Chapter 30

1553 Words
BAGSAK ang balikat na umupo ako sa tabi ni Bri at Drei na kanina pa nakatambay sa hallway. Sinundan nila ako ng tingin at parehong nakakunot ang noo. “Parang kahapon lang todo ngiti ka ah? Ano nang nangyari ngayon?” Bumuntong hininga ako at pumangalumbaba. “Wala naman.” “Come on, tigilan mo kami diyan sa pa-wala wala mo na ‘yan.” “Oo nga, anong meron?” Si Drei matapos sumimsim ng juice na hawak. “Feeling ko lang masyado na akong umaasa kay Storm. Tingin niyo?” Tumaas ang kilay ko nang tumawa ng malakas si Brianna. “Anong feeling, totoong umaasa ka na masyado girl, hindi feeling ‘yun!” Inirapan ko siya at ngumuso kay Drei para humingi ng opinion niya. Nagkibit balikat siya at nag iwas ng tingin. “Well, medyo?” alanganing sagot niya. Bumuntong hininga ako at tumitig sa kawalan. Heto na naman ang mabigat na pakiramdam, at palagi na lang si Storm ang dahilan nu’n. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang down ko sa pag-iwan niya sa’kin. Hindi ko maiwasang hindi mag-overthink. “Alam mo girl, umamin ka na kasi. ‘Yung totoong amin.” Kunot noo akong bumaling kay Bri. “What do you mean? Eh, alam na nga niya ‘di ba?” “Alam niya pero hindi naman galing sa’yo. Duh.” “So, anong gusto mong gawin ko?” “Lapitan mo siya at makipag heart to heart talk ka. Tutal naman ay ga-graduate na tayo, gawin mo nang graduation gift sa sarili mo ‘yun. Nang makalaya ka na diyan sa one-sided love story mo.” “Ayoko, parang hindi ko kaya ‘yun.” “Bahala ka, iyon naman ay paying kaibigan lang.” “Pa’no ko naman magagawa ‘yun? Eh tuwing tititigan ko siya para na akong hihimatayin sa kaba, ang umamin pa kaya ng harapan sa kanya?” Umirap si Bri at hinampas ako sa balikat. “Kaya nga gawin mo na para maging totoo na rin ang pag mo-move on mo!” Hindi na ako sumagot pero nanatili sa isip ko ang sinabi ni Bri hanggang sa maging busy kami sa pag-aasikaso ng clearance namin ay iyon ang laman ng isip ko. Iniisip ko kung tama bang gawin ko ‘yun. Pero gaano ba ako kasigurado na hindi na kami magkikita after graduation? Sa amin siya nakatira at wala naman siyang sinabi na aalis na siya after gumraduate kaya hindi ko pwedeng gawin ‘yun nang padalos dalos. “Grabe, mag ka-college na tayo. Ang bilis ng panahon.” “Oo nga eh, parang kailan lang nai-stress pa tayo sa pagre-review para sa finals.” Sumubo si Drei sa kinakain niyang hotdog sandwhich. “Teka, itutuloy mo ba ang pagpasok sa study room sa summer, Shan?” Bigla ay naalala ko ang pagkakasama ko sa study room ngayong summer. Muntik ko nang makalimutan ‘yun dahil sa Storm na ‘yun. And speaking of Storm, kasama ko pa rin siya roon. Nagulat ako nang biglang tumayo si Bri habang nguya nguya ang sand which niya. “Tara.” “Ha? Saan?” “Silip tayo sa study room.” Umiling ako at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa amin ni Drei. “Ayoko nga, baka sabihin stalker ako.” “Excuse me, naro’n din naman si Gab. Anong akala ng Storm na ‘yun? Patay na patay ka sa kanya kahit totoo naman?” Hinampas ko siya sa balikat dahil sa pang iinis niya sa’kin. Ang bruha tumawa lang ng malakas at nakisabay pa si Drei. “Masyado kang halata. Shan. Delikado ka na.” natatawang ani Drei. Sumimangot ako at naunang naglakad sa kanilang dalawa. Kainis ‘to, mukha ba akong super in love sa Storm na ‘yun? Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa sobrang inis. Wala na akong pakialam kung nawi-weirduhan na sa’kin ang mga nakakasalubong kong estudyante. “Uy, teka lang!” natatawang sigaw ni Bri. Hindi ko sila pinansin at binilisan pa ang lakad. Bahala sila. MAGKAKASUNOD ang pagbaba ng mga ulo namin sa likod ng posting tinataguan namin. Nandito kami sa labas ng study room at palihim na sumisilip sa mga naroon na busy sa pagbabasa ng kung ano. “Grabe, kahit dito ay ramdam ko ‘yung aircon nila.” Ani Bri at niyakap ang sarili. “Mukha silang matatalinong mahirap abutin.” Komento ni Drei. Tahimik lang akong tumitingin hanggang sa dumako ang paningin ko sa lalaking tamad na tamad na nagbabasa ng hawak na libro. Nakatukod ang isa niyang braso sa mesa at ginagawa niya iyong sandalan ng ulo niya habang nakatuon ang atensyon sa libro. Ang gwapo niya… “Oh, Shan baka tumulo laway mo ha.” Pang aasar ni Bri. Inismiran ko siya at napataas ang kilay ko nang may isang babaeng lumapit kay Storm at inabot ang librong hawak. Mukha siyang tanga dahil pangiti ngiti pa na halatang kinikilig. “Omg, may higad.” Bulong ni Bri. Kinuha ni Storm ang binigay na libro ng babae at sinagutan ang kung ano mang naroon na mabilis niya rin namang nagawa at ibinalik sa babae ang libro. Pangiti-ngiti ka pa diyan! “Tara na nga!” naiinis na aya ko kanila Drei na ngayon ay natatawa na. Mabilis akong lumakad paalis roon at hindi sila inantay. Naiinis ako. Kahit naman walang expression ang mukha ni Storm ay nakakainis pa rin. Alam kong gwapo siya at gusto siya ng halos lahat ng babae dito pero bakit naiinis pa rin ako ng ganito? Ha! Ang harot niya, papaturo kunwari pero deep inside ay lumalandi! “Kalma, Shan. Hindi mo jowa ‘yun.” Lalo pa akong nainis sa komento ni Bri kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. Ang bruhang ito, wala nang magandang sinabi ngayong araw. Tinaas niya ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko at isara ang bibig. Kinuha ko ang gamit ko sa room at walang sabing lumabas ulit nang hindi nagpapaalam sa kanila. “Wag mo masyadong dibdibin, ingat!” rinig kong pahabol na sigaw ni Drei. Dumeretso ako sa field at doon naupo. Wala pa akong balak na umuwi, gusto ko lang pahupain ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon. Alam kong marami akong kaagaw kay Storm, at alam ko rin na wala akong pag-asa sa kanya pero hindi ko talaga maiwasan ang sarili kong nararamdaman. Ayokong may tinuturuan siyang iba. Ayokong may titingnan siyang iba. Ayoko ng kahit na sinong babaeng lalapit sa kanya. Inis na napasabunot ako sa sarili ko at malalim na bumuntong hininga. Kumalma ka Shan, gaya nga ng sabi ni Bri, hindi mo jowa ‘yun. Therefore, wala kang karapatan. Pero porket ba hindi ko siya boyfriend ay wala na akong karapatang masaktan? May damdamin ako, at hindi natuturuan ang puso. Gusto ko siya kaya natural lang ‘tong nararamdaman ko. “Anong ginagawa mo rito?” Halos napaigtad ako sa gulat nang biglang tumabi sa akin si Gab. Napapahiyang napakamot ako ng ulo. Nakita niya ba ‘yung ginagawa ko kanina? Hays! “Ah, wala naman. Ikaw?” “Pauwi na sana, pero nakita kita kaya ako dito pumunta.” Tumango tango ako at awkward na ngumiti. “Ah.” “Congrats nga pala. Alam kong magaling ka talaga.” Tinitigan ko siya at alam kong totoo ang ngiti sa labi niya ngayon kaya napangiti rin ako. “Thank you. Hindi ko akalain na magagawa ko ‘yun sa huling pagkakataon.” Tumawa siya ng mahina. “Kayang kaya mo naman talaga noon pa, tamad ka lang.” Natawa rin ako sa sinabi niya at nag ‘okay’ sign sa kanya. “Tama ka diyan.” Nanatili kaming tahimik at nakatitig lang sa mga naglalaro ng soccer. “M-may gagawin ka ba bukas after class?” Basag niya sa katahimikan. Sandali akong nag-isip at umiling. “Wala naman, bakit?” “Aayain sana kitang kumain sa labas. Libre ko sa’yo kasi kasama ka sa top?” napakamot siya sa ulo niya at nahihyang nag iwas ng tingin. Natawa ako ng mahina dahil sa itsura niya. Gwapo si Gab noon pa, at sobrang bait pa. “Okay sige. Sabi mo ‘yan, libre mo.” “Oo!” mabilis na sagot niya na lalo kong ikinatawa. Hinatid niya ako pauwi at agad ding nagpaalam. Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay, nawala na ang pangit kong nararamdaman kanina dahil sa mga kwento ni Gab habang naglalakad kami kanina. Mas pinili naming maglakad para makapag kwentuhan at hindi ko akalaing mako-comfort ako ng presensya niya, ayan tuloy ay ginabi kami ng uwi. “Late ka na nakauwi.” Napatalon ako sa gulat nang makita sa sala si Storm habang nagbubuklat ng libro. “Required bang mang gulat?” nakahawak ako sa dibdib ko at mataray siyang tiningnan. “Hindi ka magugulat kung nasa tamang katinuan ka.” Nilipat niya ang pahina ng libro at hindi pa rin ako tinitingnan. “Ano namang pakialam mo? Saka nasa tamang katinuan ako, baka ikaw ang hindi.” “Pangiti ngiti pa, parang tanga. Tsk.” Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya walang sabing iniwan ko na lang siya sa sala. Maayos na ang pakiramdam ko at ayokong sirain niya na naman ang araw ko. Bahala ka diyan, doon ka sa babae mo.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD