Chapter 31

1619 Words
KUMAWAY KAWAY ako nang makita ko si Gab na nag-iintay sa labas ng room at ganu’n rin ang ginawa niya. Nakangiti siya habang nakapamulsang nakasandal sa pader. Gaya nang napagkasunduan namin kahapon ay kakain kami ng dinner at libre niya.  “Uy, ano ‘yan ha?” usisa ni Bri habang nakatingin din kay Gab na nakatayo sa labas. “Alin?” “Anong meron sa inyo ni Gab? Ba’t ganyan ang tinginan ninyo? Don’t tell me naka move on ka na agad kay Storm? Ang bilis ah.” Taas kilay na tanong ni Bri. Kumunot ang noo ko at balak ko sana siyang sapukin sa ulo pero naunahan ako ni Drei na gawin ‘yun. “Tumigil ka nga kakausisa sa buhay ni Shan, ano naman ngayon kung i-date niya si Gab? ‘Di hamak na mas mabuting tao ‘yan kaysa sa Storm na ‘yun.” Ngumuso si Bri at pinanlakihan ng mata si Drei. “Inaano ka ba ni Storm ha? Kung maka judge ka du’n sa tao akala mo naman personal mong kakilala!” Nagtaliman sila ng tingin na akala mo’y may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila. Pumagitna ako at parehong tinulak ang mga noo nila palayo sa isa’t isa, para silang mga bata palagi. “Tumigil nga kayo. Walang namamagitan sa amin ni Gab, ililibre niya lang ako ng dinner bilang nakapasa ako sa top, malinaw na ba?” Sabay silang tumingin sa akin na may mausisang tingin kaya napabuga ako ng hangin at hindi na sila pinansin. “Hmm… sana all nililibre ‘pag nakapasa.” Nakalagay pa ang hintuturo niya sa gilid ng noo niya at kunwaring nag-iisip. “Ang generous naman pala, bagay kayo infairness.” Komento naman ni Drei. Napairap ako sa kawalan at inayos na ang gamit ko. Bahala silang mag-isip ng kung ano. “Oh siya, mauna na ako sa inyo.” Paalam ko at mabilis na lumapit sa gawi ni Gab na nakasunod ang tingin sa akin. “Hi.” Bati ko nang tuluyang makalapit sa kanya. Ngumiti siya. “Hi, tara?” Tumango ako at pasimple pang lumingon sa pwesto nila Drei, at ang mga bruha ay nag thumbs up pa sa akin na akala mo’y binubugaw ako. “Saan mo gusto kumain?” tanong ni Gab nang makalabas kami ng university. Sandali akong nag-isip pero wala naman akong cravings ngayon. “Ikaw na siguro ang bahala, wala akong maisip.” Natatawang sagot ko. “Okay, sa mall na lang tayo?” “Sure.” Inalalayan niya ako papasok ng kotse niya. Habang umiikot siya papunta sa drivers seat ay tinext ko si Dad na mali-late ako ng kaunti ng uwi dahil pupunta akong Mall. Hindi ko na inantay ang reply niya at agad na ipinasok sa dala kong bag ang cellphone ko. “Gusto mo bang manood na rin ng sine?” nahihiyang tanong niya. Gusto kong matawa dahil hindi ako sanay na ganito si Gab pero pinigilan ko ang sarili ko. “Ayos lang sa’kin.” Tumango siya at nagsimulang magmaneho. Matagal na kaming magkaibigan ni Gab dahil pareho kaming sa Safami nag-aral simula elementary. ‘Yun nga lang ay matalino siya kaya hindi na kami naging magkaklase simula noong grade 5 kami pero kahit ganu’n ay hindi naman kami nawalan ng koneksyon sa isa’t isa. Paminsan minsan ay kasama pa rin namin siya nila Drei kapag kakain sa cafeteria tuwing nati-tyempo sa schedule namin ang sabay na lunch o kaya ay vacant. Sikat si Gab sa Safami noon pa man, dahil bukod nga sa palagi itong nangunguna sa buong university ay gwapo rin talaga siya. Maraming babae ang may gusto sa kanya pero ni minsan ay wala siyang niligawan. Ang mga loka-lokang Bri at Drei nga ay minsang naisip na baka raw ako talaga ang gusto ni Gab kaya walang pinapatulan sa mga umaamin sa kanya. Pero siyempre hindi naman ako naniwala ro’n, malay ko ba kung talagang wala siyang interes sa babae. Saka ako rin naman, ngayon lang ako nagkaro’n ng crush talaga, pareho lang kami. Naisip naming manood na muna ng movie bago kami kumain. Ako ang pinapili niya ng movie kaya siyempre ang pinili ko ay rom-com, hindi ako mahilig sa horror o sa kung ano mang mystery/thriller na palabas buti na lang at ayos lang kay Gab. “Grabe ang tawa ko ro’n.” Pinunasan ko ang nangilid na luha sa sulok ng mata ko dahil sa kakatawa. Hindi ko alam kung nag-enjoy ba si Gab dahil halos puro tawa ko lang ata ang narinig niya hanggang sa matapos ang palabas. “Halata nga.” Nakangiting aniya. “Kain na tayo, nagutom ako.” Hinimas ko pa ang tiyan ko at ngumuso sa kanya. Kinurot niya ang pisngi ko at malakas na tumawa. “Cute mo. Tara na nga.” Pumasok kami sa isang hindi mataong restaurant at agad na umorder si Gab ng pagkain namin. Pasta at steak ang inorder niya kaya bigla ko tuloy naalala si Dad. Palagi kasing steak ang kinakain namin tuwing lalabas kami. Nakauwi na kaya siya? Ipinagkibit balikat ko lang ang naisip ko nang dumating ang food namin. Tahimik kaming kumain ni Gab at paminsan minsan ay nagki-kwentuhan patungkol sa school. “Saan mo nga pala balak mag college?” bigla ay tanong niya. Pinunasan ko ang bibig ko bago nagsalita, “Kung saan pumasa. Ikaw?” “Hindi ko pa alam. May nag ooffer pero hindi ko naman gusto.” “Wow, sana all. Pero since kaya mo namang makapasok sa kahit saang universities, piliin mo na ‘yung pinaka gusto mo talaga.” Tumango siya at ngumiti. “Aye aye captain.” Natawa ako sa itsura niya at natawa naman siya sa tawa ko kaya ang ending ay pareho kaming nagtawanan dalawa. Masaya naman talagang kasama si Gab, may pagkakwela rin kasi ito at sumasabay sa trip ng kasama niya, kabaliktaran nu’ng isa. Ewan ko ba ba’t sa ganu’n ako nagkagusto, napakalayo sa personality ko nang personality niya. Totoo nga ang kasabihan na ‘Opposite attracts’. “Baka malunod ka niyan.” Napakurap ako at takang tiningnan si Gab. “Ano nga ulit 'yun?” “Ang lalim ng iniisip mo, baka kako malunod ka.” Natawa ako at napailing. “Wala, naalala ko lang si Dad bigla.” Totoo naman, ‘yun nga lang ay kanina pa ‘yun. “Bakit? Hinahanap ka na ba niya? Tara na, ihahatid kita.” Agad niyang pinunasan ang sulok ng bibig niya at lumapit sa akin. Nag iwan pa muna siya ng ilang libo sa lamesa bago binaling ang buong attention niya sa’kin. Ngumiti ako at hinayaan siyang alalayan ako sa pagtayo. “Thank you.” Kahit na hindi pa naman ako talaga hinahanap ni Dad ay hinayaan ko na lang, late na rin kasi at may klase pa kami bukas. Saktong pagkalabas namin ng restaurant ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Storm habang nakapamulsang papalapit sa akin. “S-storm?” Tumigil siya sa harap namin ni Gab at sandalling nakipagtitigan sa kanya bago ibinaling ang tingin sa akin. “A-anong ginagawa mo rito?” “Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. Anong ginagawa mo rito?” mahina ngunit may diing tanong niya. Ano bang pinagsasabi nito? Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan. “Ha?” “Kanina ka pa raw tinatawagan ni tito, hindi mo sinasagot.” Nanlaki ang mata ko at agad na kinuha ang cellphone ko sa bag. 15 missed calls? Ba’t ang dami? “A-anong meron?” ayoko sanang mag-isip ng kung ano pero automatic na ata talaga ang kaba ko kapag ganito. “O-kay lang ba si Dad?” “Tsk. Kung sana ay sinasagot mo ang cellphone mo edi sana hindi ka clueless ngayon.” “Teka, pre. Parang hindi maganda ang tono ng pananalita mo.” Biglang singit ni Gab na ngayon ay nasa harapan ko na at nakikipaglaban ng tinginan kay Storm. “Hindi tayo magkumpare.” Malamig na sagot ng isa at tumingin sa akin, “Tara na.” Walang sabing lumapit ako agad sa pwesto niya at awkward na ngumiti kay Gab. “Mauna na ako, Gab. Salamat, nag-enjoy ako ngayon.” Sandaling nanahimik si Gab bago tipid na ngumiti sa akin. “Hm. Ingat ka.” Hindi na ako nakasagot nang bigla na akong hinila ni Storm paalis. Nag wave lang ako kay Gab bago siya sinamaan ng tingin. “Bakit mo naman ginanon ‘yung tao?” Marahas na binitiwan niya ang kamay ko at tamad na tumingin sa’kin. “Sinira ko ba ang date mo?” “Ano bang problema kasi?” “Wala.” Maiksing sagot niya at iniwan akong nakaawang ang bibig. Wala? As in, wala? Hindi sa gusto kong may mangyaring hindi maganda, pero para sa wala lang ‘yung action niyang ‘yun? “Niloloko mo ba ‘ko?” Inis na sumabay ako ng lakad sa kanya at matalim siyang tiningnan. “Hindi.” Marahas akong bumuga ng hangin at pilit na pinakakalma ang sarili. Ang bwisit na ‘to, pinagtitripan ata ako. “Eh bakit ka nandito?” “Sundo.” “At bakit? Hindi naman kita driver.” “Si Tito.” Ano ‘to one word Q&A? Sa inis ko ay nasabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng lalaking ‘to, napakahirap niyang sabayan. Para siyang equation na may komplikadong formula. “Tss. Baliw.” Aniya at naunang maglakad. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin at naiinis na humabol sa kanya dahil baka mamaya ay toyoin siya at iwan ako.  Arghh! Bakit ba ako nagkagusto sa baliw na 'to.  Kung baliw siya, mas baliw ka Shan. Dahil nagkagusto ka sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD