Chapter 17

929 Words
HINDI ako lumabas ng kwarto ko kahit na ilang beses akong kinatok ni Manang. Ayoko na rin munang magpa tutor ngayon kay Storm dahil pakiramdam ko ay parang matatapakan na naman ang pagkatao ko. Ngayon ko lang naisip ang kahihiyang ginawa ko. Imagine, hinamon hamon ko siya tapos siya rin naman ang magtuturo sa’kin. What a big joke ‘di ba? Bumangon ako at desididong umupo sa study table ko. Okay, Shan. Kailangan mong magg-aral mag-isa. Kaya mo ‘yan! Binuklat ko ang libro ko at nagsimulang nagbasa. Kahit papaano naman ay may nasasagutan akong questions, ‘yun nga lang ay mas marami ang hindi ko talaga agad naiintindihan. “Argh!” inis kong ginulo ang buhok ko at napasubsob sa table ko. “Bakit ba ang hirap hirap kapag sariling sikap? Pero ‘pag si Storm ang magtuturo, napakadali! Nakakainis naman.” Reklamo ko. Nababaliw na ata ako. Natigil ako sa pag gulo ng buhok ko nang may kumatok sa kwarto ko. “Hindi po ako nagugutom.” Sigaw ko dahil kanina pa pabalik balik si Manang. “Shan?” Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Dad. Tiningnan ko ang orasan at alas syete pa lang, ang aga naman niyang umuwi? Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Daddy na may hawak na tray na may lamang pagkain. “Dad? Ang aga mo po.” Ani ko matapos bumeso sa kanya. “Tinawagan ako ni Manang, kanina ka pa raw nagkukulong dito.” Nanlaki ang mata ko at umiling. “Hindi po. Lalabas rin po ako mamaya sana.” Totoo naman, lalabas ako ‘pag tulog na sila. Pero bakit ba ako ang nag-aadjust? I mean, bahay ko ‘to! My god, Shan. “Oh, eh bakit ayaw mong kumain? Anong problema?” umupo siya sa kama ko at sinenyasan akong tumabi sa kanya na agad ko namang ginawa. “Wala naman po, busog lang ako talaga.” “Talagang sa’kin ka pa maglilihim?” nakangising aniya. “Akala mo ba’y hindi kita kabisado?” Napairap ako at pinag krus ang dalawang braso sa dibdib. Alam ko naman ‘yun. “Come on, tell me.” Bumuntong hininga ako at pinaglaruan ang daliri ko. “Kasi Dad…” Dapat ko bang sabihin? Hindi ba awkward? “Hmm?” Napailing ako at ngumiti. “Naiinis lang ako kanila Bri.” Pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo niya at tinitigan pa muna ako ng ilang segundo. Pinilit kong magmukhang normal para maniwala siya. “Bakit naman?” maya maya ay tanong niya. “Eh kasi nga inasar nila ako ng inasar, nakakapikon.” Kunwaring inis na saad ko. Please naman. “Ng alin?” usisa niya pa. “K-kasi sinabi ko na balak ko sanang gumawa ng love letter du’n sa c-crush ko sa university, tapos ayon, inasar nila ako dahil korni at weird daw.” Napalunok ako habang nakikipagtitigan kay Dad. Totoo rin naman ‘yung sinabi ko, nainis naman ako talaga kanina sa kanila. “Hindi mo naman ugali ang mainis ng matagal, hmm… nacu-curious tuloy ako kung sino ‘yang crush mo na ‘yan at talagang kinonsider mo ang paggawa ng love letter.” Nakangising aniya. “Dad! Pati ba naman ikaw? Sa’yo kaya nanggaling ‘yun, kaya lang naman ako nagka-idea ng ganu’n dahil sa’yo.” Tinaas niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. “Oo nga, wala naman akong sinasabi.” Natatawang aniya. Tinalikuran ko siya dahil sa inis at humiga sa kama ko. “Come on, Shan. Wala naman akong sinabi.” Pag aalo niya pero naririnig ko ang mahinang tawa niya. “Dad!” inis na angil ko. “Okay titigil na ‘ko.” Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako. “Dalaga ka na talaga, may crush ka na.” “Dad naman eh!” “Oo nga, hindi na.” Hinila niya ang braso ko para itayo ako. “Kumain ka na muna at saka ka na ulit mainis kanila Bri.” Napairap ako dahil mukhang hindi siya titigil. Wala akong nagawa kundi ang kainin ang dinala niya habang pinapanood niya ako. “Ay, oo nga pala. Bumaba ka na after niyan dahil hinihintay ka ni Storm.” Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. “Hey, dahan dahan naman. Akala ko ba’y hindi ka gutom.” aniya at inabot sa’kin ang tubig na agad kong ininom. “Wala po ako sa mood mag-aral ngayon.” Sagot ko nang mahimasmasan. Umiling siya at pinitik ako sa noo. “Well, sorry young lady but you have to.” Nanlumo ako at bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko. “Please, Dad? Ngayon lang.” pagpupumilit ko. Umiling siya at tiningnan ako ng masama. “Na-uh. Ubusin mo na ‘yan at pagkatapos ay bumaba ka na.” “Dad…” “Ilang araw na lang ay exam na ninyo, Shan. Dapat nga ay nagpupursigi ka.” Napabuntong hininga ako at hindi na umapila. Parang ayoko tuloy na maubos ‘tong pagkain ko hanggang sa mag madaling araw. Tumayo si Dad at hinalikan ako sa noo. “Bilisan mo na riyan, lalabas na ‘ko.” Tumango ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ay agad akong nagpagulong gulong sa kama ko. Anong gagawin ko? Nakakahiya talaga! Parang hindi ko kakayanin na harapin siya matapos ng pagtatapang-tapangan ko kanina. Kasalanan niya rin ‘to eh! Bakit ba naman kasi bastos ang bunganga niya, ayan tuloy nag-init ang ulo ko. Argh!!! Paano na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD