Chapter 25

1325 Words
NAGISING ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na malapit sa tenga ko. Nahihilong tumayo ako sa pagkakasandal sa desk at tamad na pinatay iyon. Pagkatapos ay hindi sinasadyang dumako ang tingin ko sa isang upuan, kung saan nakapwesto si Storm kagabi… Akala ko pa naman mukha niya ang bubungad sa akin pagmulat ko. Tss. Dismayadong napabuntong hininga ako at walang ganang pumasok ng banyo para maligo at mag-ayos. Tipid na napangiti ako ng makita ang mga sticky notes na nakadikit roon. Feeling ko papasa na ako this time. Habang nagsho-shower ay nire-recite ko ang bawat questions and answers na inaral ko ng ilang araw. Nakakatuwa dahil normal na lang na pumapasok sa isip ko ang mga sagot sa bawat tanong na naiisip ko na para bang matagal ko nang alam ang mga ‘yun. Hanggang sa pagbibihis at pag-aayos ng mukha ay nagsasalita akong mag-isa, sa huli ay malapad ang ngiting lumabas ako ng kwarto. Maganda ang mood ko ngayon kahit na hindi mukha ni Storm ang unang bumungad sa akin. “Good morning, Dad.” Masiglang bati ko kay Daddy nang maabutan ko siya sa dining table na tahimik na nagbabasa ng diyaryo habang sumisimsim ng kape. Nag-angat siya ng tingin sa akin at agad na ngumiti. “Good morning, hija. Maayos ba ang tulog mo?” Lumapit ako sa kanya at bumeso. “Opo, kayo po?” “Maayos rin. O siya, mag-almusal ka na at baka mahuli ka sa klase mo.” Tumango ako at nagsimulang magsandok ng fried rice at egg. “Nauna na si Storm, ang batang ‘yun talaga masyadong sanay na mag-isa.” Naiiling na aniya. Nabitin sa ere ang pagsubo ko sana ng kanin ng bigla ay may maalala ako. “Dad, si Storm ba ulilang lubos na? I mean, ‘di ba’t may mga case na kahit may magulang pang buhay ay nasa ampunan?” Sandali akong tinitigan ni Dad at pagkatapos ay nagkibit balikat lang. Halatang ayaw sagutin ang tanong ko, maiintindihan ko rin naman kung masyadong private iyon. Bumuntong hininga ako at tinuloy na lang ang pagsubo ng kanin. Curious ako sa buhay ni Storm pero wala naman akong magagawa kung masyado siyang private na tao at ayaw niyang ipaalam ang buhay niya. Nang matapos ako sa pagkain ay agad na akong tumayo para magpaalam kay Dad. “Omg, ‘yung books ko pala.” Sigaw ko nang bigla ay maalala ang libro ko na nasa study table. Mabuti na lang at pasakay pa lang ako ng kotse. “Sandali lang, Kuya.” Ani ko at mabilis na umakyat para kuhanin ang librong inaral namin kagabi. Sa sobrang antok ko hindi ko na naibalik sa bag ko ang books ko, mabuti na lang at naalala ko kung hindi ay paniguradong palalabasin ako ng masungit na Prof namin sa subject na ‘yun. “Hayy, exam na natin bukas.” Nakangusong ani Bri habang nakapangalumbaba sa desk. “Buti ka pa Shan, kahit papaano ay paniguradong may maisasagot ka dahil panay ang aral mo.” Nilipat ko ang pahina ng papers na binabasa ko. “Edi mag-aral ka na mamayang gabi.” “Kung madali lang ay ginawa ko na. Kahit anong titig ko sa libro ko ay wala akong naiiintindihan.” “Alam niyo ba na si Yuri ay may tutor rin sa section 1?” bigla ay saad ni Drei habang nagbubuklat rin ng libro. “Totoo ba?” umirap si Bri at lalong nanlumo. “Ang malanding ‘yun, mapagsamantala talaga.” “Ano naman ang masama ro’n? Ako rin naman, ‘di ba tutor ko si Storm.” Napatikhim ako at bahagyang umayos ng upo. “Eh iba naman ‘yung sa kanya. Paniguradong kodigo ang pinagawa nu’n at hindi ang tutorial session.” Si Yuri ang President ng klase namin ngayon na kasalukuyang may gusto kay Gab at Storm. Sobrang bulgar ng feelings niya, to the point na araw araw siyang nagti-tweet about sa dalawang ‘yun at tinalo pa ang imbestigador sap ag-iimbestiga ng buhay nila. Iniisip ko nga na iniistalk niya ang dalawang ‘yun. Pero teka… Kung iistalk niya si Storm, edi malalaman niyang sa iisang bahay lang kami nakatira? Napaayos ako ng upo at napatingin kay Bri. “Tingin niyo ba alam na niya na sa iisang bahay kami nakatira ni Storm?” bulong ko. Napailing si Drei. “I’m sure hindi pa, kasi kung alam niya na imposibleng hindi ka niya sugurin rito.” Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Drei. Hindi naman sa ayaw kong malaman ng lahat, pero dahil alam kong ayaw ni Storm. Wala siyang pakialam sa opinion ng ibang tao pero ayaw niya rin na ma-link sa akin ng tuluyan, ramdam ko ‘yun. “Oo nga, saka ano naman? Girlfriend ba siya para mag eskandalo?” mataray na ani Bri. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pagbasa. Exam na bukas, matatapos na rin ang paghihirap ko gabi gabi. Sana lang talaga ay magbunga at hirap at puyat ko. Tiwala ako sa pagtuturo sa akin ni Storm, pero hindi sa sarili ko. Pakiramdam ko ay nagiging ulyanin ako tuwing exam day, wag naman sana. Kailangan kong pumasa, kahit hindi na ang makasama sa top 50 basta ang maka-graduate at makapasa lang ayos na. Narealize ko rin kasi na masyadong mataas ang hiniling kong makasama sa study room. Dapat makontento ako sa pagpasa sa exam ng finals, dahil 'yun ang reality ko. Ang study room ay realidad ng mga kagaya lang ni Storm. Hindi na ako dapat mag expect para less disappointment. “Oh eto, intindihin mong mabuti ang mga ‘yan. Paniguradong lalabas sa exam ‘yan.” Ani Storm at inilapag sa desk ko ang huling set ng papers na prinint niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagso-solve ng kasalukuyang problem na inaaral ko. Ilang oras na kaming nag-aaral dito at hindi ko ‘yun namamalayan dahil masyado akong naka focus sa ginagawa ko. Pumasok si Manang at inilapag ang snack naming dalawa pero ni hindi ko rin iyon natapunan ng tingin na ikinangisi lang ni Storm. Punong puno ang utak ko ngayon at hindi naman ako nagrereklamo roon. Pansin ko ang pag-uunat unat ni Storm kaya napatingin ako sa kanya. Iniikot niya ang ulo niya habang nakapikit dahil siguro nangalay ang batok niya sa kaka-type ng possible questions. “Gusto mo bang hilutin kita?” nahihiyang tanong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko habang nakatitig sa kanya. “Hindi na, ituloy mo na ‘yan.” Aniya na nanatiling nakapikit pa rin at ang dalawang braso ay inilagay sa dibdib habang nakasandal sa upuan niya. Alam kong ilang araw ko na siyang inaabala at pinupuyat dahil hindi naman siya sanay na nag-aaral sa gabi. Pansin ko rin na maaga siyang natutulog talaga, kaya naman kahit papaano ay nagi-guilty ako dahil ro’n. Bumuntong hininga ako at muling hinarap ang papel na sinasagutan ko. Matapos lang ang exam na ‘to… “Para saan naman ‘yan?” takang tanong ko nang makita ang idinikit niyang isang bond paper na may malaking bilog sa ceiling ng kwarto ko. “Titigan mo ‘yan bago ka matulog, hanggang sa wala ka nang makita kundi ang mismong bilog na ‘yan at hindi ang nasa paligid. Makakatulong ‘yan sa concentration mo.” Napaawang ang bibig ko at wala sa sariling tumango. Alas dose na at kakatapos lang naming mag-aral. “Sige, salamat.” Tumango lang siya at walang sabing naglakad palabas ng kwarto ko. “G-goodnight.” Ikinaway niya lang ang kamay niya at tuluyang lumabas ng kwarto. Matapos kong mag half bath ay pumwesto na ako sa kama ko at sinimulang titigan ang bilog habang nag re-recite ng mga kailangang tandaan. Nakakatuwa dahil kahit papaano ay effective nga ang ginawa niya. Hanggang sa unti unti kong ipikit ang mata ko ay tanging ang bilog lang ang nakikita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD