Chapter 18

1000 Words
BUMABA ako pero hindi ko sinunod ang sinabi ni Dad at inintay ko lang siyang makatulog. Hindi ko talaga kaya, sobrang awkward nu’n kung sakali. Hindi pa ako handa na harapin ang kahihiyang 'yun, bukod pa ro'n ay naiinis ako sa kanya, sobra sobrang kahihiyan ang binigay niya sa'kin. 'Di niya man lang inisip ang nararamdaman ko. Sabagay, ganu'n naman talaga ang ugali niya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid niya kaya bakit pa ba ako nagtataka? Bumalik lang ako sa kwarto ko nang masigurong tulog na si Dad at pinagpatuloy ang pag-aaral mag-isa. Buti na lang at hindi na ako tinanong ni Storm nang iwan ko siya ro’n sa sala kanina. Gets naman na niya siguro ‘to. Kasalanan niya kaya! Tapos ang nakakainis pa ay kung umakto siya kanina ay parang wala siyang ginawang masama at ako pa ang nagmukhang ilang na ilang. Kainis. Hm, nasa’n na ‘yun? Inalis ko ang lahat ng libro ko sa bag ko at kumunot ang noo ko ng hindi ko makita ang Math book ko. ‘Yun pa naman ang pinaka dapat kong aralin dahil doon ako pinaka mahina. Ang alam ko nandito lang ‘yun eh. Hinalughog ko ang gamit ko sa table at ilang ulit na iniscan ang books ko pero wala talaga. Saan ko ba siya huling ginamit? Ay nu’ng nag-aral kami ni Storm sa kwarto niya. Tama doon nga. WAIT. WHAT?! Napasabunot ako sa sarili ko nang marealize na doon ko naiwan ang book ko. May bisita kasi si Dad nu’ng isang araw kaya doon kami sa kwarto niya nag-aral sa hindi ko malamang dahilan. Pu-pwede namang sa kwarto ko pero hindi ko alam kung bakit pumayag akong sa kwarto niya. Ah! Nagkalat nga pala ang damit ko nu’n sa kama ko kaya hindi kami sa kwarto ko natuloy. Kinutusan ko ang sarili ko at napakagat sa pang ibabang labi ko. Oh ngayon, paano ko kukunin ‘yun? Alam ko na, mamaya ko na lang kukunin kapag tulog na siya. Tama, hindi naman siya nagla-lock ng pintuan niya kaya hindi ako mahihirapan. Saktong ala una ng gabi ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at tumayo ng tuwid sa harap ng kwarto ni Storm. “Storm?” mahinang tawag ko at dinikit ang tenga ko sa pintuan niya para malaman kung gising pa ba siya o hindi. Kumatok ako ng tatlong beses at nang masigurong tulog na siya ay sumilip muna ako sa hallway kung may gising ba at baka makita akong papasok sa kwarto ni Storm. Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin. Maingat kong pinihit ang door knob at pigil ang hiningang pumasok sa loob. Patay na ang ilaw at tanging ang lamp shade niya lang ang nakabukas. Napanatag ako ng makitang mahimbing siyang natutulog. Pasensya na Storm, may kukunin lang ako saglit. Dahan dahan akong naglakad sa study table niya at walang ingay na iniscan ang mga libro niya. Nasa’n na ba ‘yun? Napakamot ako sa batok ko nang ‘di matagpuan sa study table niya ang libro ko. Ang alam ko ay nasa table lang ‘yun eh. Inikot ko ang paningin ko at halos pumalakpak ako nang makita ko ang libro ko sa isa sa mga sofa niya. Agad ko iyong kinuha at niyakap habang dahan-dahang naglalakad palapit sa pintuan. “Anong ginagawa mo?” “Ay, palaka!” Halos atakihin ako sa puso nang magtama ang paningin namin. Kunot noo siyang nakatingin sa akin na agad na nagpaayos ng tayo ko. Tumikhim ako at ngumiti ng pilit. “M-may kinuha lang.” “Talaga?” Tumango ako at tinaas ang librong hawak ko. “E-eto, naiwan ko kasi nu’ng isang araw.” “Bakit ngayon mo lang kinuha? Kung kailan tulog na ang mga tao rito saka ka papasok?” Napalunok ako at pinanlakihan siya ng mata. “Anong gusto mong iparating ha? K-kinuha ko lang sabi ang libro ko.” Ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras ako at halos maubos ko na ang laway ko dahil sa kakalunok. “A-anong ginagawa mo?” “Ikaw? Anong ginagawa mo?” aniya habang patuloy pa rin sa paglapit sa’kin. “L-lumayo ka nga, l-lalabas na ‘ko.” “Talagang sa ganitong oras mo ‘yan kinuha? Kung kailan tulog ako at walang nakakakita sa’yo?” “A-ano bang sinasabi mo diyan?” Ngumisi siya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa’kin na ikinalaki ng mata ko. “A-ano ba!” “Hindi ko akalain na ganyan mo ‘ko kagusto, to the point na magdadahilan ka para lang silipin ako rito.” Tinulak ko siya pero hindi siya natinag kahit kaunti. “A-ano bang pinagsasabi mo! L-lumayo ka nga.” Parang tumigil ang mundo ko nang unti-unting niyang ilapit lalo ang mukha niya at wala akong nagawa kundi ang pumikit at kagatin ang pang-ibaba kong labi. Lord, ano ba ‘to. “Talagang iniisip mong hahalikan kita?” malakas na tawa niya ang pumuno sa buong kwarto. “Pathetic.” Agad akong napamulat at walang sabing tinulak siya ng malakas at tumakbo palabas ng kwarto niya. Ramdam kong pulang-pula ang mukha ko at nangingilid ang luha ko dahil sa sobrang kahihiyan. How dare him! Ang kapal nang mukha niyang paglaruan ako ng ganu'n. Ano bang akala niya, sobrang patay na patay ako sa kanya para silipin pa siya ng dis oras ng gabi? Napasandal ako sa pintuan ng kwarto ko at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sobrang nanliit ako sa sarili ko at parang hinahati ang puso ko. Parang ayoko na siyang makita pa, ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong pagkapahiya. Pangalawang beses na niyang ginawa sa akin ang ganito at naiinis ako dahil siya pa rin ang gusto ko. Pinunasan ko ang luha ko at matamlay na humiga sa kama ko. Buong gabi ko ‘yong inisip at halos nakatulugan ko na ang pag-iyak. Ang sama sama mo, Storm. Nagsisisi akong ikaw ang nagustuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD