Chapter 16

2332 Words
ANO ba kasi ‘yan at ayaw mong ipakita?” nanliliit ang mat ani Bri at pilit na inaagaw sa akin ang letter. Itatapon ko na kasi sana ang kaso ay nagmala matang lawin ang isang ‘to kaya muntik pa akong mabuking. “Wala nga, sabing scratch paper lang ‘to.” Nilukot ko ang papel na hawak ko at pilit siyang pinaaalis sa pagkakaharang niya sa basurahan. “Oh, scratch lang pala eh, akin na ako na magtatapon.” Pang-aasar niya. “Brianna isa… tumabi ka na diyan.” “Ayoko, pabasa muna.” “Sinabi na ngang wala lang ‘to.” Nafu-frustrate na ako sa kanya at konti na lang ay papawisan na ako ng malamig dahil hindi ko maimagine ang kahihiyang aabutin ko sa oras na mabasa nila ‘tong mala-telenovela kong love letter. Ano ba naman kasing pumasok sa maliit kong utak at gumawa gawa pa ako nito. Masyado akong nagpadala sa love story nila Daddy at baliw na umasang gusto niya rin ako. Dahil sa iniisip ko ay hindi ko namalayang nakuha ni Drei ang hawak kong papel at halos tumigil ang mundo ko nang simulan niya iyong buklatin kaya agad ko siyang pinigilan pero ang epal na si Brianna ay hinawakan ang dalawang kamay ko. “Drei, don’t.” mariing saad ko. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at ngayon pa lang ay gusto ko nang magpakain sa lupa. Hindi niya ako pinansin at tahimik na binasa ang letter. Hindi ko na mabilang kung nakailang ulit na ako sa paglunok ng laway ko at halos tuyo na ang lalamunan ko. “Omg, Shan.” Napatakip siya ng bibig at hindi ko alam kung gusto niya bang tumawa o ano. Binitiwan ako ni Bri at agad na kinuha kay Drei ang papel para basahin at wala pang ilang minuto ay halos mamatay na siya sa kakatawa. Hinablot ko ang papel na hawak ni Bri at agad silang iniwan. Nakakainis, sabing ‘wag basahin eh! “Shan! Teka lang.” natatawang sigaw ni Bri. Hindi ko sila pinansin kahit alam kong hinahabol nila ‘ko. Nakakainis at nakakahiya. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila ngayon? Bwisit talaga. Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko pero pinigilan ko dahil dumaan si Storm at agad akong napaayos ng tayo kahit na hindi naman niya ako tinapunan ng tingin. “Shan, ano ‘yan?” Nabalik ako sa wisyo ng sumulpot sa harap ko si Rence. “Ha?” “Ano kako ‘yan?” turo niya sa papel na hawak ko. Agad ko ‘yung binato sa malapit sa akin na basurahan at ngumiti ng pilit sa kanya. “Wala ‘yun. Bakit ka nga pala nandito?” “Ha? Anong bakit? Dito ako nag-aaral, malamang.” Umirap ako dahil sa sagot niya. “Alam ko, bwisit ka.” Tumawa siya ng malakas at pagkatapos ay inakbayan ako. “Lutang ka ba o badtrip ka lang?” Inalis ko ang pagkakaakbay niya at inirapan niya. “Du’n ka na nga!” “Ay wow, high blood ka na niyan?” pang-aasar niya. “Nasa’n ba si Dave at ako ang binubulabog mo?” “Absent, saka nauumay na ‘ko sa pagmumukha ng kumag na ‘yun. At aba, tropa tayo ah, bakit mo ‘ko tinataboy?” “Ewan ko sa’yo, bahala ka na diyan.” “Wait, ‘yung kalat mo!” pahabol na sigaw niya pero hindi ko na pinansin. Tinalikuran ko siya at agad na naglakad papuntang cafeteria kahit wala naman akong balak na bumili. Sadyang dito ako napunta dahil sa maling direksyon ang tinahak ng paa ko. Bakit ba kasi ngayon ako iniinis ng mga ‘yun. Umupo ako sa isa sa mga table at nilabas ang phone ko sa bulsa para mag scroll na lang sa social media dahil ayoko pang bumalik sa room dahil paniguradong pinagtatawanan pa rin ako ng dalawang bruhang ‘yun. Bakit ko ba naman kasi nilabas pa ‘yun. Shunga ko talaga, ayan tuloy ako na naman ang aasarin ng dalawa. Napabuntong hininga ako at nangalumbaba sa lamesa habang tinitingnan ang grupo ng mga estudyante na malapit sa akin at nagbubulungan. “Yung apo ng may-ari ng school?” “Oo nga, balita ko maganda raw ‘yun at matalino.” “True ka diyan, nakita ko na ang picture nu’n sa insta.” “Hala, patingin din! Anong name?” “Erin S. Ramirez. Check mo rin sa facebook.” Kumunot ang noo ko dahil sa tsismisan nila. Pati ba naman ang apo ni Mrs. Safami na wala rito ay pinagtitsismisan nila? Hay nako. “Nandiyan ka lang pala.” Hinihingal na ani Drei. Sumunod sa kanya si Bri na hinihingal din at mukhang nakipagkarera sa kung kanino. “Ba’t ganyan mga itsura niyo?” kunot noong tanong ko. “Naguilty ba kayo sa panti-trip niyo sa’kin?” Huminga muna sila ng malalim at inintay na kumalma bago nagsalita. “Bruha ka, bakit kung saan saan mo iniiwan ‘yung letter mo!” sigaw ni Drei. Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya ng nagtataka. “Ano?” HInila niya ng bahagya ang buhok ko at inis na hinatak ako paalis ng cafeteria. “Teka nga, ano bang meron?” tiningnan ko si Bri. “Gaga ka, ‘yung letter mo pinagpi-pyestahan sa room! Kung hindi ka ba naman balahurang babae ka.” Napatigil ako sa paglakad at halos hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya. “A-ano?” “Ang sabi ko, kalat na sa buong section natin ang sinasabi mong hindi seryosong feelings mo kuno kay Storm. Bakit ba naman kasi sa lahat ng pag-aabutan mo ng sulat ay sa bwisit na Rence mo na binigay? Alam mo namang baliw ‘yun sa’yo at magre-react ‘yun ng hindi kanais nais.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad akong napatakbo sa room. At halos himatayin ako ng makita si Storm sa may pintuan ng class room namin na may dala dalang paper bag. Lahat na ata ng santo ay lihim ko nang nadasalan na sana ay hindi niya pa narinig sa mga maiingay kong kaklase ang tungkol sa sulat ko dahil ‘pag nagkataon ay baka lumayas ako sa bahay namin ng wala sa oras. “A-anong ginagawa mo rito?” Ramdam ko ang pamamawis ko ng malamig dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Malamig niya akong tiningnan at ilang segundo lang ay inabot niya sa’kin ang hawak niyang paper bag. “Para sa’yo.” “Ha?” Kanina pa ako nalulutang dahil sa mga ganap sa araw ko. Kinuha ko ang paper bag kahit ‘di nag sink in sa’kin ang sinabi niya. “Dinaan ‘yan ng Daddy mo rito at pinaabot sa’kin dahil hindi ka raw niya ma-contact.” Napakurap kurap ako. “A-ah, salamat.” Tumango lang siya at nagsimula nang maglakad. Hihinga na sana ako ng maluwag dahil akala ko ay hindi niya pa alam, pero halos tumigil ang t***k ng puso ko nang bigla siyang huminto at humarap ulit sa’kin. At nang bumuka ang bibig niya ay napagtanto kong hindi ako malakas sa langit… “Tinulungan ako ng Daddy mo kaya kita tinutulungan ngayon, sana ay hindi mo na mis-interpret ‘yun. At isa pa, isa sa pinaka ayaw ko ay ang hindi katalinuhang babae.” Seryosong aniya pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglakad, habang ako at ang mga kaklase kong nanonood sa amin ay naiwang nakaawang ang mga bibig. “A-ano raw?” Hindi makapaniwalang ani Drei. “Sabihin mong mali ang dinig ko!” “Aba! Hoy!” inis na sigaw ni Bri at balak sanang habulin si Storm pero pinigilan ko siya. Automatic na nangilid ang luha ko nang tuluyang na-proseso ng utak ko ang sinabi niya. Hindi niya ako gusto. Ayaw niya sa’kin. Ayaw niya sa b*bo. Okay, gets ko. Pero… kailangan bang ipangalandakan niya ‘yun sa buong kaklase ko? Hindi ba pwedeng sabihin niya ‘yun in private? Required bang mamahiya kapag hindi mo gusto ang isang tao? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinabol ko siya. Hindi pa siya nakakalayo dahil mabagal ang paglakad niya habang nakapamulsa na para bang wala siyang sinabing masakit na salita. “Shan!” Rinig ko ang pagtawag sa akin nila Drei pero masyado akong nadala ng emosyon ko at wala akong balak na magpaawat sa kanila. Tinanggal ko ang suot kong flat shoes at walang sabing binato ‘yun sa kanya na agad namang tumama sa likuran niya. “What the!” Inis niya akong nilingon na agad ko namang sinalubong ng masamang tingin. “Ang yabang mo! Akala mo kung sino kang gwapo!” sigaw ko. Wala na akong pakialam kung pinapanood kami ng mga estudyante na nasa hallway. “Oo, gwapo ka pero wala kang karapatang mang-insulto!” gusto kong tampalin ang bibig ko dahil sa sinabi ko. Palpak ka talaga, Shan! Maangas siyang ngumisi. “Talaga?” Napalunok ako at matapang siyang tiningnan. “Oo, talaga! Hindi lisensya ang pagiging matalino mo para mang-insulto ka ng tao!” “Bakit? Ano bang sinabi ko? Sinabi ko lang naman kung ano ang tipo ko. Nasaktan ka ba dahil alam mong hindi ka pasok?” Walang ganang saad niya. Natahimik ako ng ilang segundo dahil parang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong pahiyain ng ganito, sa harap pa mismo ng maraming tao. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pwedeng umiyak, Shan. Sobra-sobra na ang kahihiyang tinamo mo ngayon, ‘wag mo nang dagdagan. “H-hindi mataas ang grade ko dahil hindi ako nag-aaral ng seryoso! Matalino ka lang naman dahil masipag ka!” “Talaga?” nakangising aniya. “Oo, talaga! Papatunayan ko ‘yan sa’yo!” “Talaga?” “Oo nga sabi!” inis na sigaw ko. “Okay then, ipasok mo ang sarili mo sa top 50 sa finals.” Rinig ko ang malakas na singhapan ng mga nanonood at maging ako ay napatulala dahhil sa sinabi niya. “Ano? Hindi mo kaya?” “K-kaya ko! Makikita mo, makakapasok ako ro’n!” “Okay, kung magawa mo ay gagawin ko kung ano ang gusto mo.” Muling naghiyawan ang mga estudyante at maging ako ay nagulat. “Kahit ano?” paghahamon ko nang makabawi. Ngumisi siya ng nakakaloko. “Kahit ano.” “T-talaga? Osige! Ihanda mo na ‘yang sarili mo ngayon pa lang!” “Kung makapasok ka… hula ko ay hindi.” “Hoy! Aba, ang yabang mo ah!” Napalingon ako kay Rence na galit na lumapit kay Storm. “Anong karapatan mong insultuhin ng ganiyan si Shan? Mag sorry ka!” Lalong lumapad ang ngisi sa mukha ni Storm na nagpakuyom ng kamao ko. Nakakainis pa lalo na tiningnan niya lang si Rence na parang isang walang kwentang bagay at hindi man lang sumagot. “Aba’t talaga namang!” Aambaan na sana siya ng suntok ni Rence nang biglang nahawi ang mga estudyanteng nanonood sa amin at niluwa niyon si Mrs. Safami na masama na agad ang tingin kay Rence. “At anong kalokohan na naman ‘to Mr. Vernal?” nakapameywang na tanong niya kay Rence. “Ito ho kasing si Storm…” Hindi na naituloy ni Rence ang sasabihin niya nang humarap si Mrs. Safami kay Storm at nginitian siya. “Sige na, Mr. Enderson. Bumalik ka na sa room mo.” Tumango lang si Storm at walang sabing umalis na parang walang nangyari. Aba’t talaga namang! “Ikaw Mr. Vernal, wala ka nang ginawa kundi ang makipag bardagulan! Pati si Storm ay dinadamay mo sa kalokohan mo. Bumalik ka sa room mo at mag-aral ka, hindi ‘yung sisiga siga ka rito.” Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Mrs. Safami. Gusto kong umapila pero pinisil ni Drei ang braso ko para pigilan ako. Grabe talaga! Inis kaming bumalik sa room at halos walang nagsasalita sa amin. Sobra siya, porket last section si Rence ay siya na agad ang pasimuno? Ni hindi man lang nagtanong! “Ang yabang ng Storm na ‘yun! Bakit ko nga ba nakalimutan na sanay siyang mamahiya ng babaeng may gusto sa kanya.” Inis na ani Bri habang nakakuyom ang kamao. Nanghihinang napasandal ako sa upuan ko at ipinikit ng mariin ang mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Naiinis ako na nasasaktan. Naiinis ako kasi hindi ko akalaing ganu’n ang ugali niya at nasasaktan ako kasi alam ko nang hindi niya ako gusto at hindi niya ako magugustuhan. “Hayaan mo na ‘yun, Shan. Mag move on ka na.” ani Drei habang inaalo ako. “Hindi! Walang mag mo-move on, kailangan mong lampasuhin ang mayabang na ‘yun!” kontra ni Bri. “Oh, paano? Paano makakasama sa top 50 si Shan kung halos isang lingo na lang ang meron siya, aber?” Napabuntong hininga si Bri at inis akong tiningnan. “Bakit naman kasi pumayag ka ro’n, Shan? Omg ka.” Inis na ani Bri. “Dapat nag suggest ka ng iba, ‘yung makatotohanan naman.” Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil pumayag ako sa deal na ‘yun. Imposible. Malabo pa sa malabo na makasama ako sa top 50. Pero anong magagawa ko? Alangan namang dagdagan ko ang kahihiyan ko kanina. Kung tumanggi ako ay paniguradong tatawanan ako ng lahat. Nanatili akong nakapikit at lihim na nagdasal na sana ay hindi na pumasok ang Prof namin dahil gusto ko nang umuwi. Sobra sobrang kahihiyan at sakit ng ulo ang tinamo ko ngayon at gusto ko na lang humiga sa kama ko at magkulong sa kwarto. Isa pang problema ko ay ‘yung katotohanang nasa iisang bahay kami ni Storm ay may session kami mamaya! Lord, parang awa mo na pahingahin mo ang utak ko. Pero kagaya ng kanina, hindi ako malakas sa itaas kaya hindi nangyari ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD