Chapter 33

1381 Words
TULALA ako nang makababa ako ng taxi at pumasok ng bahay. Lihim kong dinasal kanina na sana ay wala pa si Daddy dahil paniguradong magtataka siya kung bakit ganito ang itsura ko. Maga ang mata ko at medyo magulo ang buhok ko dahil sa kakaiyak kanina sa rooftop, maging sa taxi ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Pero hindi ata ako talaga malakas sa langit dahil pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay bumungad na ang mukha ni daddy. “Nandito ka na----” napatigil siya at agad na kumunot ang noo nang matitigan ako ng mabuti, “A-anong nangyari sa’yo anak?” nag-aalalang tanong niya. Tinitigan ko lang si Dad at maya-maya ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. Masakit na ngang malaman na hindi niya ako gusto, masakit pa na ganu’n lang pala kababa ang tingin niya sa’kin. “D-dad…” Niyakap niya ako pabalik at hinagod ang likod ko. Para kang ewan, Shan. Nagkakaganyan ka ngayon dahil lang sa lalaking ‘yun! Inintay ako ni Dad na tumahan bago niya ako inalalayang maupo sa sofa. Nakatulala ako at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. “Anong problema, anak?” Maya-maya’y tanong niya. Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya. Anong sasabihin ko ngayon? Nakakahiya naman kung sasabihin kong dahil sa paborito niyang si Storm kaya ako mukhang namatayan ngayon. “Si Storm ba?” mahinang tanong niya na ikinalaki ng mata ko. “P-po?” Umiling iling siya at mahinang natawa. “Hayy, ang anak ko ay dalaga na talaga.” Ngumuso ako. “D-dad!” “Oh, bakit? Ayos lang naman ang magka crush ah.” Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. “Kahit na nagiging uhugin ako?” Tumango siya at pinunasan ang namuong luha sa pisngi ko. “Oo, okay lang ‘yan. Umamin ka ba at nareject kaya ka uhugin ngayon?” natatawang tanong niya. Daddy ko ba ‘to? Talagang pinagtatawanan ako? “Dad naman eh!” “Osige hindi na.” tinikom niya ang bibig niya at nagpigil ng tawa. “Pero bakit ka nga umiiyak?” Bumuntong hininga ako at bagsak ang balikat na tumingin sa kanya. “Kasi naman Dad may kumalat na picture naming dalawa sa school, ‘yung picture na hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha at kung sino ang kumuha. Tapos… tapos ako ‘yung pinagbibintangan niya na nagpakalat raw nu’n, eh hindi naman talaga ako.” Mahabang paliwanag ko. “Anong picture?” seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. “Yung natutulog kami sa desk ko. Ewan ko talaga pa’no nagkaroon ng ganu’n.” Ngumiwi si Dad kaya kumunot ang noo ko. “Dad?” matalim ang tingin ko sa kanya dahil parang naiintindihan ko na. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko at ngumiti ng awkward. “Sorry na anak, akala ko naman matutuwa ka ro’n.” Napasapo ako sa noo ko at marahas na bumuga ng hangin. My ghad. “Bakit niyo naman po pinakalat ‘yun?” Nanlaki ang mata niya at umiling iling. “Uy, hindi ko pinakalat ‘yun ah. Ako lang ang kumuha at nilagay ko ro’n sa isa mong book. Inipit ko ‘yun ng mabuti doon dahil akala ko makikita mo agad pag gising mo at matutuwa ka.” Hindi ho ako natuwa, naiyak ako. Bulong ng isip ko. “Sorry na anak, ako na lang ang kakausap kay Storm kung nagalit siya sa’yo dahil ro’n.” Umiling ako at ngumiti ng tipid. “Hindi na po, okay na ‘yun.” “Talaga? Eh, bakit mukha kang namatayan diyan?” “Kasi Dad, ang hirap pala kapag nagkagusto ka sa hindi ka naman gusto.” Parang iiyak na naman ako dahil nararamdaman ko na ang pag-init ng sulok ng mata ko, “Pakiramdam ko tuloy ang baba baba kong babae kasi hindi niya ako nagugustuhan.” Hindi nagsalita si Dad kaya nagpatuloy lang ako sa pag-oopen up. “Hindi naman siya ‘yung tipo ko sa lalaki kaya nakakatawa dahil minsan na lang nga ako magkagusto, doon pa sa ayaw sa’kin at sa mataas ang standard.” Peke akong tumawa at napayuko, “Bagay lang naman rin sa kanya na magkaroon ng mataas na standard sa babae kasi siya mismo ay ideal rin na lalaki kahit pa medyo masama ang ugali niya, magaling naman siya sa lahat ng bagay at gwapo rin.” Pinunasan ko ang takas na luhang tumulo sa pisngi ko at huminga ng malalim. “Hindi niya raw ako papatulan at masyado raw akong desperada…” tuluyan na akong naiyak dahil sa linyang ‘yun na sinabi ni Storm kanina. Pakiramdam ko ay hinihiwa ang puso ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko naman siya sobrang gustong gusto pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Niyakap lang ako ni Dad at hindi nagsalita, pero kahit ganu’n ay gumagaan ang pakiramdam ko. Minsan talaga hindi naman natin kailangan ng magpapayo sa atin o ng kung ano, sapat na ‘yung may makikinig sa’yo at ipaparamdam sa’yo na hindi ka nag-iisa. Ilang minuto kaming tahimik lang at tanging hikbi ko lang ang maririnig sa buong sala. Nang kumalma ako ay hinawakan ni Dad ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya. “Ikaw ang prinsesa ko at para sa’kin ay walang papantay sa’yo. Maganda ka at magaling rin. Marami kang kayang gawin, lalo na kapag naka-focus ka sa isang bagay. Kung sino man ang lalaking susunod mong mamahalin, napaka-swerte niya kasi gusto siya ng babaeng katulad mo.” Hindi ko na naman tuloy maiwasang hindi maiyak dahil sa sinabi ni Dad. Sobrang thankful talaga ako dahil meron akong Daddy na kagaya niya. “I love you, Shan ko.” Nakangiting aniya. Ngumuso ako na parang bata at masaya siyang tiningnan. “I love you more, Dad.” “Mas mahal kita higit pa sa inaakala mo, period no erase.” Hirit niya pa, na ikinatawa naming dalawa. Dahil kay Dad ay gumaan ang pakiramdam ko. Bakit nga ba naman ako umiiyak sa lalaking hindi ako gusto? Eh, may tatay naman akong mahal na mahal ako at kitang kita ang halaga ko. Minsan talaga hindi mo na kailangang hanapin sa iba ‘yung love, kasi wala namang papantay sa pagmamahal ng isang magulang.  PAGKAGISING ko kinabukasan ay ramdam ko ang bigat ng mata ko dahil sa pag-iyak kahapon. Naubos ata ang tubig ko sa katawan kakaiyak kaya uhaw na uhaw ako ng magising ako. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos at bumaba na para kumuha ng tubig. Tahimik ang buong bahay dahil maaga pa naman. Paniguradong kakagising lang din ni Dad at naghahanda na sa pagpasok. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at inisang tungga iyon. Nasa harap ako ng ref at iniwan iyong nakabukas pa. Grabe ang uhaw ko ngayon, para akong ipinatapon sa disyerto. Muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko nang may isang kamay na kumuha rin ng tubig sa ref. Nilunok ko muna ang tubig bago ako tuluyang lumingon. Laking pasasalamat ko nang si Manang lang pala iyon at nakahinga ng maluwag. Akala ko ay si ano na. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon. Galit pa kaya siya sa’kin? Malamang, Shan. Iniisip niyang ikaw ang nagpakalat nu’n kaya malamang sa malamang ay inis ‘yun sa’yo. Pero kung iisipin ay parang ako na rin pala ang nagpakalat nu’n dahil sa mismong libro ko ‘yun nakalagay. Sino kayang bwisit ang kumalkal ng libro ko? Napabuntong hininga ako at tamad na umakyat ulit ng kwarto para mag-ayos. Simpleng white t-shirt at faded pants lang ang naisip kong suotin. Tinuck-in ko iyon at pinaresan ng putting rubber shoes. Wala ako sa mood kaya hindi ako nag-ayos at tanging liptint lang ang nilagay at hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Tamad akong bumaba at nakita kong si Dad lang ang nasa dining table. Nauna na kaya siya? Ganu’n ba niya kaayaw na makita ako? Parang may kung ano na namang tumusok sa dibdib ko. Pinilig ko ang ulo ko at iniwasan ang maiyak. Sapat na ‘yung iniyak ko kahapon kaya dapat ay okay na ako ngayon. Inhale. Exhale. Hingang malalim, Shan. Okay lang ‘yan.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD