Chapter 35

1430 Words
Third Person’s POV MAAGA pa lang ay bumaba na si Storm para mag-almusal. Tahimik ang paligid at tanging ang tunog lang ng paglipat ng pahina ng dyaryo ang maririnig. Sa dining area ay makikita si Mr. Franco Borromeo na nagkakape habang nagbabasa ng newspaper. “Good morning po.” Ani Storm bago umupo sa bakanteng silya para mag almusal. “Good morning, hijo.” Ibinaba ng matanda ang hawak na news paper at ngumiti ng tipid sa binata, “Kamust ang tulog mo?” “Maayos naman po.” Tumango tango ang matanda at humiwa ng karne na nasa pinggan nito. “Maayos ba kayo ni Shan?” walang alinlangang tanong nito sa kanya. Napatigil sa pagsandok ng kanin si Storm at tumingin sa mata ng matanda, alam niyang mag-uusisa ito patungkol sa relasyon niya sa anak. “Hindi.” “Ah, ganu’n ba?” tumikhim ito at umupo ng maayos, “Ako ang kumuha ng picture niyo at ako rin ang nag-ipit nu’n sa libro ni Shan.” Sandali siyang nagulat at hindi nakapagsalita. “Kaya sana, ‘wag ka na magalit kay Shan. Wala siyang kasalanan doon.” Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang naudlot na pagsandok ng kanin, walang balak na sagutin ang matanda. Napabuntong hininga si Mr. Borromeo dahil sa pananahimik ng binata at hindi na niya ito muli pang kinulit dahil halata namang wala na itong balak na pakipag usap sa kanya patungkol sa anak. NAKAPAMULSANG naglakad si Storm papasok ng university at halos bawat estudyanteng makakasalubong niya ay napapalingon sa kanya. Sanay na siya sa atensyon ng tao pero wala siyang pakialam at hindi siya apektado roon. Hindi sa pagmamalaki pero bata pa lang siya ay pansinin na siya kaya hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. “Pwede ba tayong mag-usap?” Napalingon siya sa lalaking tumabi sa kanya. “Tungkol saan?” walang emosyong tanong niya. “Patungkol kay Shan.” Tumigil siya sa paglalakad at ngumisi sa lalaking ang tingin sa kanya ay kakompetensya sa lahat ng bagay. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya pero mabilis siyang makakilatis ng ugali ng tao. “Hindi ako interesado sa kanya, kung ‘yan ang itatanong mo.” Deretsong saad niya, nakikipaglaban ng titigan rito. Ngumisi ito at matalim ang tingin sa kanya. “Alam ko, pero kailangan mo ba siyang ipahiya sa harap ng maraming tao ng ganu’n?” “Pagpapahiya pala ang tawag ro’n?” sarkastiko siyang ngumiti, “Akala ko kasi ay pagsasabi lang ng totoo.” Kita niya ang pagkuyom ng kamao ng lalaking kaharap at hindi na siya nagulat nang kwelyuhan siya nito, dahilan upang makaagaw sila ng atensyon ng mga estudyanteng naroon. “Aba’y wala ka pala talagang modo!” “Bakit? Kailangan ba kitang galangin?” hindi natitinag na tanong niya. Sanay na siya sa ganitong eksena at hindi rin uso sa kanya ang umatras sa ganitong klase ng sitwasyon. Inis na binitiwan siya ng lalaki dahil parami na ng parami ang estudyanteng nagkukumpulan para maki usisyoso sa kanila. “Alam mo, kung totoong gusto ka ni Shan, salamat dahil hindi mo siya gusto at sana ay ‘wag mo na siyang gustuhin. Dahil hindi siya nababagay sa basurang katulad mo.” Madiing saad nito at tinalikuran na siya. “Bagay kayo.” Aniya na nagpahinto sa lalaki at muling humarap sa kanya, “Pareho kayong tanga.” “Aba’t!”   Shan Ysabelle’s POV “Shan! Tara bilis!” Kumunot ang noo ko nang hindi pa ako nakakaapak papasok ng gate ay hinila na ako nila Bri at Drei. “Teka, teka lang!” hinila ko ang kamay ko, “Anong meron?” “Ah basta, mamaya ka na magtanong. Halika na, bilis.” Hinawakan niya ako ulit at walang sabing tumakbo habang hila hila ako. Kumunot lalo ang noo ko nang mapunta kami sa malapit sa field at maraming estudyante ang nagkukumpulan. “Oh my ghad!” “Hindi niyo ba aawatin?” “Ikaw kaya?” Anong meron? Dahil sa curiosity ay nagpahatak na rin ako kay Bri habang sumisingit siya sa mga estudyante para makarating kami sa unahan. Ewan ko ba, hindi naman ako tsismosa pero kinakabahan ako sa isang ‘to. At hindi nga ako nagkamali. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko si Storm at si Gab na puro pasa ang mukha at nagtititigan ng masama. “Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, masyado kang mayabang.” Gigil na ani Gab. Anong nangyayari? Bakit sila nag-aaway? Dapat ay inaawat ko na sila pero hindi ko alam kung bakit nanatili akong nakatayo lang. “Bakit? Nasaktan ka ba? Akala ko ba gusto mo siya? Dapat matuwa ka.” Nakangising ani Storm. “Kung meron mang tanga rito ay ikaw ‘yun. Hindi ka marunong tumingin ng halaga ng tao, wala kang kwenta.” A-anong pinag-uusapan nila? “Makikita mo lang ang halaga ng isang tao kapag may pakialam ka na sa kanya.” Ngumisi siya ulit at pinagpag ang polo niyang nadumihan ng kaunti, “Obvious naman pero sasabihin ko pa rin sa’yo… wala akong pakialam sa kanya at kahit kailan ay hindi ko magugustuhan ang katulad niya.” Ouch. Ako ba ‘yung pinag-uusapan nila? Bakit parang tagos sa akin ‘yung sinabi niya? Hindi naman ako ‘yun ‘di ba? Please, Storm… tama na. Masakit pa, ‘wag mo naman dagdagan muna. Please… “Aba’t bwisit ka talaga. Hindi deserve ni Shan ang kagaya mo!” Nagsihiyawan ang mga tao ng muling suntukin ni Gab si Storm na hindi pumalag at ngumisi lang, halatang nang-aasar. “Wala kang kaagaw sa kanya, iyong-iyo na.” ani Storm nang makatayo ulit. “Talaga! ‘Wag na ‘wag mong babawiin ‘yang sinabi mo dahil hinding hindi ko siya ibibigay sa’yo kahit umiyak ka pa ng dugo.” Pinunasan ni Storm ang dugo sa gilid ng labi niya bago matapang na tumingin kay Gab. “Makakaasa kang hindi mangyayari ‘yan.” Aniya at tinalikuran na si Gab, pero hindi pa siya tuluyang nakakahakbang ay lumingon siya ulit rito. At sana… sana, hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong marinig ‘yun… Dapat hindi na lang ako nagpunta rito, edi sana… sana hindi ko narinig ‘yung salitang magpapatigil ng kahibangan ko sa kanya… “At para sabihin ko rin sa’yo, hindi ko deserve ang babaeng kagaya niya. Hindi siya para sa akin at hindi siya ‘yung tipo ng babae na magugustuhan ng isang kagaya ko. Masyado siyang immature at walang alam. Ni simpleng equation na kahit ang elementary student ay kayang sagutan ay hindi niya alam. Mahina ang utak niya at hindi agad nakakaintindi.” Tumawa siya at umiling iling, “Tingin mo ba bagay siya sa’kin? Nahihibang ka kung iisipin mong papatulan ko siya. Kaya makakahinga ka ng maluwag dahil imbis na ilapit sa’kin ay itutulak ko pa siya palapit sa’yo. Ang babaeng kagaya niya… ang pinaka pinandidirihan ko.” Mariing aniya na rinig ng lahat. Malakas ang singhap ng iilang estudyante pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko. Napalunok ako at parang nahulog ang puso ko sa sobrang sakit ng sinabi niya. Para akong sumakay sa isang roller coaster ride, nakakapanghina. Nagtama ang paningin namin nang humarap siya sa gawi ko at hirap na hirap akong pigilan ang luha ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa’kin. Ni hindi siya nagulat na makita ako. Ni hindi siya natinag na narinig ko ‘yung sinabi niya. Ni hindi nagtagal ang tingin niya sa’kin at basta na lang akong nilampasan. Para akong isang bagay lang sa paningin niya. Bagay na walang halaga. Napahawak ako sa dibdib ko. Para ‘yong pinipiga at parang tinutusok ng ilang karayom. Ang sakit. Ang sakit sakit. Nakatulala lang ako habang nag-uunahan sa pagpatak ang luha ko. Talo ka na naman, Shan. “S-shan…” Nanlaki ang mata ni Gab nang makita ako at nang tangkain niya akong lapitan ay agad akong tumakbo palayo. Palayo sa sakit. Palayo sa kanya. Wala na akong pakialam kung tumutulo ang luha ko at pinagtitinginan ako ng mga tao. Gusto ko lang makalayo. Masyadong masakit. Hindi ko kaya. “Shan!” Rinig ko ang tawag sa akin nila Bri pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Malayo sa kanila. Malayo sa kanya. Oo, Storm. Alam na alam ko na, hindi mo na kailangang ipangalandakan ng paulit-ulit kung gaano ako ka-walang halaga sa’yo. Oo na. Sige na, ako na ang hindi mo magugustuhan. Alam ko na, kaya please lang tama na… kasi ang sakit sakit na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD