Chapter 32

2158 Words
PAGKAPASOK ko ng bahay ay inis na dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Bakit kaya ganu’n ang ugali niya? Minsan tuloy napapaisip ako kung anong klaseng buhay ang naging buhay niya noon. ‘Di ba ang sabi nga nila, na ang ugali ng tao ay madalas nag re-reflect sa kung ano ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Kamusta na kaya ‘yung isang Shan? I mean si Ashana ba ‘yun? Hiwalay na ba sila? Tanda ko pa ang conversation nila noong unang beses ko silang makita dalawa. Tsk. Papakasalan my foot. If I know, iniwan na siya nu’ng girl kasi pangit siya ka-bonding. Pero kung totoo man na iniwan na siya, thank you sa kanya. Kasi gustong-gusto ko ang lalaking iyon kahit na sobrang salungat ang ugali naming dalawa. Napatingin ako sa malaking bilog na nakadikit pa rin sa ceiling. Hindi na niya ako tinuturuan dahil ang usapan lang naman ay hanggang finals lang. Nakakamiss rin pala ang magpuyat kasama siya. Ang paghahandaan ko naman ngayon ay ang sa entrance exam. Saan kaya ako matatanggap? May tatanggap kaya sa’kin? Ayoko mang maging negative pero hindi ko maiwasan. Ngayong finals lang tumaas ang grades ko at hindi naman sapat ‘yun para matanggap sa isang university. Kahit nga siguro sa Safami ay hindi ako matatanggap kung sakali. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ng suot kong pantalon at agad na napabuntong hininga ng makita ang group chat naming tatlo. Makikiusisa lang naman ang dalawang ‘to! Tamad na pinindot ko ang answer button at bumungad sa akin ang mukha ni Bri na malapad ang ngiti at si Drei na seryoso ang mukha. “Oh, ano nang chika?” excited na tanong ni Bri. “Anong chika ang sasabihin ko sa’yo? Eh, kumain lang naman kami sandali.” Walang ganang sagot ko. “Yun na ‘yun? Wala nang ibang ganap?” “Nanood kami ng movie.” Napaikot ang mata ko nang marinig ang maingay na tili ni Bri sa kabilang linya. Kahit si Drei ay napapikit. “Ano ba naman ‘yan Brianna, hinaan mo nga ang boses mo!” reklamo ni Drei. “Eh kasi naman, sabi dinner lang, hindi naman ako na-orient na date na pala ‘yun. Yieee!” kinikilig na ani Bri. Kulang na lang ay mangisay siya sa kilig, akala mo naman siya ‘yung kasama manood ng movie. “Okay na ba? Pwede nang ibaba?” sarcastic na tanong ko. “Wait. ‘Yun na ‘yun? Kwento ka pa.” “Ano namang iki-kwento ko, eh ayon na nga ‘yun.” “Anong pinag usapan niyo? Hinatid ka ba niya?” Napatigil ako dahil sa tanong niya. Okay lang bang sabihin ko na umepal si Storm kaya hindi ako naihatid ni Gab? “Hindi niya ako hinatid.” Kumunot ang noo ni Bri maging si Drei na tahimik lang na nakikinig. “Ano? Bakit? Ang gara naman nu’n.” “Paano niya ako ihahatid, eh umepal si Storm.” Nanlaki ang mat ani Bri at may patakip takip pa ng bibig. “What? For real?” Walang ganang tumango ako. “Yeah, pinasundo ako ni Dad sa kanya.” Biglang bumagsak ang balikat ni Bri sa kabilang linya at ngumuso. “Ano ba ‘yan, akala ko naman kusang loob ka niyang sinundo dahil nagseselos siya.” “Ayun? Magseselos? Nahihibang ka ba, Bri? Eh, kahit pakialam nga ay hindi niya maibigay, seselos pa?” biglang singit ni Drei. “Bakit ba! Bawal bang umasa?” resbak ni Bri na inangilan lang ni Drei. “Akala ko pa naman love triangle na ang ganap niyo, hindi pala.” “Pwede bang ‘wag niyong isipan ng kung ano ‘yung sa amin ni Gab? Magkaibigan lang kami, at baka mamaya kakaganyan niyo ay akalain ng iba na may something sa’min. My goodness, awkward ‘yun, please lang.” kunwari ay naiinis na saad ko. At ang loka-lokang Brianna ay nag peace sign lang sa akin at ngumisi ng nakakaloko. “Sorry girl, pero late ka na sa balita. Pinag-uusapan na nga kayong dalawa.” “Ano?!” napatayo ako at tinitigan ng mabuti si Bri. “Anong sabi mo?” Bumuntong hininga si Drei at siya ang sumagot, “May nakakita kasi sa inyo kanina sa sinehan. May pictures kaya kayo sa page.” Nanlulumong napaupo ako ulit at wala sa sariling pinatay ang tawag. Ito na nga ba ang ayaw ko, magkaibigan kami ni Gab at ayokong maging awkward kami sa isa’t isa. Bakit? Kapag ba nanood ng sine ay mag jowa na agad? Bawal ba talagang magsama ang lalaki’t babae? Sino bang walang utak ang gumawa ng rule na ‘yun? Napaka immature! Lahat na lang ba ay may malisya? Bawal ang friends?! Nag online ako at tiningnan ang page ng Safami. Tama nga si Drei dahil bumungad sa akin ang nakatawang mukha namin ni Gab sa loob ng sinehan. Nasa unahan kami kaya maliwanag ang pwesto namin at kitang kita ang pagmumukha naming dalawa. Ako na nakatawa habang nakatitig sa screen at si Gab na nakangiti habang nakatitig sa akin. ‘Di ba bawal ang camera sa sinehan? Sinong impaktita ang kumuha niyan? Nakakainis naman! Gusto ko sanang i-share at mag caption para sa mga intrimitida kong ka-schoolmates pero pinigilan ko ang sarili ko. Ako lang din naman ang kawawa kung magpapadala ako diyan at mai-stress lang ako kung iintindihin ko ang mga walang magawang estudyante na nagpost niyan. Ang tagal tagal na naming magkasama ni Gab, ngayon pa nila naisip ang ganyan? Hayy, buhay nga naman. Nag log out ako sa f*******: at napagdesisyunang ‘wag na lang iyon pansinin. Mas may importanteng bagay akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa diyan. Tulad na lang ng entrance exam. Practice na ng graduation namin simula bukas at pagkatapos ay aasikasuhin na namin ang papasukan naming university sa mga susunod na araw. Actually, ay hindi ko pa sigurado kung ano ang kukunin kong kurso. Kapag iniisip ko ‘yan ay si Storm lang din ang naiisip ko, na kung saan siya ay doon din ako. Baliw na nga ata talaga ako. NAKAILANG ULIT kami sa pag-akyat-baba sa stage bago kami binigyan ng break. Mag aalas kwatro na ng hapon at kanina pa kaming alas nwebe nagsimula sa pagpa-practice. Umupo kami nila Bri sa isang table sa cafeteria, nasa dulo na kami nakapwesto dahil marami raming estudyante ang nakatambay ngayon dito. Malaki ang cafeteria ng university pero dahil halos lahat ng ka-batch ko at ang ibang high school students na lower level ay nandito kaya medyo naging crowded talaga. “Doon na lang dapat tayo sa rooftop eh.” Reklamo ni Bri nang makaupo siya at inilapag ang biniling sand which at bottled water. “Okay na ‘yan, 15 minutes lang naman ang break natin.” Tumango tango ako at sinumulang kumagat sa burger ko. Marami akong nakain kaninang lunch kaya burger lang ang binili ko ngayon. “Hala, papunta rito si Storm mo.” Kinikilig na bulong ni Bri. Agad akong nataranta at muntik pang mabilaukan. Ewan ko ba, kasama ko naman siya sa bahay at kasabay palagi mag almusal at dinner pero natataranta pa rin ako kapag magkikita kami rito sa university. “Shan.” Agad akong napatayo nang tawagin niya ang pangalan ko sa pinaka maotoridad na paraan. Pakiramdam ko tuloy ay may mali akong nagawa sa kanya. Meron nga ba? “Ano na naman ‘tong pakulo mo?” mariing bulong niya sa’kin. Magkalapit lang ang mukha namin at iilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t isa. “H-ha?” “Anong ha? Bakit mo pinagkalat ‘yung picture nating dalawa?” Halatang naiinis na saad niya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa akin at kung nakakapaso lang ang tingin ay kanina pa ako sugatan dito. Nanlaki ang mata ko ng panandalian pero agad rin iyong napalitan ng kunot ng noo. “Anong sinasabi mo diyan? Anong picture?” Marahas siyang napabuga ng hangin at ngumisi. “Wow, kunwari wala siyang alam. Grabe, ganyan ka ba ka-desperada? Talagang gagawa ka ng paraan para lang ma-link sa’kin?” Hindi ko nagustuhan ang sinasabi niya kaya naman hindi ko napigilan ang sarkastikong tumawa at tinaasan siya ng kilay. “Ako? Desperadang ma-link sa’yo? Nangangarap ka ba?” pilit kong pinapatapang ang sarili ko kahit ang totoo ay parang malapit nang bumigay ang tuhod ko. Ngumisi siya at inihagis sa mukha ko ang isang picture. “Eh, ano ‘to?” Padabog kong pinulot ang papel at halos malaglag ang panga ko nang makita ang naroon. “Ako nangangarap? Bakit? Hindi ba’t totoo namang may gusto ka sa’kin? Kaya hindi malabo na gawin mo ‘yan.” dagdag niya. T-teka, pa’no nagkaroon nito? “W-wait, hindi ako ang—” “Magsisinungaling ka pa? Ganyan ka ba talaga? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo at talagang willing kang ipagkalat ang ganyang klaseng litrato dito? Para saan? Para isipin nilang may namamagitan sa’tin? Ha! Taas din ng tingin mo sa sarili mo, akala mo ba’y papatulan kita?” “T-teka, hindi ko talaga—” “Shut up! Hindi ko kailangan ng explanation mo.” Mariing saad niya at basta na lang akong iniwang nakatanga. Kita ko kung paano napangiwi ang mga estudyanteng nanonood sa amin at ang karamihan ay nagsimula nang magbulong bulungan. Parang may nagbara sa lalamunan ko habang nakatitig sa picture namin. Kuha ito noong nag-rereview kami at nakatulog kami pareho sa mesa ko na magkaharap. Kaunti lang ang distansya ng mukha namin roon at konting tulak lang ay magdidikit na ang mukha namin. Kahit sinong makakita nito ay may iisiping hindi maganda, kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganu’n na lang ang naging reaksyon niya. Inagaw sa akin ni Bri ang litrato pero wala akong lakas para makipag agawan pa sa kanya kaya hinayaan ko na lang. “Oh my god!” rinig kong singhap niya. Nakatalikod ako sa kanila ni Drei kaya hinila nila ako paupo sa pwesto namin. “Omg, Shan. Ano ‘to?” “H-hindi ko alam…” napiyok ako at alam kong namumuo na ang luha sa mata ko. Sinigawan niya ako at sinabihan ng masasakit na salita. Sino ba namang hindi maiiyak ro’n? Laking pasasalamat ko nang hindi na muna ako inusisa nila Bri at hinila paalis ng cafeteria. Hiyang-hiya ako at hindi ko alam kung paano haharap sa mga tao. Alam kong hindi maganda ang sinasabi nila sa akin sa mga oras na ‘to. Pagkarating namin sa rooftop ay agad na nag-unahang tumulo ang luha ko at wala akong nagawa kundi ang maupo sa sahig at umiyak. Niyakap ako nila Drei at pilit na pinatatahan. “Ssshh, Shan.” “H-hindi ko naman talaga alam kung saan galing ang picture na ‘yun at kung sino ang kumuha nu’n.” napipiyok na saad ko, “Bakit parang kasalanan ko? H-hindi ko naman talaga alam…” Nanatiling tahimik ang dalawa at hinagod lang ang likod ko. Hindi ko alam kung paano i-eexplain sa kanila at kay Storm dahil hindi naman ako ang may gawa nu’n. Ni hindi ko alam kung sinong kumuha nu’n at kung paano napunta kay Storm ‘yun. Grabe naman siya makapagsalita. Hindi ba pwedeng hingin muna ang paliwanag ko? Kailangan ba talagang ipahiya niya ako sa harap ng maraming tao ng ganu’n? “Grabe ang Storm na ‘yun, pwede ka namang kausapin ng kayo lang dalawa.” Galit na komento ni Drei. “Wag ka na umiyak, Shan. Kausapin mo na lang siya ulit.” “At bakit? Matapos ng ginawa at pinagsasabi niya kanina sa harap ng maraming tao, may gana ka pang palapitin si Shan doon?” sigaw ni Drei kay Bri. “Eh, paano niya malilinis ang pangalan niya kung hindi sila mag-uusap?” napapakamot ulong sagot ni Bri. Hinayaan ko lang silang magdebate dalawa. Wala akong lakas para makisali pa sa kanila, ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon at gusto ko na lang umuwi. “G-gusto ko na munang umuwi.” Tanging nasabi ko sa kanila. “Ha? Eh, hindi pa tapos ang practice.” Alinlangang saad ni Bri. “Sige na, umuwi ka na muna. Kami na ang bahala.” Ngumiti at tumango ako kay Drei at agad na iniwan silang dalawa. Mabilis ang hakbang ko habang mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko at wala akong nagagawa kundi ang yumuko na lang. Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila sa’kin pero nahihiya ako sa itsura ko at sa mga narinig nilang sinabi ni Storm kanina. Ngayon tuloy ako nalungkot na wala ang driver namin, mag co-commute pa ako. Sa lahat ng nangyari ngayon, wala nang sasakit pa sa sinabi ni Storm sa akin. Hindi ko akalain na ganu’n kababa ang tingin mo sa’kin… Ang sakit. Ang sakit sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD