mahina ang utak ko. Pero kahit ganu’n ay marami ang nagkakagusto sa akin sa university. Kaya bakit hindi niya ako magustuhan? Sa dinami-rami ng pwedeng hindi maging interesado sa’kin, bakit nasali pa siya? Dapat ko na ba talagang i-let go ang feelings ko para sa kanya? Dahil sa naging pag-uusap namin ay malungkot akong nagtrabaho. Pakiramdam ko tuloy isa lang akong robot na ginagawa ang trabaho niya at walang pakiramdam. Hindi ko akalain na magiging ganito kasakit kapag galing kay Bri. Para akong sinupalpal ng realidad na matagal ko nang alam, pero parang mas doble ang sakit. “Ayos ka lang?” bulong ni Mia nang makalapit ako sa counter. Tumango ako at ngumiti. “Uy, Shan. Smile naman diyan. Aba, ilang araw ka na lang rito mukha ka pang biyernes santo.” Biro ni Fred. Tumawa ako ng mahina. “Nakangiti naman ako, pagod lang ako.” “Wow, sa ilang lingo na sunod sunod kang OT, ngayon ko lang narinig ‘yan sa’yo.” Namamanghang ani Mia na ikinangiti ko lang. Mas nakakapagod talaga kapag feelings ang involve kaysa sa physical. Nang magsidatingan ang costumer ay hindi na ulit kami nakapag usap-usap. Nu’ng mabusy ako ay kahit papa’no nawala sa isip ko ‘yung sinabi ni Bri kaya nakatulong rin. ‘Yun nga lang ay hanggang sa magdilim ay hindi na naibalik ang gana ko sa pagtatrabaho. “Una na ‘ko sa inyo,” paalam ko kanila Mia nang sumapit ang 3AM. Talagang kinareer ko na ang pag o-overtime hanggang sa ganitong oras. Tapos ngayon ay sinupalpal sa’kin na malaki ang chance na nagsasayang lang ako ng oras at  pagod. “Sige, Shan. Ingat ka!” sigaw ni Mia mula sa counter. Tumango lang ako at nagpaalam rin sa mga nakakasalubong na kapwa waiter hanggang sa tuluyang makalabas ng resto. Habang naghihintay ng jeep ay hinilot ko ang masakit na batok habang nakapikit, at pagkatapos ay inikot iyon ng dahan dahan. Inaantok na ako at tingin ko ay hindi na ako makakapag half bath pa, ewan ko ba kung bakit iba ang pagod na nararamdaman ko ngayong araw. Maling desisyon pala ang padalawin sila Bri at Drei kanina sa resto, nawalan lang ako ng sigla dahil sa kanila. Marahas akong napabuntong hininga at agad na sumakay ng jeep nang may huminto sa harapan ko. Inabot ko muna ang bayad ko bago ako sumandal at pumikit. Parang noon lang ay hindi ako sanay na mag commute, ngayon ay parang wala na lang sa akin. Mabuti rin ang nadulot sa’kin ng pag papart time job dahil nararanasan ko ‘yung mga bagay na hindi ko naman nae-experience noon, bukod sa kikitain kong pera ay nagkaroon rin ako ng bagong mga kaibigan. “Para ho!” sigaw ko nang makarating sa subdivision namin at agad na bumaba. Kung maliwanag lang ay pwedeng lakarin ang hanggang sa bahay pero dahil delikado na ang oras ay nag ta-tricycle pa ako. “Salamat manong.” Saad ko pagkababa ko ng tric. Kinuha ko ang susi sa wallet ko at tamad na pumasok ng bahay. As usual, madilim at tanging ang ilaw lang sa kusina ang bukas. Inayos ko ang pagkaka-lock sa pinto bago humarap. “Hindi ko alam na ganitong oras ka na pala umuuwi.” “Ay tipaklong!” halos maibato ko kay Storm ang hawak kong paper bag na may lamang uniform ko dahil sa gulat. Bigla ba naman siyang sumulpot sa harapan ko habang walang kaemo-emosyon ang pagmumukha, at kung hindi ko pa nakontrol ang sarili ko ay baka nasapok ko pa siya sa ulo. “Ano bang trip mo at nangbibigla ka diyan?” inis na sigaw ko sa kanya habang hawak pa rin ang dibdib ko. Feeling ko ay nahulog ang puso ko dahil sa sobrang pagkabigla, para akong sumakay ng rides ng wala sa oras. “Eh, ikaw anong trip mo at inuumaga ka lagi?” walang emosyong tanong niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa’kin kaya umayos ako ng tayo at nakipaglaban ng tinginan sa kanya. “Ano bang paki mo? Tabi nga diyan.” Mahina ko siyang hinawi para makadaan at agad na nilampasan. Magulo pa ang utak ko ngayon dahil sa sinabi sa akin ni Bri kanina at gusto ko na lang humiga sa kama. Anong ginagawa niya at gising pa siya? Nag aadik ba siya? Alam kaya niyang alas kwatro na? Ramdam ko ang pagsunod niya sa’kin paakyat ng hagdan kaya binilisan ko ang kilos ko. ‘Yung antok ko kanina ay parang bulang bigla na lang nawala dahil sa mokong na ‘to. Aba, hindi pa ako nakaka recover sa pagkabigla kanina lang. Kung may sakit ako sa puso ay baka nag-aagaw buhay na ‘ko ngayon. “Kumain ka na ba?” Napahinto ako sa paghakbang sa huling baitang ng hagdan ng marinig ang tanong niya. Kalma, Shan. Nagtanong siya pero hindi ibig sabihin nu’n na nag-aalala siya sa’yo. ‘Wag kang marupok, please lang. “Oo.” Mahinang sagot ko ng hindi man lang lumilingon sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan… hindi ngayon. “May… naghatid ba sa’yo pauwi?” mahinang tanong niya, pero sakto lang para marinig ko. Napaawang ang bibig ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya dahil paniguradong mukha akong tuod ngayon. “H-ha? Ah, oo.” Iyong tricycle driver. Nang lumipas ang ilang segundo na walang nagsalita sa amin ay muli na akong humakbang papunta sa kwarto ko at walang lingong pumasok ng hindi siya tinitingnan. Pagkasara ko ng pintuan ay nanghihinang napasandal ako ro’n at marahas na bumuga ng hangin. Ayoko nang paasahin ng todo ang sarili ko, ayos na ‘yung alam kong gusto ko siya at hindi na ako hihingi ng kapalit do’n. Naalala ko ‘yung sinabi ni Bri kanina, obvious na obvious para sa lahat na wala kaming chance dalawa. Na malabo pa sa malabo ang pagkakataon na magkagusto rin siya sa’kin kaya hangga’t maari ay dapat iwasan kong mag assume sa mga kilos niyang minsan ay nakaka overwhelm para kahit papa’no naman ay mabawasan ang sakit, kahit konti lang. Isipin mong kaya lang siya mabait sa’yo minsan ay dahil sa Daddy mo at dahil nakikitira siya sa inyo. Tama, ganu’n nga. Saka isa pa ay minsan lang naman siya mabait sa’kin kaya okay na rin na ganu’n ang isipin ko. Pabagsak akong humiga ng kama at nagtaklob ng kumot. Ang totoo niyan ay may kaunting humaplos sa puso ko nang tanungin niya ako kung kumain na ba ‘ko at kung may naghatid sa’kin, feeling ko kasi nag-aalala siya sa’kin kahit na alam ko namang feeling ko lang ‘yun. Pinilig ko ang ulo ko at napahilamos sa mukha ko dahil sa matinding frustration. Nakakabaliw pala ang one sided love, tapos ‘yung taong nagustuhan ko pa hindi ko maintindihan ang buong pagkatao. Minsan pakiramdam ko may pakialam siya sa’kin, madalas naman ay wala. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya kaya mas mabuti pang ‘wag na lang umasa. Oo, Shan, ‘Wag ka nang umasa kasi umpisa pa lang ay wala ka naman talagang pag-asa. Tama, 'yun ang isipin mo.  Dahil nawala na rin naman ang antok ko ay tumayo ulit ako para mag half bath. Buong akala ko ay makakatulog ako agad ngayon dahil sa pagod, pero mukhang magdamag kong iisipin ang kilos na ipinakita sa akin ni Storm kani-kanila lang. Kainis, bakit ba pabago bago ang ugali niya? Talo niya pa ang mga babae sa pagiging moody. Kung magsusungit siya ay dapat magsungit na lang siya habang buhay nang magising ako sa katotohanan at maka move on naman ako sa kanya. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD