Chapter 34

1457 Words
NAKATITIG lang sa akin sila Bri at Drei habang nakatulala ako sa kawalan. Patapos na ang klase namin at halos hindi ko man lang nakita ang mukha ni Storm sa buong araw. Kahit kaninang lunch at nu’ng nag vacant ay hindi ko siya nakasalubong man lang. Nakakatawa dahil nasa iisang bahay at eskwelahan kami pero hindi man lang nagtatagpo ang landas naming dalawa.  “Uy, Shan. Ayos ka lang ba?” malungkot na tanong ni Bri. Binatukan siya ni Drei at sinamaan ng tingin. “Bulag ka ba? Malamang hindi, ikaw kaya sabihan ng ‘hindi papatulan’ ng crush mo?” Pinitik ni Bri ang noo ni Drei at pinanlakihan rin ito ng mata. “Talagang inulit mo pa? Adik ka rin eh.” Pumangalumbaba ako at hindi sila pinansin kahit na ang ingay ingay nilang dalawa. Kanina pagpasok ko ay ako agad ang laman ng chismisan ng mga estudyante. Bukod pa ro’n sa pictures namin ni Gab ay meron ring issue kay Storm. Kapag minamalas ka nga naman, sabay-sabay pa. “Grabe, swerte ni Shan, may issues sa dalawang matalinong student ng Safami. Trending na trending ka sa buong university ngayon.” Rinig kong ani Dave, na lalong ikinalukot ng mukha ko. “Ah, talaga? Kung ihulog kaya kita sa secondfloor para magka-issue ka rin, gusto mo?” angil ni Bri sa kanya. “Woa, chill. Joke lang naman, kayo naman ‘di mabiro.” “Ayos-ayusin mo ang biro mo at baka ‘di ako makapagtimpi.” Sa normal na sitwasyon ay tatawanan ko silang dalawa, pero ngayon… wala talaga ako sa mood. Galit sa akin si Storm at pakiramdam ko ay ang laking kabawasan sa energy ko ang ganu’n. Hindi naman kami close at madalas siyang cold sa’kin, pero iba pa rin pala talaga kapag alam mong galit sa’yo ‘yung tao. Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko bago wala sa sariling tumingin sa bintana. “S-storm…” Halos manlaki ang mata ko at umawang ang bibig ko nang makita ko si Storm na prenteng nakasandal sa pader habang nakatitig sa’kin. Parang sasabog ang puso ko… “Huy, Shan? Ayos ka lang?” iwinagayway ni Bri ang kamay niya sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya. “S-si…” inalis ko ang kamay niya at nagpalinga linga ng wala na sa kinatatayuan niya kanina si Storm, “Ha? Nasa’n na siya?” Tiningnan rin ni Bri ang tinitingnan ko at kunot noong binaling niya ang tingin niya sa’kin. “May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” Hindi ko siya sinagot at tumakbo ako palabas ng room. Nasa’n na siya? Guni-guni ko lang ba ‘yun? Sobrang gusto ko ba siya to the point nan agha-hallucinate na ‘ko? Pero parang totoo. “Sino ba kasi ‘yun?” “P-parang nakita ko kasi si Storm.” “Ha! Asa ka naman, guni-guni mo lang ‘yun. Masyadong galit sa’yo ang lalaking ‘yun para puntahan ka niya rito.” Ani Drei. Bagsak ang balikat na inikot ko ulit ang tingin ko sa paligid bago ako pumasok sa room. “Shan, hayaan mo na siya. Ang mahalaga naman ay hindi talaga ikaw ang may gawa nu’n, atleast kami alam namin ang totoo, hmm?” “Oo nga, ang importante ay ang opinion namin sa’yo. Hayaan mo na ang Storm na ‘yun.” Tumango ako at yumuko sa desk ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa sobrang down ko ngayon. Hindi ko akalain na malaki pala talaga ang epekto niya sa’kin. Parang hindi kompleto ang araw ko. “Si Gab!” Tamad akong bumango mula sa pagkakasubsob sa desk ko nang kalabitin ako ni Bri. “Ayan ang totoong nasa labas, hindi kung sino sino ang iniimagine mo.” Hinila niya ako patayo, “Ayan na lang ang pagtuunan mo ng pansin, mas worth it.” Bulong niya at tinulak ako palabas ng room. “Hi.” Tipid akong ngumiti sa kanya at bahagyang kumaway. Bakit ganu’n? May issue rin naman kami ni Gab pero parang wala lang sa’kin. “H-hi.” Tumikhim siya at kumamot ng ulo, “Tatanong ko lang sana kung pwede kitang ihatid mamaya? I mean, b-baka pwede tayo kumain sa labas.” Bakit hindi na lang ikaw? Bakit sa dinami rami ng mabubuting lalaki sa university na ‘to, bakit sa kanya pa? “Shan? Umiiyak ka ba?” “H-ha?” napakurap ako at agad na may tumulong butil ng luha sa mata ko nang hindi ko namamalayan, “Ay, p-pasensya ka na. Ang hangin kasi, n-napuwing tuloy ako.” Peke akong tumawa habang pinupunasan ang mata ko. “May problema ka ba? Tungkol ba ‘to kay… storm?” Mabilis akong umiling at ngumiti. “Hindi, wala lang ‘to. Anon ga ulit ‘yung sinasabi mo? Pasensya ka na, medyo hindi kita narinig mabuti.” Ngumiti siya ng kaunti at alam kong awkward na ngiti ‘yun. “A-ah, wala naman. Gusto lang sana kitang ayain na lumabas after class pero kung gusto mong umuwi agad ay ayos lang naman. Next time na lang siguro.” “Gab, pasensya ka na.” “Naku, ano ka ba ayos lang. Marami pa namang ibang araw, mas okay na magpahinga ka.” Ngumiti ako sa kanya at lihim na dinasal na sana… sana sa kanya na lang ako nagkagusto. Hindi ako manhid. Oo nu’ng una, ayokong maniwala kanila Bri na baka ako ang gusto niya pero ngayon ay kumbinsido na ako at nasasaktan ako para sa kanya, kasi alam ko kung ano ang pakiramdam ng hindi ka gusto ng taong gusto mo. Patawad, Gab. Kung pwede lang… ikaw na lang sana. UMILING ILING ako kay Dad nang tanungin niya ako kung gusto ko bang lumabas. Sabado ngayon at wala akong balak na lumabas ng kwarto ko. “Tara na anak, mamasyal tayo.” Umupo siya sa kama ko at pilit hinihila pababa ang comforter ko. Nagtaklob ako ng comforter at tinalikuran siya. “Ayoko muna, Dad. Please…” “Ano ka ba naman, Shan. Paano ka o-okay niya kung magmumukmok ka lang dito magdamag?” “Dad, sa ibang araw na lang po. Wala talaga ako sa mood.” “Alam mo, Shan. Normal lang ang heartbreak sa edad mo na ‘yan, mawawala rin ‘yan agad kapag nag focus ka sa ibang bagay.” Kinulit niya oa ako ng kinulit kaya wala akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kanya. Nagi-guilty rin kasi ako na minsan na lang mag-aya si Dad, tinatanggihan ko pa. “Wala po akong gusto.” Tamad na sagot ko nang pumasok kami sa isang store sa Mall. “Matagal tagal ka nang hindi nag sha-shopping ng damit. Mamili ka na, sige na.” At dahil ayoko nang makipagtalo pa ay kumuha na lang ako ng kung ano at binigay iyon sa sales lady. Pagkatapos ay kung saan-saang shop pa ako hinila ni Dad para bumili at ganu’n lang din ang ginagawa ko ng paulit-ulit hanggang sa mapagod siya kakaikot at mapagpasyahang kumain na lang.  “Nag-usap na ba kayo?” bigla ay tanong niya. Inaantay namin ang order namin at nakatingin lang ako sa mga taong naglalakad.  “Hindi pa po.” “Hindi ba nakakatulong sa’yo na nasa bahay siya?” tumikhim siya at umayos ng upo, “Shan, 'wag mo sanang kalimutan na ikaw ang palaging una para sa'kin. Kapag nasasaktan ka na, sabihin mo lang." "Ayos lang po ako, Dad. Hindi niyo kailangang mag-alaa sa'kin."  "G-gusto mo ba na ihanap ko na lang siya ng ibang matitirhan?”  Nilingon ko siya at umiling. “Kahit naman po nasa iisang lugar lang kami, hindi pa rin naman kami nagkikita. Parang wala din…” “Alam mo kasi, anak. Si Storm, lumaki siya na hindi niya alam kung paano i-express ang sarili niya. Siguro para sa’yo ay isa siyang taong walang pakialam sa mga tao sa paligid niya at cold na lalaki, pero nagkakamali ka ro’n. Medyo direct to the point lang siya magsalita pero hindi naman niya intensyong makasakit, hindi niya lang alam ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa tao. Sana intindihin mo siya kahit kaunti. Alam kong nasaktan ka niya, at hindi ko siya kinakampihan. Gusto ko lang na sana ay lawakan mo ang pang-unawa mo sa kanya.” Bumuntong hininga ako at muling sumilip sa labas. Gusto ko namang gawin ang sinasabi ni Dad pero madalas talaga ay mahirap. Kagaya ngayon, hindi niya man lang ako hinahayaang magpaliwanag sa kanya kasi sarado ang isip niya sa ibang tao. Kung ano ang tingin niyang tama, ‘yun na ‘yun. Kaya mahirap ring maging matalino at palaging magaling, dahil feeling mo palagi ikaw ang tama. Paano ko iintindihin ang taong ayaw magpaintindi at sarado ang isip?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD